Mga eksperto nakatuklasan ang paraan para ma-manage ang tantrums ng mga bata

Mahirap talaga ang positibong pagdidisiplina lalo na kung nagta-tantrums ang iyong anak. Subalit may natuklasan ang mga researcher sa Yale upang manage ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit na ika’y bagong magulang pa lamang o hindi, ang pag-manage sa tantrums ng iyong anak ay talaga namang stressful, kaya narito ang ilang mga paraan sa isang positibong pagdidisiplina kapag nata-tantrums ang iyong anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Natuklasan ng eksperto sa pag-manage ng tantrums
  • Ang online “tantrum tool”
  • Payo ng mga eksperto sa mga magulang

Larawan mula sa iStock

Ang pagta-tantrums sa mga bata ay normal lamang dahil dito sila nagko-cope ng kanilang fustration, pero useful pa rin kung may mga paraan para manage ito sa isang positibong pagdidisiplina sa inyong mga anak.

Ayon sa Huffpost, team ng mga researcher mula sa Yale. Maaaring natagpuan na nila ang solusyon para ma-manage ang tantrums ng mga bata. Sa kanilang isinagawang pilot study, natagpuan nila sa isang virtual progam na matagumpay nitong nalimitahan ang distributive behaviour ng isang bata at pati na ang pag-reduce ng overall irritability sa mga bata.

Isang online “Tantrum Tool”

Ang pag-aaral ay nilahukan ng 15 na pamilya na mayroong anak na nasa edad na 3 taong gulang hanggang 9 na taong gulang; na mayroong oppisitional defiance disorder o disruptive mood dysregulation disorder. Ito’y mga psychiatric disorder na kilala na may kaugnayan sa anger outbursts at irritability. Bagaman, sinabi sa Yale News website tanging 12 na pamilya lamang ang nakakumpleto ng full treatment.

Natuklasan ng mga researcher na ang kanilang online “tantrum tool” ay naging epektibo sa pag-reduce ng pediatric irritability at disruptive behaviours sa mga bata. Ang kasama sa programang ito ang sequence ng 8 module na mayroong short animated videos na gawa ng mga eksperto. Upang mapakita ang mga ilang mga paraan na maaaring magamit ng mga magulang upang matukoy ang key triggers ng kanilang tantrums at kung paano ito i-manage at positibong pagdidisiplina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang model na ito ay sinasabing nakabase sa “parent management training” na matagal nang mayroon subalit hindi ito basta-basta maa-access ng mga magulang. Kaya naman ang programng ito ng mga eksperto sa Yale ay magiging inclusive at mas magiging accessible sa mga magulang.

Larawan mula sa iStock

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6 paraan para pakalmahin ang anak mo kapag may tantrums

“Magic words” na maaaring gamitin para matigil ang tantrums

5 signs na nasa “terrible twos” stage na si baby

Ang pagta-tantrums ba ng iyong anak ay “normal” o hindi?

Halos lahat ng bata ay mayroong tantrums. Pero paano mo ba matutukoy kung ito’y normal at hindi?

Ayon kay Denis Sukhodolsky, sang associate professor sa Yale Child Study Center, kinakailangan na ang mga magulang na obserbahan ang kanilang anak kung madalas ang pagta-tantrums ng mga ito. Sinasabi niya kailangan ding isaalang-alang kung ang kanilang anak ay matagal bago kumalma.

Dagdag pa niya kung ang tantrums ng bata ay lumampas na sa 5 hanggang 15 minuto. Maaaring isa na itong senyales na ito’y kakaiba na sa kaniya at maaaring mas seryoso pa ito sa kanilang inaakala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Problema rin kung ang iyong anak ay nagkakaroon ng meltdowns ng madalas subalit kumakalma naman ito sa kanilang sariling paraan at nakaka-move on agad kahit walang masyadong pangingielam.

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano mag-deal sa tantrums ng mga bata?

Habang naging matagumpay ang programa, hindi pa ito available sa lahat ng magulang sa pagkakataong ito. Kaya naman nagbigay ang mga eksperto ng mga payo para sa mga magulang na nahihirapan sa kanilang mga anak na nagta-tantrums.

  • Purihin ang iyong anak kapag siya’y nag-behave

Kapag ang inyong anak ay kumalma o nag-behave matapos ang kaniyang pagta-tantrum, mahalaga na purihin siya. Maaari mong sabihin na “Nice job in staying quiet.” o swede ring “Nice job anak sa pagkalma.” Isa itong paraan ng positibong pagdidisiplina at sa paraang ito ipinapaalam mo sa kanila na ang pag-overcome sa tantrums ay isang accomplishment.

  • Bigyan ng oras ang iyong anak na matuto at mag-develop

Ang lahat ng bata ay lumalaki at natuto sa katagal ng panahon. Sabi ng mga eksperto gugugol ng oras sa pag-master ng skill sa pag-tolerate sa fustration. Kaya naman mahalaga bilang magulang na bigyan ang iyong anak ng oras para mag-grown at ma-master at skill na ito.

  • Maging kalmado

Ang susi sa pag-handle ng tantrums ay ang pananatiling kalmado. Madaling sabihin pero mahirap gawin, noh? Subalit kapag ang iyong anak ay nagta-tantrum, mahalaga na manatili kang kalmado upang maipakita mo rin ito sa kaniya. Maging model ka ng stress managment reaction kaysa ikaw din ay magalit o mabwisit. Huminga ng malalim at tandaan na ikaw ay isang magulang at i-acknowledge ang tantrum kapag tapos na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Marhiel Garrote

Sinulat ni

The Asian Parent