Aktres na si Princess Punzalan umaming siya ay nagpa-abort sa edad na 15-anyos. Ikinuwento rin ni Princess ang kaniyang mga pinagdaanan.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Pag-amin ni Princess Punzalan sa pagpaabort niya sa edad na 15-anyos.
- Tips ni Princess sa mga nagbabalak mag-ampon.
Pag-amin ni Princess Punzalan sa pagpa-abort niya sa edad na 15-anyos
May big revelation ang aktres na si Princess Punzalan. Ito ay ang pagpapa-abort niya sa edad na 15-anyos. Ang pag-amin na ito ng aktres ay ginawa niya sa pamamagitan ng isang video na kaniyang ipinost sa kaniyang Instagram account.
“When I was 15, I got pregnant. I had an abortion because I was afraid of my mom and because the guy would not stand up for the baby.”
Ito ang pag-amin ni Princess sa ginawang pagpapalaglag noon.
View this post on Instagram
Sinundan niya ito sa pagkukuwento ng sa tingin niya ay naging kabarayan sa kaniyang nagawa. Dahil si Princess dalawang beses nakapangasawa pero hindi nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sarili niyang anak.
“And then at 19, I found a guy who would marry me. For four and a half years, we tried, but I didn’t get pregnant. That marriage dissolved.”
“In my mid-30’s, I found a man who would marry and love me. We tried for 10 years to get pregnant. I didn’t get pregnant.”
Dagdag pa ni Princess, sinubukan nila ang maraming paraan para magkaanak. Pero nag-fail parin sila kaya naman sa huli ay nag-desisyon silang mag-asawa na mag-ampon. Ang pag-aampon hindi rin daw naging madaling proseso para kay Princess at kaniyang asawa.
“We tried different kinds of ways to get pregnant, I didn’t. So we adopted. It was a long hard climb to finally find our match.”
Sa awa ng Diyos ay nakakita naman daw si Princess at kaniyang mister ng batang maampon nila. At sa ngayon ay labis siyang nagpapasalamat na dumating ito sa buhay niya at nagbuo ng kanilang pamilya.
“I’m so grateful that the birth mom didn’t decide to kill her because right now I’m so happy with my daughter and I’m very grateful that she is in my life.”
Ito ang sabi pa ni Princess na hindi ibinahagi ang pangalan ng kaniyang anak.
Nakatira na sa America ngayon si Princess kasama ang kaniyang pamilya, kung saan matatandaan na sa naturang bansa ay mainit na usapin ang tungkol sa kasong Roe vs. Wade. Sa naturang kaso, napagdesisyunan ng US Supreme Court na bawat state na sa America na ang magdedesisyon kung gagawing legal ang abortion.
Sa Pilipinas, ang abortion ay itinuturing na criminal offense simula pa noong 1930 sa ilalim ng Revised Penal Code. Ang indibiduwal, doktor o midwife na mahuhuling nag-abort ay posibleng makulong ng hanggang anim na taon.
BASAHIN:
“Experienced a fear like never before”: Kim Seon-Ho acknowledges abortion scandal, apologises for ‘Incompetence’ towards Ex
5 masamang epekto ng abortion sa kalusugan ng babae
Wife dies after being forced to undergo 4 abortions by her husband
Tips ni Princess sa mga nagbabalak mag-ampon
Sa isang hiwalay na video ni Princess na tampok sa Facebook page ng programang The 700 Club Asia, ay nagkuwento ang aktres ng tungkol sa kaniyang adopted daughter. Si Princess ngayon kasama ang kaniyang mister at adopted na anak ay naninirahan sa ibang bansa.
Kuwento ni Princess hindi madali ang proseso ng pag-aampon. At may mga dapat na isaalang-alang ang sinumang nagbabalik itong gawin. Una na nga rito ay ang dahilan kung bakit gusto mong mag-ampon.
“Unang-una you have to pray if it’s really for you. Hindi lahat ng tao ay tinatawag para mag-adopt. Each child is unique.”
“May kaniya-kaniyang challenges yan. Pag-usapan ninyong mag-asawa or isipin mo kung single parent ka na mag-aadopt o kung single ka at gusto mong mag-adopt isipin mo kung ano yung kaya mong i-giveup o kung hanggang saan yung kaya mong ibigay.”
Dahil sabi pa ni Princess, ang pag-aampon ay hindi libre. At ang responsibilidad ng pag-aampon ay magastos lalo na ang pagpapalaki ng isang bata.
Dapat daw ay kumbinsido ka rin sa plano mong pag-aampon at handa sa mga circumstances na kalakip nito.
“Alamin mo kung ano yung gusto mo o ayaw mo. Maging honest ka sa sarili mo. Ano ‘yong kaya mong ibigay, ano ‘yong hindi mo kayang ibigay. Ano kaya mong i-tolerate, ano ‘yong hindi mo kayang i-tolerate. At ano ‘yong gusto mo?”
Pero ang pinaka-importante sa lahat ay kung bakit gusto mong magkaanak. Ito ay hindi lang basta para sa sarili mong kagustuhan. Dahil ang pagpapalaki ng isang bata o pag-aalaga ng isang buhay ay hindi biro. Ito ay kailangang pag-isipang magbuti.
“Most importantly, ‘Why do you want a child?’ If you want a child for your own selfish reason na ayokong tumanda mag-isa o gusto ko may mag-alaga sakin or kasi parang cute ata ang parang may maliit sa bahay.”
“Pag-isipan nating mabuti dahil hindi biro ang mag-alaga ng isang buhay. We are going to raise the next generation. You need to pray about it. Walang solian e hindi mo puwedeng isoli.”
Para sa mga mag-asawa o may anak na at nagbabalak mag-ampon, may maikli ring mensahe si Princess. Ito ay dapat isaalang-alang rin ang feelings ng mga naunang anak bago mag-ampon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!