Nais bang kumuha ng Postal ID? Inilista namin ang mga steps at requirements para sa pagkuha ng Postal ID.
Talaan ng Nilalaman
Postal ID requirements at paraan ng pagkuha
Nito lamang Agosto 2019 ay kabilang na ang Philippine postal ID sa mga acceptable ID requirement sa pagkuha ng passport. Ito ay naging possible sa pagtutulungan ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) at Department of Foreign Affairs (DFA).
Mas mahihirapan na rin ang ibang pekein ang postal ID sapagkat mayroong bagong web-based application ang dinevelop ng PHLPost na magveverify ng authenticity nito.
Ito rin ang magsisilbing paraan upang mas mapabilis ang verification ng postal ID lalo na kung gagamitin itong requirement sa pagkuha ng passport.
Sino ang puwedeng magkaroon nito?
Ang Postal Identity Card, o mas kilala bilang Postal ID ay isang government identification card mula sa Philippine Postal Corporation (PHLPost).
Anumang edad, citizenship, o trabaho ay maaaring kumuha ng Postal ID. Maaari ring kumuha ang mga Foreigners ng Postal ID kung sila ay naninirahan sa Pilipinas ng hindi bababa sa anim na buwan. Maaari ring kumuha ng Postal ID ang mga estudyante, bilang madali lang itong kunin at maging unang valid ID.
May postal ID ka na ba? Kung wala pa, narito naman ang mga postal ID requirements na kailangan mong ihanda. At ang proseso kung paano ka nito makakakuha.
Paano kumuha ng postal ID
Requirements for postal ID
1. Mag-fillout ng postal ID application form.
Ang una mong dapat gawin ay kumuha ng postal ID application form o PID. Ito ay iyong makukuha sa mga PHLPost office sa inyong lugar. Maari ka ring makakuha at maka-download ng kopya nito online.
Saka mo ito fill-upan at sagutan. Siguraduhing maghanda ng dalawang kopya ng may mga sagot na application form.
2. Ihanda ang mga requirements for postal ID
Sa pagkuha ng postal ID ay kailangan mong maghanda ng isang kopya ng iyong proof of identity at proof of address. Ang mga dokumentong pwede mong gamitin ay ang sumusunod:
a. Proof of identity
Isang kopya ng iyong proof of identity o ID tulad ng sumusunod:
- Birth certificate na mula sa NSO o Local Civil Registry office
- GSIS o SSS UMID Card
- Valid Driver’s License
- Valid Passport
- Married certificate para sa mga babaeng kasal
Sa mga aplikante na walang Birth Certificate, UMID Card, Driver’s License o Passport, maari namang mag-submit ng 2 sa mga sumusunod na dokumento na dapat isa sa mga ito ay taglay ang larawan at pirma ng aplikante. Dapat ito rin ay valid o hindi pa expired ang validity.
- BIR ID
- Baptismal Certificate
- Certificate of Birth
- College or Post-Graduate Transcript of Records
- Confirmation Certificate
- Elementary or High School Form 137
- Marriage Certificate
- Alumni ID
- Basic Postal ID
- College, School or University ID
- Company ID
- Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID
- NBI Clearance
- OWWA ID
- Pag-Ibig ID
- PhilHealth ID
- PRC ID
- Paper-based Postal ID
- Police Clearance
- Seaman’s Book
- Senior Citizen ID
- Tax Identification Number Card
- Voter’s ID
b. Proof of address
Maliban sa mga nasabing proof of identity ay kailangan mo ring maghanda ng proof of address bilang postal ID requirement.
Ang mga proof of address na maari mong gamiting postal ID requirement ay ang sumusunod:
- Barangay Certificate of Residency na inisyu ng inyong barangay 3 buwan bago mag-apply ng postal ID.
- Certified True Copy of Lease
- Certified True Copy of Real Estate Tax Receipt
- Bank Statement
- Certified True Copy of Titles mula sa Land Registration Authority (LRA)
- Credit Card Statement
- School Billing Statement
- Utility Bill (cable, electric, internet, landline, telephone, water)
Postal ID requirements para sa mga foreign residents
Para naman sa mga foreign residents na nagbabalak ding kumuha ng PHLPost ID, ang mga postal ID requirements na kailangan nilang ihanda ay ang sumusunod:
a. Proof of identity
- Passport na valid ng hindi bababa sa anim na buwan bago kumuha ng postal ID application
- Isa sa sumusunod na dokumento na valid ng hindi bababa sa anim na buwan bago ang postal ID application.
- Alien Certificate of Registration Identity Card (ACRI-Card)
- Long Stay Visitor Visa Extension (LSVVE)
- Temporary Resident Visa (TRV)
- Diplomatic Visa
- Special Resident Retiree’s Visa (SRRV)
b. Proof of address
Para naman sa proof of address, dapat maghanda ang isang foreign resident ng isa sa mga sumusunod na dokumento:
- Barangay Certificate of Residency na inisyu tatlong buwan bago ang postal ID application
- Certification o statement of account sa hotel, transient home or kahit anong temporary residence na tinutuluyan tatlong buwan bago ang postal ID application
- Notarized land, house or condominium lease contract
- Bank statement
- Credit card statement
- School billing statement
- Utility bill (cable, electric, internet, landline, telephone, water)
3. Kapag handa na ang iyong PID application at requirements ay magbayad ng postal ID fee sa kahit saang post office.
Ang postal ID fee ay nagkakahalaga ng P504.00 na kung saan ang P450.00 ay para sa postal ID card at delivery fee. Habang ang P54.00 naman ay ang charge sa 12% VAT.
4. Kapag approved na ang iyong mga requirements at nakapagbayad na sa iyong PID application ay magpunta sa mga ID capture station sa iyong lugar.
Ang mga ID capture stations ay matatagpuan sa 260 designated post offices at selected malls nationwide. Dito ay kukunan ka ng litrato at fingerprint na ilalagay sa iyong postal ID.
Para sa listahan ng mga postal ID capture station ay bisitahin ang WHERE TO APPLY page ng postalidph.com.
5. Pagtapos nito ay hintayin ng ma-deliver ang iyong postal ID sa mailing address na nakasaad sa iyong PID application.
Para sa mga aplikanteng nakatira sa Maynila asahang darating ang iyong postal ID, 10 hanggang 15 araw matapos makumpleto ang iyong aplikasyon.
Sa mga aplikanteng mula sa malalayong probinsya at barangay, asahang matatanggap ang iyong postal ID sa loob ng 4-5 linggo.
Ang bagong postal ID ay valid ng 3 taon para sa mga Pilipino at foreign resident na may Special Retiree’s Resident Visa o SRRV. Habang para sa iba pang foreign residents, ito ay valid lang sa loob ng isang taon.
Sa pagrerenew ay mag-fillout lang muli ng 2 kopya ng PID application. Saka ilakip ang original at photocopy ng na iyong lumang postal ID. At saka magpunta sa pinakamalapit na PHLPost branch sa inyong lugar para sa sunod na hakbang.
Saan pa maaaring gamitin ang PID?
Maliban sa mga transaksyon sa postal at sa aplikasyon ng Philippine Passport, marami pang pwedeng paggamitan ng Postal ID, tulad ng mga sumusunod:
- Proof of identity sa mga transaksyon sa gobyerno:
- Aplikasyon para sa government-issued ID tulad ng police clearance at NBI clearance.
- Upang makakuha at mapakinabangan ang benepisyo mula sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG, at iba pang serbisyo ng gobyerno
- Pagpapadala at pagtanggap ng pera mula sa remittance center
- Magagamit ito bilang valid ID kapag magbubukas ng bank account o sa pag-apply ng credit card, personal loan, at iba pang produkto sa bangko
- E-wallet account verification
- Pag-avail ng Postal ID Privilege Program, isang serbisyo na katulad sa Pag-IBIG Loyalty card na nagbibigay ng discount, freebies, at iba pang prebilehiyo mula sa iba’t ibang business establishments sa Pilipinas.
Guide sa aplikasyon sa rush postal ID
How to get postal ID rush? We got you!
Kung kinakailangan mo agad makakuha ng iyong Postal ID, maaari nang mag-avail ng rush Postal ID service na maaaring maibigay ang inyong postal ID sa mismong araw ng iyong aplikasyon o sa susunod na working day. Mayroong mga piling branches ang PHLPost na nagpatuloy ng pagpoproseso ng aplikasyon para sa rush postal ID.
How to get postal ID rush?
Ang paraan ng pagkuha ng rush postal ID ay pareho lang sa paraan ng pagkuha ng regular Postal ID. Gayunpaman, sa rush postal ID ay mas mataas ang halagang kailangan bayaran.
Bisitahin ang link (https://www.postalidph.com/uploads/5/8/5/0/58500909/rush_post_offices_1.pdf) na ito upang makita ang mga PHLPost offices na maaari kang magproseso ng iyong rush postal ID.
Bukas ang aplikasyon para sa rush Postal ID ng Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Matapos ay maaari mo nang makuha ang iyong ID sa central office sa susunod na araw mula 4:00 hanggang 5:00 ng hapon.
Renewal ng PID
Kung nag-expire, nawala, o nasira ang iyong digitalized Postal ID, maaari kang mag-apply ng renewal o replacement sa kahit sang post office sa Pilipinas. Sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:
- I-surrender ang iyong expired, mag-e-expire, o sirang card
- Magsumite ng dalawang kopya ng natapos nang sagutan na Postal ID application form
- Magbayad ng Php504 para sa Postal ID renewal fee
Kung ang dahilan ng pagpapapalit ID ay upang palitan o i-update ang iyong mga impormasyon sa card, magprisinta ng mga kinakailangan na dokumento tulad ng:
- Birth certificate para sa pagpapalit ng pangalan o birthday
- Marriage certificate para sa pagpapaliy ng maiden name sa married name
- Proof of billing para sa pagpapalit ng address
Para sa postal ID renewal dahil sa pagkawala o pagkanakaw, magsumite ng notarized affidavit of loss. Upang makuha ang legal na dokumentong ito, pumunta sa pinakamalapit na notary public at ipaliwanag kung paano mo nawala ang iyong card. May template ang notary public para sa affidavit of loss, kaya’t hindi mo kailangan gumawa ng sariling affidavit of loss.
Kung papapalitan mo naman ang iyong lumang laminated paper-based postal ID (inilabas bago ang April 2016), ito ay ikokonsidera na bagong aplikasyon at hindi renewal, at sundin ang mga hakbang sa aplikasyon.
Aplikasyon ng Postal ID Online
Sa ngayon ay wala pang registration o application online para sa Postal ID. Kinakailangan isagawa ang aplikasyon at pagpaparehistro nito sa mga opisina ng PHLPost dahil kinakailangan personal na maiprisinta ang iyong sarili para sa pagkuha ng litrato, fingerprints, at pirma.
Gayunpaman, madali ang pag-a-apply at maginhawa ang proseso ng pagkuha ng Postal ID, basta’t siguraduhin na dala mo ang mga tama at kumpletong mga requirements.
Tandaan na walang aplikasyon online ang Postal ID at huwag magpalinlang sa mga online na serbisyong inaalok sa mga social media channels para sa pagpoproseso ng Postal ID. Ang pagkuha at aplikasyon sa Postal ID ay isinasagawa lamang sa PHLPost Office.
Paano i-avail ang PID Privilege Program?
Para i-maximize ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng Postal ID, gamitin ito para ma-avail ang mga perks na inaalok ng mga partner establishments.
Gayunpaman, tandaan na ang cardholder o yung nakapangalan lamang sa card ang maaaring gumamit ng perks ng Postal ID Previlege Program.
Dagdag pa, ang mga prebilehiyo na kasama sa Postal ID ay hindi pwedeng gamitin kasama ang ibang promo ng merchant, senior citizen discount, student discount, at PWD discount.
Sundin ang mga sumusunod na hakbang sa paggamit ng inyong Postal ID bilang privilege card:
- I-check ang Postal ID website para sa listahan ng partner merchants o ang Postal ID facebook page para maging updates sa mga bagong partner merchants.
- Bumisita sa nais mong merchant.
- Iprisinta ang iyong valid Postal ID sa kahera o customer assistant at mag-inquire patungkol sa mga produkto o serbisyo na maaari mong ma-avail sa ilalim ng Postal ID privilege program.
- Sundin ang mechanics at i-enjoy ang iyong freebie o discount.
Updates by Shena Marie Macapañas