Ilang dekada na ang nakalipas pero ang problema sa kahirapan dito sa ating bansa ay hindi pa rin nagagawang solusyonan. Sa makatuwid, tila hindi pa rin nagbabago ang estado ng mahihirap. Hindi pa rin sila nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Ang iba ay wala pa ring mga sariling bahay at napipilitang sa kalye na lang matulog. Ang poverty rate sa Philippines ay mas lalong tumataas sa paglipas ng bagong henerasyon.
Kung iisipin, ano nga ba talaga ang solusyon sa matagal nang problema na ito?
The poverty rate in the Philippines
Sa tala noong 2018, umaabot ng 21.0% ang poverty dito sa Pilipinas. Ngunit ito rin ay nakitang bumaba ng 6.6% kumpara sa nakaraang tatlong taon na 27.6%. Ayon ito sa Philippine Statistics Authority (PSA).
At ngayon ngang pagpasok ng taong 2020, sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin o tinatawag nating inflation, ayon sa World Bank bumabab ng 20% ang poverty rate dito sa Pilipinas.
Ayon sa kanila,
“Despite a temporary growth slowdown in the first half of 2019, progress on shared prosperity is likely to continue,”
“However, the high inflation experienced in the second half of 2018, especially among lower-income households, may have dampened the gains from higher wage and salary incomes,”
Dapat pakasalan ng mayaman ang mahirap para bumaba ang bilang ng poverty
Ngunit sa kabila ng mga ito, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang may mga mamamayan pa rin at mga naghihirap. Ngunit sang ayon ka ba na ang solusyon sa karahirapan ay dapat pakasalan ng mga mamayaman ang mga mahihirap?
Ayon kasi sa isang Indonesian Minister na si Muhadjir Effendy, upang mabawasan ang mga mahihirap sa isang bansa ay kailangang pakasalan ng mga mayayaman ang mga nasa ‘low-income family’.
Dagdag pa niya na ang konseptong paghahanap ng asawang mayaman ay kadalasang binibigyan ng maling kahulugan. Kailangan ring maging praktikal kahit papaano.
Ayon kay Muhadjir,
“What happened if poor people are looking for other poor people [for marriage]? There will be more poor households. This is a problem in Indonesia,”
Dagdag pa ng prime minister na sa pagtaas ng poverty sa isang bansa, kasama rin nito ang pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit. Isinusulong rin nila sa kanilang mga tao na ang mahihirap ay dapat maghanap ng mayamang papakasalan. At ganun din sa mga mayayaman na maghahanap ng mahirap.
Isa pang mungkahi ni Muhadjir, mabuting bigyan ng premarital certification ang mga couple na hindi pa stable ngunit balak mag pakasal. Dapat silang mabigyan ng pre-employment card mula sa isang programa na inilunsad ng kanilang presidente.
Dagdag pa ni Muhadjir na ang layunin nito na pagkatapos ng kasal ay magiging economically at financially stable na ang mag-asawa.
Iba pang solusyon sa pagbaba ng poverty rate
Pagtaas ng minimum wage
Isa sa nakikitang solusyon para mabawasan ang poverty rate, ito ay ang pagtaas ng minimum wage sa mga workers. Sa Pilipinas, ang range ng minimum wage ay mula 11,000 pesos hanggang 14,000 pesos.
Ngunit kung ikaw ay breadwinner ng pamilya, paniguradong hindi ito sumasapat sa isang buwan na gastos. Kaya naman may ibang tao pa rin ang nahihirapan at naghahanap ng iba pang pagkakakitaan.
Mag-invest sa magandang pag-aaral ng bata
Kung ikaw ay may anak na, mahalagang planuhin ng maigi at detalyado ang future ni baby. Makakatulong sa kanyang kinabukasan kung makakapag-aral ito ng maayos.
Alam naman natin may mataas na opportunity ang mga nakapagtapos ng may degree. Kaya naman pagtuunan ng pansin ang child care at education ng iyong anak.
Ikaw? Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas, ano ang iyong suggestion tungkol sa maaaring solusyon sa kahirapan ng Pilipinas?