11-anyos na nabuntis ng rapist, namatay sa panganganak

Kaso ng pre-teen pregnancy, narito kung paano maiiwasan na maaring simulan sa loob ng inyong bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pre-teen pregnancy o maagang pagbubuntis dahilan ng maagang pagkasawi ng isang 11-anyos na batang babae.

11-anyos na batang babae maagang nagbuntis at nasawi pagkapanganak

Larawan mula sa Unsplash

Hindi pa man tumutungtong sa kaniyang teenage years ay maagang nabuntis ang isang batang babae sa Brazil na nagngangalang Luana Costa. Si Luana nagdalang-tao sa edad na 11-anyos at kinailangang manganak ng premature o sa ika-5 buwan ng kaniyang pagbubuntis.

Ayon sa mga report, si Luana ay nabuntis ng isang lalaking edad 43-anyos na nagngangalang Francinildo Moraes. Base sa mga larawang nakalap ng mga awtoridad sinasabing may relasyon sina Luana at Francinildo. Dahil sa mga larawan ay makikitang sweet ang mga ito. Pero ayon sa pamilya ni Luana, sinamantala ni Francinildo ang pagkabata ni Luana. Ito umano ay pinaniwala lang na sila ay may relasyon upang makuha ang gusto nito. Kaya naman paratang nila si Luana ay biktima ng rape na sinimulang gawin ni Francinildo noong ito ay 9 na taong gulang pa lamang.

Nagulat na nga lang sila ng may mapansing pagbabago sa katawan ni Luana. Nang dalhin siya sa doktor doon lang nila nalaman na ito ay nagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang kanila itong tanungin, doon lang nila nalaman ang ginagawang kahalayan ni Francinildo sa kaniya. Ayon sa tiyahin ni Luana, ay tinatakot siya nitong huwag magsumbong o magsalita tungkol sa kanilang ginagawa.

Sa kaniyang ika-5 buwan ng pagbubuntis ay nakaranas ng premature labour si Luana. Dahilan upang siya ay i-induce at manganak ng wala sa oras. At matapos nga ang 4 na araw ay nasawi si Luana dahil sa hindi pa kinaya ng bata niyang katawan ang maagang panganganak at pagdadalang-tao. Habang nagtatago naman at tuluyan paring pinaghahanap si Francinildo na itinuturong may sala sa sinapit ni Luana.

Ano ang pre-teen pregnancy?

Ang nangyari kay Luana ay isang kaso ng pre-teen pregnancy o ang pagbubuntis sa edad bago mag 13-anyos. Ayon sa statistics, karamihan ng mga kaso nito ay produkto ng sekswal na pang-aabuso.

Sa ngayon, tulad ng teenage pregnancy, isa ito sa seryosong problemang pangkalusugan na kinahaharap ng buong mundo na may kaugnayan sa reproductive health. Dahil ayon sa mga health experts, ang pagbubuntis sa napaka-batang edad ay delikado para sa mga babae at sa kaniyang dinadalang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panganib ng pre-teen pregnancy

Paliwanag ni Dr. Sherry Thomas, isang OB-Gyne mula sa Panorama City, California, una, ito ay dahil ang ipinagbubuntis na sanggol ay kumukuha ng nutrients sa katawan ng isang bata na kinakailangan paring mag-develop o lumaki. Dahilan upang ito ay makasama sa kanilang dalawa.

“The placenta preferentially will take nutrition from the mother, who really is a child.”

Ito ang kaniyang pahayag.

Dagdag pa ni Dr. Thomas, ang pinaka-nakakatakot na maaring maging epekto ng pre-teen pregnancy ay ang panganib na maaring maidulot nito sa batang ina. Dahil bagamat may kakayahan ng magbuntis ang kaniyang katawan ay hindi pa daw ito handa sa panganganak. Paliwanag niya, ang pelvis ng mga babae ay hindi pa lumalaki hanggang sila ay mag-teenager. Kaya naman kung ang isang batang babae edad 13-anyos pababa ay mabuntis hindi nito makakayahang mailabas ang sanggol sa kaniyang birth canal. At ang mas nakakatakot, ito ay maari niyang ikamatay ganoon rin ng kaniyang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The younger you are, the more trauma will occur, because the pelvic floor isn’t developed enough.”

Ito ang pahayag pa ni Thomas. Dagdag pa niya, kung sakali mang maka-survive ang batang babae sa panganganak ay hindi parin siya ligtas sa negatibong epekto nito sa kaniyang kalusugan. Dahil sa panganganak ay maari siyang magkaroon ng fistulas o butas sa pagitan ng vaginal wall niya at rectum. Dito ay maaring mag-leak ang ihi o kaniyang dumi.

Paano ito maiiwasan?

Para maiwasan ito, isa sa paraang maaring gawin ng mga magulang ay maging bukas sa kanilang anak tungkol sa usaping sex. Ito ay magagawa ng maayos at epektibo sa pamamagitan ng sumusunod na paraan.

Tips kung paano ipapaliwanag sa iyong anak ang tungkol sa sex

  • Gamitin ang mga activities o events na nangyayari sa inyong bahay o paligid bilang pagkakataon para maipaliwanag sa kaniya ang tungkol sa sex. Tulad ng isang TV program o music na nagtatalakay ng tungkol sa usapin.
  • Maging honest sa iyong anak lalo na sa pagsagot sa kaniyang mga katanungan. Kung may mga tanong siya na hindi mo alam, ang sagot ay sabay ninyong hanapin sa internet, libro o sa tulong ng isang eksperto.
  • Maging direct o straight forward sa mga dapat niyang malaman. Lalo na ang mga risk ng pakikipagtalik tulad ng emotional pain, sexually transmitted infections at unplanned pregnancy.
  • Huwag lang basta magpaliwanag. Pakinggan rin ang nalalaman, opinyon lalo na ang katanungan ng iyong anak tungkol sa pakikipagtalik.
  • Bagamat mahalagang matutunan ng iyong anak ang mga importanteng impormasyon tungkol sa sex, dapat mo ding bigyan pansin at oras na mapag-usapan ang feelings, attitude at values na dapat niyang taglayin patungkol sa isyu ng pakikipagtalik.
  • Gawing bukas ang komunikasyon sa iyong anak. At i-encourage siya sa mas marami pang diskusyon tungkol sa pakikipagtalik para masagot lahat ng katanungan niya. At siguraduhing sa huli ay iparamdam sa kaniya na masaya ka dahil siya ay nagiging open at lumalapit sayo para ito ay mapag-usapan.

Ang kaso ng pre-teen pregnancy ay mababawasan kung tayo ay magtutulungan. Simulan ang pagtalakay sa isyu sa bahay at gabayan ang iyong anak sa tamang landasin para sa kaniyang magandang kinabukasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

The Sun UK, 7 News, Live Science

BASAHIN:

Panukala ng NYC: Paghiwalayin ang mga babae at lalaki sa mga klase para maiwasan ang teenage pregnancy at HIV

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement