In 2017, I was diagnosed with acoustic neuroma (tumor in ear canal). I had painless normal delivery (epidural) sa first born ko in 2018. Naging okay naman ang lahat.
When I got pregnant with my second child in 2020, I decided na normal delivery na lang since okay naman ang lahat at pumayag OB ko na mag-normal Delivery ako. During labor, I experienced chills. Nanginig ang buo kong katawan.
Ang sabi ng mga nurses, kinakabahan lang daw ako, so tuloy pa din. I gave my best sa pag ire and chadada baby came out.
Okay naman si baby at ako. After 2 days, nakalabas na rin kmi.
Kinabukasan ‘binalik namin si baby sa ospital kasi feeling ko hindi normal na panay tae niya at hindi siya nakatulog nang maayos magdamag. We had to admit her sa hospital para sa antibiotic.
After 7 days, nakalabas na kami pero I started experiencing symptoms. May pananakit ng ulo, pagsusuka at hirap tumayo. Iyong kinakain ko, sinusuka ko din, at namanhid din half ng face ko. Nawalan ng panlasa, pang amoy at hirap kumain, ‘yong mata ko, nanlabo—lalo ‘yong left eye ko na halos wala ng makita.
Akala namin nabinat ako so lahat sinubukan namin—mga dahon-dahon, inom ng gamot, pahilot, pati pagpapatawas. Sobrang payat ko na ‘non at wala talagang lakas.
Ang baby ko, hindi ko nahawakan ng 2-3 months. By that time, kasagsagan ng pandemic, quarantine so hindi talaga kami pumunta sa ospital.
Thankfully, andito pa kami sa parents ko kaya may nag-alaga kay baby habang ang hubby ko ang nag-aalaga sa’kin.
I can say na grabe ‘yong pinagdaanan ko na ‘yon na akala ko katapusan ko na. Pray ako nang pray kasi iniisip ko ‘yong baby ko. Paano pag mawala ako? Kailangan pa niya ko.
I talked to God and pray lang nang pray habang nilalabanan ko ‘yong mga sakit. Praying and listening to worship songs ang ginawa ko. God is so Good. He answered my prayer.
Unti-unting bumubuti ang pakiramdam ko hanggang sa medyo lumuwag na ‘yong quarantine. Naisipan ko mag-pa-check-up sa neuro doctor.
Doon namin na-confirm na pressure effect siya sa panganganak ko dahil sa sakit ko. Bawal pala ako umire, lalo nang sobrang ire. Dahil ‘don lahat ng symptoms ng sakit ko lumabas ng sabay-sabay.
God is so Good dahil hindi Niya ako iniwan. Siya ang nagbigay ng lakas at patuloy na nagbibigay ng lakas sakin.
Thank you Lord.