Tipikal na para sa ilang nagbubuntis ang makaranas ng tinatawag na pregnancy acne. Ito ay kadalasang resulta ng mga hormones na binabago ang katawan ng mga ina kapag nagbubuntis.
Dahil dito, ang ilang mga ina ay gumagamit ng iba’t-ibang mga produkto upang mabawasan ang kanilang acne. Ang iba ay gumagamit ng mga sabon, o kaya mga cream. Ang iba naman ay gumagamit ng mga gamot, tulad na lang ng isotretinoin.
Ngunit napag-alaman sa isang pag-aaral na ang isotretinoin, na kadalasang gamot sa pregnancy acne, ay posible palang magdulot ng mga birth defects sa mga ipinagbubuntis. Bagama’t marami nang pag-aaral na lumabas tungkol rito, nakakaalarma na marami pa ring mga ina ang gumagamit ng gamot na ito para sa kanilang acne.
Gamot sa pregnancy acne, posibleng maging sanhi ng birth defects
Napag-alaman ng mga pag-aaral na ang isotretinoin, bukod sa pagiging epektibo sa acne, ay isang teratogen. Ang teratogen ay mga kemikal o gamot na nakakapagdulot ng birth defects sa mga sanggol.
Bagama’t pinaghigpitan ang paggamit ng gamot na ito sa mga nagbubuntis, hindi pa rin ito ibinawal. Kaya’t kahit na bumaba nga ang kaso ng mga sanggol na nagkaroon ng deformity, masyado pa rin itong mataas, at posibleng ang patuloy na paggamit ng acne medicine ang salarin.
May iba pang masamang epekto ang isotretinoin
Kamakailan lang ay mayroong lumabas na pag-aaral na nagsasabing hindi lang raw birth defects ang posibleng maging side-effect ng isotretinoin. Malaking porsyento raw ng mga gumagamit ng gamot na ito ay nakaranas ng anxiety, depression, eating disorders, at paminsan ay suicide.
Ibig sabihin, hindi basta-basta gamitin ang ganitong gamot, at kinakailangan na sumailalim muna sa ilang mga tests ang isang tao bago bigyan ng reseta para dito.
Ang gamot na ito ay makikita sa mga brands ng acne medicine tulad ng Accutane o Roaccutane. Kaya’t importante na maging maingat ang mga ina pagdating sa mga gamot na iniinom nila, at siguraduhing basahin muna ang label ng gamot upang makasiguradong safe ito sa kanila at kay baby.
Source: Harvard
Basahin: 5 Common skin problems during pregnancy and how to fix them