Pokwang sa pagiging single mother ulit: “Aaminin ko na napakahirap ang pinagdadaanan kong ito”

Ex ni Pokwang na si Lee na-deport na palabas ng bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pokwang ibinahagi ang nararamdaman niya ngayon na siya ay single mother na ulit.

Mababasa dito ang sumusunod:

Deportation ng ex ni Pokwang na si Lee O’Brian

Larawan mula sa Facebook account ni Pokwang

Nitong Disyembre ay na-deport na ang ex ni Pokwang na si Lee O’Brian palabas ng bansa. Si Lee ay native ng San Francisco, California na lumipat dito sa Pilipinas ng makarelasyon si Pokwang o Marietta Subong sa totoong buhay.

Ang relasyon nila ng anim na taon ay natapos nitong 2022. Si Pokwang noong una ay pinili pang itago ang nangyari sa kanila. Pero kalaunan ay isinapubliko niya rin ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Ito ay nagmula umano sa confrontation nila sa negosyo na nadagdagan pa ng ibang issues na natuklasan niya tungkol kay Lee.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naging malalim ang gap sa pagitan ni Lee at Pokwang na nauwi sa pagfifile ng komedyante ng petition para mapaalis ng bansa ang kaniyang ex. At nito ngang Disyembre ay lumabas ang desisyon ng korte na pabor kay Pokwang. Si Lee ay na-deport palabas ng bansa.

Pokwang bilang single mother

Larawan mula sa Instagram ni Pokwang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Pokwang bagamat masaya na sa wakas ay nabigyan siya ng hustisya, pag-amin ng komedyante ay nahihirapan rin siya. Lalo pa’t sa ngayon sa pangalawang pagkakataon ay nabigo na naman siya sa pag-ibig at single mother na naman.

“Aaminin ko na napakahirap ang pinagdadaanan kong ito - may mga araw na napangungunahan ako ng inis at galit. Frustrated ako dahil gusto ko nang mapaalis si Lee sa ating bansa sa lalong madaling panahon.”

“Naging mabigat ang aking saloobin mula ng nagkaproblema kami ni Lee, at nagpatuloy pa ito kahit nanalo na kami sa deportation case laban sa kanya. Dahil na din siguro ito sa mga limitasyon ko bilang tao, bilang solo parent na nagtataguyod sa aking pamilya.”

Ito ang sabi ni Pokwang na humingi rin ng paumanhin sa mga nasabi niya sa iba ukol sa paghihiwalay nila ng dating ka-relasyon.

Larawan mula sa Instagram account ni Pokwang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement