Salungat sa kung ano ang ating nalalaman tungkol sa PCOS (polycystic ovarian syndrome), isang bagong pag-aaral ang nagke-claim na ang nagti-trigger sa kundisyong ito ay isang hormonal imbalance na nagmumula sa isang cerebral level at hindi lamang mula sa loob ng ating ovaries.
Gayunpaman, kinakailangan pang magsagawa ng karagdagang pag-aaral upang mapagtibay ang claim na ito, ang bagong tuklas na pag-aaral na ito ay maaaring maging sanhi ng mga pagbabago sa kung paano haharapin ng mga medical practitioners ang kondisyong ito, na kung saan naaapektuhan ang isa sa 10 mga kababaihan sa buong mundo, ayon sa National Institutes of Health.
Ang mga sintomas ng PCOS ay ang pahirapang buwanang dalaw, ovulation problems, at ovarian cysts. Ito din ay maaaring magdulot ng infertility o pagkabaog.
Narito ang ilang pangunahing impormasyon mula sa pag-aaral:
1. Ang target ng PCOS treatment ay maaaring malipat mula sa ovary papunta sa utak.
“Sa unang pagkakataon mayroon tayong bagong direksyon na kung saan natin susubukang maghanap at mag-develop ng mga bagong lunas na makakatulong upang magamot at maiwasan ang pagkakaroon ng PCOS, ang “androgen excess” sa ating ovary at pati na din sa ating utak,” paliwanag ng pangunahing author ng pag-aaral na si Kirsty Walters sa Science Alert.
2. Ang pagdami ng androgen hormones sa utak ay maaring magdulot ng PCOS
Ang androgens,tulad ng testosterone, na alam nating hormones na nagmumula sa lalaki, ay maaari rin na i-produce ng katawan ng isang babae. Gayunpaman, ang pinaka-purpose nito ay ang pag-convert sa mga ito bilang estrogen kinalaunan.
Ang pagdami ng androgens sa ovaries ay napag-alamang nagdudulot ng pagkakaroon ng PCOS, ngunit ngayon, ang labis na androgen sa utak ay naka-link na din sa kondisyong ito. Ang cerebral androgen activity ay maaaring maging sanhi ng PCOS, ayon sa pag-aaral.
Kahit na marami pang pag-aaral ang kailangang isagawa upang lubos na maunawaan kung paano ito nakakaapekto at kung paano mapapagbuti ang mga kasalukuyang paraan ng paggamot para mga kababaihang nagdurusa dahil sa kondisyon ito, ito ay tiyak na magbibigay sa atin ng pag-asa at makabagong paraan upang magamot ang PCOS.
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!