Hindi biro ang makaranas ng pregnancy loss, kaya naman inhanda namin ang artikulong ito para sa mga nakararanas nito.
Madalas ang pagbubuntis ay nakakapag bago ng buhay ng isang babae. Sa kabilang banda meron rin ang nagbabago ang buhay pagkatapos mawalan ng kanilang pinagbubuntis.
Nakaranas ng pregnancy loss? Narito ang ilang pwedeng gawin sa mga panahong ito.
Hindi kasalanan ang makaranas ng pregnancy loss kaya hindi mo dapat isisi ang iyong kawalan sa iyong sarili.
Ito ang maaring gawin pagkatapos makaranas ng pregnancy loss.
Magbigay ng space at time para sa healing process
Ang isang fetus ay isa paring anak sa isang ina at ang pregnancy loss ay isang tunay na dahilan upang mag-nilay nilay at bigyan ng time ang inyong pagluluksa.
Magpa-check up sa Doktor.
Ang isang pregnancy loss ay isa sa mga delikadong pangyayari sa isang babae kung hindi ito maagapan ng doctor.
‘Wag magpakapagod at gumawa ng mabibigat na gawain.
Ang inyong katawan ay naghihilom pa sa pagkawala ng iyong supling kaya maiiwasan ang paggawa ng household chores tulad ng paglalaba ng damit at mga ibigay na gawain.
Tumanggap ng suporta mula sa mahal sa buhay.
Ang iyong asawa at mga kapamilya ay isa sa mga mapagkukunan mo ng lakas ng loob. Sila ang magiging sandalan mo upang magpatuloy sa buhay pagkatapos mong mawalan ng iyong anak.
Iwasan ang pakikipagtalik
Ang iyong uterus ay nasa healing process pa kung saan hindi pa maari ang pakikipagtalik kaya mabuti ang pag-iwas sa pakikipagtalik ng 6-8 weeks.
Magkaroon ng bagong hobby o bumalik sa dating hobby na ginagawa bago ang pagbubuntis
Makakatulong ang pagkakaroon ng bagong libangan upang ang lungkot na nararamdaman ng isang ina kaya mabuti ang paghahanap ng bagong hobby pagkatapos makaranas ng pagkawala ng iyong anak.
Tandaan na hindi pa huli ang lahat. Maaaring magsimula muli para makabangon sa malungkot na parte ng buhay mong ito. Hayaang maging maligaya muli sa tulong ng mga taong nagmamahal sa iyo.