Sobrang nahihirapan akong turuan ang anak ko sa pag poop nya sa cr namin. Marunong na syang umihi ng hindi nagda'diaper at sa gabi ko lang sya pinag susuot pag matutulog pati sa tanghali pero cloth diaper sya pag mag syesta para hindi maistorbo ang tulog nya. Pero ang ginagawa nya kapag naka diaper na sya sa tanghali, saka sya magpopoop. Kapag nagsabi sya na madudumi sya at dadalhin ko sa cr para umupo sa inidoro umiiyak na lang sya pero hindi nya talaga ilalabas ng dumi nya. Ineexplain ko naman sa kanya ng maayos kung baket dapat sa cr sya magdudumi pero lagi nyang sagot "hindi ako marunong". Sobrang nakaka pagod ipaliwanag kasi paulit ulit. Alam kong di naman agad sya matututo at marami pa talagang pasensya ang dapat kong baunin. Mahaba habang pilitan at paliwanag pa ang gagawin ko dahil nahihirapan sya matutunan ang pag dumi sa cr. 1 month pa lang simula ng tinuruan ko sya mag poop na sa cr, pero minsan talaga may puntong magpapasuot sya cloth diaper para lang dumihan nya. Huhuhuhu. Sana sa mga susunod sya na mismo mag sabing pupunta sya ng cr para dumumi. Minsan naman parang nakahiligan nya mag punta panay sa cr, para lang umihi tipong isang patak lang talagang iihi sya. Magpapasama pa naman sya kaya kapag habang kumakaen talagang mapipilitan kang samahan sya kesa makaihi sya sa sahig. Meron pa mga unang linggo na tinuturuan ko sya mag sabi kung nadudumi sya para dalhin ko sya sa cr. Hindi sya nagsalita, bigla na lang sya tumahimik at umiyak sabay sabing "nanay t*e ko, nalaglag!" ako naman nagulat akala ko kung ano na. Kinausap ko sya ng maayos at masinsinan, sabi ko "okay lang yan, wag ka umiyak. Basta kapag nararamdaman mong madudumi ka magsasabi ka agad kay nanay" tumango at nagsabi naman sya ng "opo". Tiwala naman akong kaya nya dahil marunong sya magsabi ng nararamdaman nya, ultimo pag utot nya sinasabi nya pa sa akin eh.Pero habang tumatagal naging problema ko na talaga dahil lagi nya sinasabing "hindi daw sya marunong" kaya chinecheer ko sya sa pag iri kapag nakaupo sya sa trono.Nagawa na nya ng isa o dalawang beses, may mga times lang talaga di ko alam kung wala lang ba sya sa mood o talagang ayaw nya kasi nangangalay sya at minsan naiisip nyang mahuhulog sya kahit tinuruan ko na sya umupo ng maayos at may patungan din syang inaapakan may hawakan din sya kaya alam kong safe syang di mahulog. Siguro masasanay din sya unti unti, sa ngayon panay takot at naninibago pa. Sana dumating na din yung araw na hindi na sya magpasuot ng diaper at matuto syang magdumi sa cr.🥰 🥰🥰
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!