Tingnan ang body transformation ng isang ina matapos manganak ng triplets

Ayon kay Ramie Snodgrass, sapat na raw na ehersisyo ang pag-aalaga niya sa kanilang triplets upang magkaroon siya ng fit at healthy na postpartum body.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa maraming ina, hindi madaling ibalik ang kanilang postpartum body sa dati nilang pangangatawan. Ito ay dahil bukod sa nagbabago ang metabolism ng mga ina, madalas ay wala rin silang oras na mailaan para sa pag-ehersisyo.

Ngunit para sa isang ina na, hindi ito naging hadlang upang siya ay maging isang fitspiration para sa ibang mga ina. Ito ay dahil matapos niyang manganak ng triplets, bumalik na ang kaniyang magandang pangangatawan matapos ang 5 buwan.

Dagdag pa niya, hindi raw niya kinailangan na mag-ehersisyo pa upang makuha ang magandang postpartum body niya. Paano niya ito nagawa?

Paano niya nakuha ang kaniyang magandang postpartum body?

Ayon sa inang si Ramie Snodgrass, mula sa Tacoma, Washington sa US, nangyari raw ang kaniyang “body transformation” dahil sa pag-aalaga ng kaniyang mga triplets.

Nagsilbing exercise daw niya ang pag-aalaga sa kaniyang mga anak. Siya raw ang nagpapalit ng diapers, nagbubuhat sa mga ito, at nagdadala ng kanilang stroller. Dahil dito, 5 buwan lang matapos niyang manganak ay bumalik na sa dati ang kaniyang katawan.

Ngunit hindi naging simple ang pagbubuntis ni Ramie. Ito ay dahil muntik na raw malagay sa panganib ang buhay ng kaniyang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinabi ng mga doktor na ipalaglag raw ang 2 niyang kambal

Ang mga malulusog at masayahing triplets ni Ramie. | Source: The Sun/Caters News Agency

Sa mga triplets ni Ramie, 2 sa kanila ang naghati ng amniotic sac. Ang kondisyong ito ay tinatawag na monoamniotic twins, at posibleng magdulot ng panganib sa kaniyang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nirekomenda pa raw nga ng mga doktor na ilaglag ang kambal, dahil may posibilidad raw na mamatay ang tatlo niyang anak. Ngunit nagdesisyon si Ramie at ang kaniyang partner na huwag ipalaglag ang mga bata. Ito ay dahil naniniwala silang may dahilan kung bakit sila biniyayaan ng triplets at ayaw nilang sayangin ang pagkakataon.

Takot na takot raw si Ramie na baka mamatay ang kaniyang mga anak habang siya ay nagbubuntis. Ngunit sa kabutihang palad, malusog na naipanganak ni Ramie ang kaniyang mga anak na si Anna, Justin, at Connor. 

Masaya rin daw si Ramie na bumalik na ang dati niyang pangangatawan. Ito ay dahil nahirapan siya sa pagbubuntis dahil sanay siyang fit at malusog ang kaniyang katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayon, naka-focus sila ng kaniyang partner sa pag-aalaga ng kanilang mga anak, at naeexcite na silang makitang lumaki ang kanilang mga triplets.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: The Sun

Basahin: Isabel Oli answers body-shaming comments on her bikini pic

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara