Para sa ibang tao, nakakatulong ang paggamit ng internet, at sa iba naman ito ay nakakasama. Ngunit para sa isang principal sa Xinshahui Kindergarten, Shenzhen, China, ang pag-viral niya sa internet ay naging dahilan ng pagkatanggal niya sa trabaho. Ito ay dahil sa isang pole dancing performance na kaniyang ipinakita sa mga mag-aaral ng kanilang paaralan!
Ang mga mag-aaral ng Xinshahui Kindergarten kasama ng kanilang mga magulang ay hindi inaasahang nakapanood ng isang pole dancing performance sa opening day ng paaralan.
Mas nakakagulat nang biglang gayahin ng mga batang lalake ang ginagawa ng mga pole dancer. Habang ang mga batang babae naman ay nakatitig lang sa kanilang nakikita.
Ang ibang mga magulang ay hindi na kinaya ang kanilang nakikita kaya’t dali dali nilang kinuha ang kanilang mga anak, at umalis.
Ang principal ng paaralan na si Ms. Lai Rong ay iniimbestigahan ngayon dahil sa nangyaring palabas. Ang mga nagsayaw raw ay di umano, kasama sa kaniyang pole dancing class.
Pole dancing show sa kindergarten ikinagalit ng magulang
Kumalat ang pangyayari sa social media matapos ang isang magulang, si Michael Standaert, ay nag-record ng video at larawan ng mga pangyayari at ikinalat ito sa twitter.
Napunta rin ang mga video sa Weibo, ang pinaka Facebook sa China.
Sumayaw din di umano ang principal sa harap ng mga mag-aaral. Panoorin dito ang video.
Hindi pa riyan nagtatapos ang mga pangyayari…
Bukod sa pole dancing performance, nagkaroon din di umano ng burlesque performance ayon sa Reuters. May mga nakapaskil rin na mga advertisement ng pole dancing school sa labas ng paaralan.
Dagdag pa ni Standaert na tatanggalin na raw niya ang kaniyang mga anak sa paaralan dahil sa nangyari.
Siguradong kahit sinong magulang ay hindi sasang-ayon sa ganitong klaseng palabas sa paaralan.
Dahil sa pangyayari, nagkaroon ng imbestigasyon at tinanggal na sa puwesto ang principal ng paaralan.
Ayon sa isang statement sa Weibo, hindi sang-ayon ang Bao’an district educational bureau sa ginawa ng principal.
Nang ireklamo siya ng mga magulang, sinabi ng principal na akala niyang maganda ang pole dancing performance para sa simula ng klase. Aniya, maganda raw itong salubong sa mga mag-aaral.
Huwag mapalagay, kahit sa mga bata
Humingi ng patawad ang principal sa mga magulang ng mag-aaral. Pinadala niya ito sa pamamagitan ng text message, at kumalat rin ito sa Weibo.
Mayroong mga 500 mag-aaral at 100 magulang na naroon noong naganap ang performance State Media.
Dagdag pa ni Standaert na maraming mag-aaral ang hindi naging komportable sa kanilang napanood.
Taliwas ito sa sinabi ng principal na hindi naman daw mag-iisip ng masama ang mga bata.
Sa kabutihang palad, pinalitan na rin ang principal ng paaralan. Sana’y magsilbing aral ito sa mga principal ng mga paaralan na huwag basta-bastang maging padalos-dalos sa mga desisyon.
Source: Channel NewsAsia, Global Times, Reuters
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
https://sg.theasianparent.com/pole-dance-show-at-kindergarten
Basahin: Kindergarten students given just noodles with fish sauce for lunch