DoH: Polio, hindi masyadong mapanganib sa matatanda

Ayon kay DOH Spokesperson and Undersecretary Eric Domingo, mababa ang panganib ng polio sa matatanda. Alamin kung sino ang high-risk sa sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ang halos dalawang dekada na polio-free ang Pilipinas, dalawang kaso na ang naitatala nito ngayong taon. Dahil dito, patuloy ang pagtatrabaho ng Department of Health (DOH) para matigil ang outbreak.

Ngunit, sino sino ba ang dapat tumanggap ng bakuna laban sa polio? May posibilidad ba na magkaroon ng polio sa matatanda?

Mababa ang panganib

Sa pakikipag-panayam ni DoH Spokesperson and Undersecretary Eric Domingo sa DZMM, siya ay tinanong kung maaaaring magkaroon ng polio ang mga adults o matatanda. Kanyang ibinahagi na sobrang baba ng panganib na nito sa mga malulusog na matatanda.

Ang immune system ng malulusog na matatanda ay sapat na ang tibay upang labanan ang virus. Ito ay sa kabila ng pagtanggap ng bakuna nuong bata pa o kahit hindi man.

Ayon kay Domingo, ang mga bata na wala pang 5 taong gulang ang high-risk na magkasakit ng polio. Ang kanilang mga immune system ay hindi pa ganap na malakas upang labanan ang virus nito. Ito ang dahilan kung bakit ang tinututukan ng DoH na mabigyan ng oral poliovirus vaccine (OPV) ay mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subalit, mayroon paring posibilidad na mahawa nito ang matatanda. Kapag ang immune system ng isang matanda ay mahina, maaari silang kapitan ng poliovirus. Para sa mga ito, iminumungkahi ni Domingo na magpakonsulta sa mga health experts para malaman ang dapat gawin. Makakabuting alamin kung kailangan bang tumanggap ng bakuna para makatulong sa pagpigil ng pagkalat nito.

Pag-prevent ng pagkalat ng poliovirus

Kamakailan lamang ay nagpositibo sa poliovirus ang sewage ng Manila at Davao. Wala pa man kaso ng polio sa dalawang siyudad na ito, pinapayuhan parin ng DoH ang pag-iingat at pagtanggap ng OPV.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mula sa huling kaso ng polio sa bansa nuong 2001, isang 3 taong gulang na babae mula Lanao del Sur ang kinapitan ng sakit na ito. Sumunod naman ay isang 5 taong gulang na batang lalaki mula sa Laguna.

Upang mapigilan ang pagkalat ng lubos na nakakahawang sakit, namimigay ang DoH ng OPV sa mga maaaring mahawa nito. Kanila ring pinapayuhan ang mga tao at lokal na gobyerno sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran. Dapat raw ay maging mahigpit ang mga pamahalaan sa pananatili ng “zero open defecation program.”

Ipinapayo din ng DoH ang hindi muna paglangoy sa mga lugar na may naitalang poliovirus. Ito ay para hindi makapasok ang poliovirus sa katawan na pinagmumulan ng sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Basahin din: Polio Virus Type 2 ang dumapo sa bansa; bakuna paparating pa lang ngayong October

Source: ABS-CBN News