Isang pregnant women ang hindi nagawang makaligtas nang ito ay mahawaan ng COVID-19 mula sa mismong baby shower na ginawa ng kaniyang mga kaibigan. Isinugod ito tatlong araw matapos makaranas ng mga sintomas ng nasabing virus.
Pregnant women patay nang mahawaan ng COVID-19 sa surprise baby shower
Pregnant women patay nang mahawaan ng COVID-19 sa surprise baby shower | Image from Unsplash
Isinugod sa ospital ang 31-year-old na si Camila Graciano. Ito ay napag-alamang buntis at nagkaroon ng exposure sa isang taong infected ng COVID-19 sa mismong surprise baby shower na ginawa ng mga kaibigan. Umabot lang ng tatlong araw nang ito ay dinala sa ospital para magamot.
Dala ng takot at pag-iingat ng gurong si Camila, mas pinipili niyang ‘wag muna makihalubilo sa mga tao ngayong pandemic. Dagdag pa na ito ay sensitibo dahilbuntis. Ngunit dahil sa surprise baby shower na ginanap sa Anápolis, Brazil, hindi nito nalamang isa pala sa mga bisita niya ay positibo sa COVID-19.
Ayon sa kwento ng kaniyang kapatid, saka lang nila nalaman nang nagpakita ng sintomas ng nasabing virus ang kaibigan nito. Lumala ito kasama ang kanyang kapatid na ngayon ay buntis.
Dahil sa kritikal na sitwasyon ni Camila, dinala ito sa COVID-19 pregnancy ward at dito isinailalim sa cesarean. Kasalukuyan siyang walong buwang buntis. Naging matagumpay naman ang operasyon ngunit pagkatapos ng ilang araw ay binawian rin ito ng buhay sa ospital.
Samantala, malusog at walang sakit na ipinanganak ni Camila ang kaniyang anak.
“Thank God my niece is showing good signs, she’s breathing alone in the incubator, and doesn’t need oxygen.”
Premature man ito ngunit hindi ito nakikitaan ng sintomas ng COVID-19.
Pregnant women patay nang mahawaan ng COVID-19 sa surprise baby shower | Image from Unsplash
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Pregnant women patay nang mahawaan ng COVID-19 sa surprise baby shower | Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
Insider
BASAHIN:
Anong dapat gawin kapag nag-positibo sa COVID-19 habang buntis?
97,000 na bata sa America nag-positibo sa COVID-19 sa loob lamang ng dalawang linggo
SCAM ALERT: Mag-ingat sa text na nagsasabing ikaw ay dapat mag-take ng COVID-19 test
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!