Sa pagbubukas ng panibagong school year ngayong 2020 at sa gitna ng nararanasang COVID-19 outbreak, muling magbubukas na ang mga private schools ngayong school year 2020-2021. Ngunit ang tanong, i-e-enroll mona ba ang iyong anak, mommy?
Private schools opening for school year 2020-2021
Ayon sa Department of Education, maaari nang magbukas ang mga private school sa June. Ngunit paglilinaw nila, bawal muna ang physical learning o yung tinatawang nilang face to face.
Matatandaan na noong May 5, opisyal na inanunsyo ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang pagbubukas ng school year 2020-2021 sa Philippines ngayong August 24.
Ngunit dahil sa banta pa rin ng COVID-19 sa bansa, hindi magiging normal o dating kinagawian ang pagsisimula ng bagong school year ng mga studyante. Ayon kay Secretary Briones, maaaring via online ang pag-aaral o yung tinatawag na flexible learning arrangement. Ang pagpasok ng studyante ay nakabase sa magiging desisyon ng government task force bawat lugar.
Bawal muna ang face-to-face learning para sa kapakanan ng mga studyante. Dagdag pa ni Secretary Briones, saka papayagan ang face-to-face kapag naayos o hindi na malala ang sitwasyon. “shall only be allowed when the local risk severity grading permits, and subject to compliance with minimum health standards.”
Ang klase ay magsisimula sa August 24 at magtatapos sa April 30, 2021.
Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.
“Also, we emphasize that when we say schools will open on August 24. It does not mean all of these activities will be face-to-face activities,”
May plano rin ang DepEd sa iba pang paraan ng pag-aaral na hindi kailangang pumunta sa school dahil sa banta ng COVID-19. Ayon sa kanila, maaari nilang ipalakad ang distance learning o homeschooling.
Kanselado na rin ang mga national at school related activities katulad ng Palarong Pambansa, Brigada Eskwela, science fairs, festival of talents at iba pang aktibidad sa school na dinadaluhan ng maraming tao except kung gaganapin ito online. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing na mahigpit na inuutos.
Dagdag rin ni Secretary Briones, walang kailangang ipag-alala ang mga magulang dahil ginagawa nila ang lahat para maituloy ang pagbabalik eskwela ng mga studyante kasama na ang mga batang walang access sa internet o mobile services.
“By distance learning, we mean all the other traditional ways by which learning has been delivered outside of face-to-face. For example we have noticed a frequent observation and is that not all phases in the country have access to ICT, or to platforms. We also noticed that there are more cellphones than humans in the Philippines…so cellphones can be a medium of transmission,”
Mayroon ring television ang bawat bahay para magkaroon ng access ang ibang studyanteng walang internet. Isama pa ang radyo na maaaring panggalian ng balita at kaalaman.
Source:
BASAHIN:
School year 2020-2021 magbubukas sa August ayon sa DepEd