X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Principal, nag-pole dancing sa harap ng mga estudyante!

4 min read
Principal, nag-pole dancing sa harap ng mga estudyante!

Isang principal sa Xinshahui Kindergarten, Shenzhen, China, ang natanggal sa trabaho dahil nagkaroon ng pole dancing show sa kaniyang paaralan.

Para sa ibang tao, nakakatulong ang paggamit ng internet, at sa iba naman ito ay nakakasama. Ngunit para sa isang principal sa Xinshahui Kindergarten, Shenzhen, China, ang pag-viral niya sa internet ay naging dahilan ng pagkatanggal niya sa trabaho. Ito ay dahil sa isang pole dancing performance na kaniyang ipinakita sa mga mag-aaral ng kanilang paaralan!

Ang mga mag-aaral ng Xinshahui Kindergarten kasama ng kanilang mga magulang ay hindi inaasahang nakapanood ng isang pole dancing performance sa opening day ng paaralan.

pole dance show at kindergarten

Isang pole dancer na sumasayaw sa opening day ng paaralan sa China. | Picture credits: Screengrab from South China Morning Post

Mas nakakagulat nang biglang gayahin ng mga batang lalake ang ginagawa ng mga pole dancer. Habang ang mga batang babae naman ay nakatitig lang sa kanilang nakikita.

Ang ibang mga magulang ay hindi na kinaya ang kanilang nakikita kaya’t dali dali nilang kinuha ang kanilang mga anak, at umalis.

Ang principal ng paaralan na si Ms. Lai Rong ay iniimbestigahan ngayon dahil sa nangyaring palabas. Ang mga nagsayaw raw ay di umano, kasama sa kaniyang pole dancing class.

Pole dancing show sa kindergarten ikinagalit ng magulang 

Kumalat ang pangyayari sa social media matapos ang isang magulang, si Michael Standaert, ay nag-record ng video at larawan ng mga pangyayari at ikinalat ito sa twitter.  

Napunta rin ang mga video sa Weibo, ang pinaka Facebook sa China. 

Sumayaw din di umano ang principal sa harap ng mga mag-aaral. Panoorin dito ang video.

So before our kids got out of kindergarten for the summer, there was 10 days of military “activities” and displays of machine guns and mortars at the door; now the principal has welcomed them back with a strip pole dance on the flagpole bearing the PRC flag. She’s gone nuts. pic.twitter.com/BJr4UI6Oq3

— Michael Standaert (@mstandaert) September 3, 2018

Hindi pa riyan nagtatapos ang mga pangyayari…

Bukod sa pole dancing performance, nagkaroon din di umano ng burlesque performance ayon sa Reuters. May mga nakapaskil rin na mga advertisement ng pole dancing school sa labas ng paaralan. 

 

pole dance show at kindergarten

Plano nang ilipat ng paaralan ni Michael Standaert ang kaniyang mga anak dahil sa nangyari. | Source: Standaert’s Twitter

Dagdag pa ni Standaert na tatanggalin na raw niya ang kaniyang mga anak sa paaralan dahil sa nangyari.

Siguradong kahit sinong magulang ay hindi sasang-ayon sa ganitong klaseng palabas sa paaralan. 

The principal hung up on my wife when she called after saying it was “international and good exercise” … okay, yeah for adults maybe, but not 3-6 year old kids. pic.twitter.com/OAw8S5ihzX

— Michael Standaert (@mstandaert) September 3, 2018

Dahil sa pangyayari, nagkaroon ng imbestigasyon at tinanggal na sa puwesto ang principal ng paaralan.

Ayon sa isang statement sa Weibo, hindi sang-ayon ang Bao’an district educational bureau sa ginawa ng principal.

Nang ireklamo siya ng mga magulang, sinabi ng principal na akala niyang maganda ang pole dancing performance para sa simula ng klase. Aniya, maganda raw itong salubong sa mga mag-aaral.

Huwag mapalagay, kahit sa mga bata

Humingi ng patawad ang principal sa mga magulang ng mag-aaral. Pinadala niya ito sa pamamagitan ng text message, at kumalat rin ito sa Weibo.

Mayroong mga 500 mag-aaral at 100 magulang na naroon noong naganap ang performance State Media.

Dagdag pa ni Standaert na maraming mag-aaral ang hindi naging komportable sa kanilang napanood.

Taliwas ito sa sinabi ng principal na hindi naman daw mag-iisip ng masama ang mga bata. 

Sa kabutihang palad, pinalitan na rin ang principal ng paaralan. Sana’y magsilbing aral ito sa mga principal ng mga paaralan na huwag basta-bastang maging padalos-dalos sa mga desisyon. 

 

Source: Channel NewsAsia, Global Times, Reuters

 

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

Partner Stories
New to the Mom Game? Celebrate Mother's Day with These Awesome Deals and Activities
New to the Mom Game? Celebrate Mother's Day with These Awesome Deals and Activities
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
#SendLoveWithBebeBata
#SendLoveWithBebeBata
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist

https://sg.theasianparent.com/pole-dance-show-at-kindergarten

 

Basahin: Kindergarten students given just noodles with fish sauce for lunch

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Parenting
  • /
  • Principal, nag-pole dancing sa harap ng mga estudyante!
Share:
  • The best thing you can do for your gay child

    The best thing you can do for your gay child

  • Is your kid constipated?

    Is your kid constipated?

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • The best thing you can do for your gay child

    The best thing you can do for your gay child

  • Is your kid constipated?

    Is your kid constipated?

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at update sa pag-aalaga ng baby at kanilang kalusugan.