LOOK: Princess Pacquiao dumalo ng prom suot ang isang fully beaded Swarovski gown

Maliban sa gown, agaw-pansin ang alahas na suot ni Princess na nagkakahalaga ng P1.8 million.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Princess Pacquiao nangingintab sa ganda sa kaniyang prom night suot ang kaniyang Swarovski made gown.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Princess Pacquiao prom gown.
  • Reaksyon ng mga netizens.

Princess Pacquiao prom gown

Larawan mula sa Instagram account ni Michael Leyva

Nangingintab sa ganda ang anak nila Michael Pacquiao at Jinkee Pacquiao sa kaniyang prom. Si Mary Divine Grace o mas kilala sa palayaw niyang si Princess Pacquiao ay nagmukha talagang isang prinsesa sa suot niyang gown na idinisenyo ni Michael Leyva.

Ito ay ibinahagi ng designer sa kaniyang Instagram account na sinabing hindi siya makapaniwalang ang bilis ng panahon at prom gown na ang ginagawa niya para kay Princess. At ang gown niyang ginawa para kay Princess ngayon ay very special dahil sa ito ay gawa sa Swarovski crystals.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Tito Michael feels so old already. It feels just like yesterday when I was making flower girl dresses for you but look at you now. ?”

“Princess Pacquiao ready for her Ball in #michaelleyva fully beaded Swarovski ball gown. ???”

Ito ang caption ng post ni Michael na kung saan agad kinomentuhan ni Jinkee Pacquiao.

“Thank you dear ?. i love the dress. ?”

Ito ang naman ang reaksyon ni Jinkee sa napakagandang gown na gawa ni Michael Leyva para sa kaniyang anak.

Larawan mula sa Facebook account ni Jinkee Pacquiao

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ng mga netizens

Ang mga netizens hindi rin naman natago ang pagka-amaze nila sa gown na suot ni Princess. Pati na ganda nito na talaga nga namang dalagang-dalaga na.

"Soooo elegant & pretty!"

"Wow! Definitely the Prom Queen ❤?."

Ito ang naging komento ng ilang netizens sa post na ito ni Michael Leyva.

Samantala, maliban sa gown, hindi nakaligtas sa mata ng ilang netizens ang bracelet na suot ni Princess. Ito ay Bulgari bracelet na nagkakahalagang P1.8 million. Kaya naman mula sa kaniyang Swarovski gown at suot na mga alahas ay talaga nga namang pinatunayan ni Princess Pacquiao na siya ay isang prinsesa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Jinkee Pacquiao

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement