11-anyos at 12-anyos na bata nadagdag sa listahan ng may STD sa bansa

Narito ang mga paraan kung paano maipapaliwanag ang tungkol sa sex sa iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Premarital sex sa mga kabataan, paano nga ba ito tatalakayin sa iyong anak?

Image from Freepik

Kaso ng STD sa bansa

Labis na naalarma ang Department of Health o DOH sa patuloy na tumataas na bilang ng kaso ng STD (Sexually Transmitted Disease) sa bansa. Pati ang pabata ng pabata biktima ng nakakahawang sakit.

Ayon sa datos ng DOH mula noong Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay may naitala silang 6,372 na Pilipinong nag-positibo sa HIV sa buong bansa. Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay isang uri ng STD na pinakamapanganib sa lahat. Dahil sa magpa-hanggang ngayon ay wala paring natutuklasang lunas para dito.

Karamihan sa mga nag-positibo sa sakit ay may edad 25-34 anyos. Habang naitala namang patuloy paring tumataas ang bilang ng mga nahawa sa sakit na may edad 15-24 years old.

Bumabatang biktima ng sakit

Ngunit ang mas nakakabahala ay ang pagkakaroon ng monitored cases ng STD sa mga batang edad 11 at 12-anyos partikular na sa Central Visayas. Ito ang ibinalita ni DOH-Central Visayas HIV/Aids program coordinator Dr. Van Phillip Baton sa isang panayam.

Ayon sa kaniya ang mga batang ito ay nai-engage sa premarital sex para kumita ng pera. At sila ay walang ideya o alam sa risk at epekto ng kanilang ginagawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“These children do not understand the risk of having multiple sexual partners. Most of them get paid for having sex”, pahayag ni Baton.

Bagamat dumadami ang nadidiagnosed na mayroong STD, inamin naman ni Baton na hindi lahat ng mga ito ay nabibigyan ng treatment ang kanilang sakit.

“The increase in the number of cases is not always bad. The increase in the number of cases means that we are getting those infected to undergo treatment. The problem is what happens to those who are diagnosed. Are they being treated? And based on our national data, the answer is no.”

Samantala, mababawasan sana ang biktima ng sakit lalo na sa mga kabataan kung mabibigyan sila ng proper education tungkol sa isyu. Maliban sa paaralan, malahagang maituro ang implikasyon ng premarital sex sa mga kabataan sa tulong ng mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit paano mo ba bubuksan o tatalakin ang isyu sa iyong anak? Narito ang ilang tips at paraan na maaring gawin.

Pagpapaliwanag tungkol sa premarital sex sa mga kabataan

Para masimulan ang usapin ng premarital sex sa mga kabataan sa iyong anak, narito ang ilang tips na makakatulong sayo.

  • Gamitin ang mga activities o events na nangyayari sa inyong bahay o paligid bilang pagkakataon para maipaliwanag sa kaniya ang tungkol sa sex. Tulad ng isang TV program o music na nagtatalakay ng tungkol sa usapin.
  • Maging honest sa iyong anak lalo na sa pagsagot sa kaniyang mga katanungan. Kung may mga tanong siya na hindi mo alam, ang sagot ay sabay ninyong hanapin sa internet, libro o sa tulong ng isang eksperto.
  • Maging direct o straight forward sa mga dapat niyang malaman. Lalo na ang mga risk ng pakikipagtalik tulad ng emotional pain, sexually transmitted infections at unplanned pregnancy.
  • Huwag lang basta magpaliwanag. Pakinggan rin ang nalalaman, opinyon lalo na ang katanungan ng iyong anak tungkol sa pakikipagtalik.
  • Bagamat mahalagang matutunan ng iyong anak ang mga importanteng impormasyon tungkol sa sex, dapat mo ding bigyan pansin at oras na mapag-usapan ang feelings, attitude at values na dapat niyang taglayin patungkol sa isyu ng pakikipagtalik.
  • Gawing bukas ang komunikasyon sa iyong anak. At i-encourage siya sa mas marami pang diskusyon tungkol sa pakikipagtalik para masagot lahat ng katanungan niya. Siguraduhing sa huli ay iparamdam sa kaniya na masaya ka dahil siya ay nagiging open at lumalapit sayo para ito ay mapag-usapan.
  • Makakatulong rin ang pagbibigay halimbawa o pagkukwento ng iyong karanasan para mas lalo niyang maintindihan ang nais mong maipabatid sa kaniya.

Kailan ba ang tamang edad para buksan ang usaping sex sa iyong anak

Ayon kay Cory Silverberg, isang sex educator ang pagbubukas ng usaping sex sa iyong anak ay maari mong simulan sa oras na siya ay matuto ng magsalita.

Simulan ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa kaniya ng tamang tawag o pangalan ng maseselang bahagi at iba pang parte ng kaniyang katawan. Iwasang gumamit ng mga cute o baby names sa pag-iintroduce sa kaniyang mga genitals. Ito ay para sa oras ng injury o health issues ay agad niyang matutukoy ang mga masakit sa kaniyang katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang siya ay lumalaki o tumungtong na sa edad na 2 hanggang 5 ay maari mo naring unti-unting ituro sa kaniya ang boundaries ng kaniyang katawan. Tulad ng wala dapat ibang humawak nito lalo na ang kaniyang genitals na hindi niya kagustuhan.

Sa edad na 6 hanggang walo ay maari mo ng talakayin sa kaniya ang tungkol sa kahalagan ng kaniyang privacy. Halimbawa nalang sa paggamit niya ng internet o social media. Bigyan siya ng rules sa mga bagay tulad ng kaniyang hubad na litrato o impormasyon na ibinabahagi niya sa iba lalo na sa mga taong hindi niya naman kilala.

Pagtungtong ng edad na siyam pataas ay nagsisimula na ang iyong anak na magkaroon ng attraction sa kanyang kapwa. Tulad sa kaniyang kaklase o kaibigan. Makakatulong ang madalas na pangangamusta sa kaniya lalo na sa kaniyang mga naiisip o nararamdaman. Saka boluntaryong ibigay ang iyong mga nalalaman o opinyon na makakatulong para masagot ang kaniyang mga katanungan.

Ang pagtuturo tungkol sa sex sa iyong anak ay napakahalaga. Bagamat ito ay komplikado mas magiging madali ito kung ikaw ay laging handang makinig at sumagot sa bawat tanong na gumugulo sa kaniya tungkol sa isyu.

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sun Star, Yahoo News, Better Health, Todays

Photo: Pexels

Basahin: The role of parents in sex education

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement