Sa panahon ngayon, madalas kang makakakita ng iba’t-ibang mga post sa social media tungkol sa body positivity at pagkakaroon ng positive body image.
Ang mga adbokasya na ito ay naglalayong i-angat ang mga tao at ang kanilang self-esteem. Bukod dito, nagbibigay kapangyarihan din ito para sa mga taong hindi komportable sa kanilang katawan.
Tama lamang ang itinuturo ng mga adbokasyang ito, dahil mas mahalaga ang panloob na anyo kaysa sa panlabas. Ngunit alam niyo ba na may isa pang mabuting naidudulot ang pagkakaroon ng positive body image?
Makakatulong ang pagkakaroon ng ganitong katangian upang mapabuti ang sex ng mga mag-asawa.
Paano nakakatulong ang positive body image sa sex?
Malaki raw ang papel ng body positivity sa sex dahil kung hindi ka komportable sa sarili mong katawan, maapektuhan nito ang iyong sexual satisfaction.
Siyempre, kailangan mong maghubad ng damit habang nakikipagsex, kaya’t importanteng hindi ka nahihiya sa iyong pangangatawan. Mahalaga ang self-confidence para maging mas enjoyable ang sex.
Mas malaya ka ring nakakagalaw at nagagawa kung ano ang gusto mo kapag mabuti ang tingin mo sa iyong sarili. Mas nagiging adventurous at confident ang mga taong may positibong body image, at hindi sila nahihiyang sabihin sa partner nila kung ano ang gusto nila sa sex.
Napakahalaga nito dahil ang communication ay importante sa sex. Kapag mayroong ginagawa ang partner mo na hindi mo gaanong nagugustuhan ay dapat ipaalam mo ito sa kanila. Kailangan mo ring sabihin sa kanila kung ano ang iyong mga turn ons, at kung ano ang masarap para sa iyo.
Malaki ang maitutulong nito para sa mga kababaihan
Bukod dito, napag-alaman din na ang mga babaeng mayroong positibong body image ay mas gustong sumubok ng mga bagong bagay pagdating sa sex. Ibig sabihin nito, mas nagiging exciting para sa kanila ang sex, dahil wala silang inhibitions pagdating dito. Mahal nila ang kanilang mga katawan, at mahalaga sa kanilang komportable sila.
Maraming mga babae ang hindi masaya sa kanilang pangangatawan, dahil na rin sa unrealistic expectations na hinihingi ng lipunan.
“Dapat mapayat ang mga babae, makinis ang kutis, at maputi ang balat,” yan ang mga expectations kinakaharap ng mga kababaihan. Pati nga ang laki at hugis ng kanilang dibdib, ay mayroon ding mga expectations.
Ngunit ang katotohanan ay iba-iba ang katawan ng mga babae. Hindi iisa ang hugis o hitsura nila, kaya’t hindi tamang magkaroon ng mga ganitong inaasahan mula sa kanila. Ito ang ipinaglalaban ng body positivity.
Ang sex ay isang bagay na nangangailangan ng confidence, at nagbibigay ito ng feelings ng pagiging vulnerable. Sa ganitong aspeto, mahalaga ang body positivity para maramdaman ng mga kababaihan na komportable sila, at gusto nila ang kanilang mga sarili, kahit ano pa ang hitsura nila.
Source: Psychology Today
Basahin: Sabay na pag-masturbate ng mag-asawa makakatulong sa sex life