11 Karaniwang pagkakamali ng mga bagong magulang at paano ito ayusin

May mga pagkakataon na dahil sa pagiging sobrang busy sa anak, nakakalimutan na ng mga mag-asawa na alagaan ang kanilang pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dumating na ang iyong anak at excited kang maging magaling na magulang! Kahit pa sinasabi ng mga tao na mahirap ito at maghanda kang kulangin sa tulog, umaasa kang makakayanan lahat ito. Ngunit, hindi inaasahan na malaki ang nadudulot nitong problema sa asawa.

Walang mag-asawa ang umaasang maghiwalay. Ngunit, sa pagiging magulang, ang pagsasama ay maaaring mapabayaan kung hindi gawing prayoridad.

Ang mga resources ay masasagad. Normal lang ang mabigla sa isa’t isa o hindi magkasundo pagdating sa pera. Subalit, may mga isyu na maaaring maglayo sainyo kung hindi mabigyang pansin at sadyang ayusin.

Alamin natin ang ilan sa mga karaniwang pagkakamali na nagagawa ng mga bagong magulang.

11 Problema sa asawa na dulot ng pagiging bagong magulang

1. Paghingi ng papuri

Image source: iStock

Napaka sarap sa pakiramdam ang pagiging magulang. Subalit, puno rin ito ng paghihirap. Maaaring ang mga nakakatanda o mga kaibigan na may anak ay nagbigay na ng ganitong babala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit, isang karaniwang isyu ay ang pag-akala na papansinin at pupurihin ng iyong asawa ang iyong kakayanan. Isa itong karaniwang problema sa asawa na nararanasan ng mga bagong magulang.

Hindi nito ibig sabihin na huwag kailangan pansinin ang nagagawa ng isa’t isa. Ngunit, walang trophy sa pagkaroon o maayos na pagpapalaki ng anak.

Imbes na umasang makakatanggap ng papuri mula sa asawa, gawin nalang ito dahil gusto mo itong gawin. I-enjoy ang sense of achievement na nabibigay ng mga ginagawa tulad ng pagpintura sa nursery o pagkabit ng bagong gamit. Mas hindi magiging dependent sa papuri bilang motivation at matututunan kung papaano maging go-getter.

2. Pagalingan sa pagiging magulang

Image source: iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kaalaman na ikaw ay magaling na magulang ay mahalaga sa iyong kumpiyansa sa sarili. Ngunit, kung ang mga gawaing ito ay ginagawa para malamangan ang iyong asawa, iba ang nagiging dating nito.

Ano man ang gawin mo para sa anak, ang pagkumpetensiya para maging masmagaling na magulang ay walang nadudulot na maganda.

Mababaliktad ang mga usapan at masasapawan ang mga desisyon ng isa para lamang mas paboran ng anak.

Ngunit, malilito ang mga bata sa dating nito sakanya at sa magulong pag-aalaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Itaguyod na kayo ng isang asawa ay magkakampi. Magkasundo sa mga ground rules. Magkakaroon ng mga compromise sa parehong panig, ngunit para ito sa ikakabuti ng inyong anak.

3. Hindi pagbigay ng buong atensyon

Image source: iStock

Matapos magka-anak, pakiramdam ay nahahati ang iyong atensyon sa ilang milyong bagay.

Kapag pakiramdam ay hindi sapat ang isang araw, maaaring subukang mandaya at magpadala ng email nang hindi kinokonsulta ang iyong asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit pa mabilis at epektibo ito sa iyong pananaw, ayon sa mga pag-aaral ay hindi maganda ang epekto nito sa inyong buhay mag-asawa!

4. Hindi kayo nag-aaway!

Image source: iStock

Ang hindi pagkakasundo ay hindi laging maganda at hindi namin hinihikayat na magsimula ng away!

Subalit, hindi rin ibig sabihin na umiwas sa mga mahihirap na pag-uusap. Posibleng mas maging masama pa sa inyong pagsasama at magdulot ng problema sa asawa ang pagkikimkim ng nararamdaman para lang hindi mag-away.

Sa pagkita ng iyong anak kung paano niyo ayusin ang mga problema sa maayos na paraan, makikita ng iyong anak na bati na kayo at magiging maayos ang lahat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang paggawa ng kahit ano para hindi mag-away ay hindi makatotohanan. Dagdag pa dito ang hindi pag-uusap sa mga isyu na maaaring pagmulan ng away. 

Kung kailangang pag-usapan ang sensitibong bagay, masmakabubuting gawin ito nang pribado. Subalit, tandaan na huwag atakihin ang iyong partner. Maging malinaw sa ibig sabihin at huwag nang ibalik ang nakaraan. Sundin ang mga steps na ito para magkaroon ng healthy conversations sa asawa – ikakasaya ito ng inyong pagsasama.

5. Hindi pagpapahalaga sa isa’t isa

Ang pagpapasalamat sa isa’t isa ay hindi lamang kabutihang asal. Ito ay isang pangunahing sangkap sa pagpapanatili ng masayang pagsasama.

Kapag ikaw ay talagang nagpapasalamat, nire-respeto mo ang tao sa kung sino sila at kinikilala ang kanilang nagawa.

Maaaring maging mahirap itong panatilihin dahil naasbuso ang ginagawa nila. Normal lang ito dahil halos lagi kayong magkasama. Masmahirap itong gawin kung may demanding na baby na kailangan ng atensyon 24/7!

Ngunit, mahalagang matutunan kung paano magpapasalamat ano man ang sitwasyon. Ang mga mag-asawang nagpapasalamat ay nakikitang masmasaya sa kanilang pagsasama.

Balikan ang mga pangyayari sa iyong araw. Kapag may maalalang pangyayari, magpasalamat sa asawa sa pagligpit ng pinagkainan kahit pa nagsabing may maaga siyang meeting kinabukasan. O sabihin sa iyong asawa kung gaano mo ikinatutuwa ang pagsundo sa inyong mga anak kahit pa busy siya sa trabaho.

6. Pagtanggap ng payo mula sa lahat

Bilang bagong magulang, maraming matatanggap na pagbati at mga payo mula sa mga kaibigan at kamag-anak.

Moms, maaaring nakaka-overwhelm ito. Mula sa kung baakit nakakasama ang co-sleeping hanggang sa mga magagandang practice para sa breastfeeding, iba-iba ang matatanggap na impormasyon.

Normala lamang na ma-insecure sa nalalaman mo. Ngunit, ang hindi pgkakaroon ng kumpiyansa sa iyong kakayanan ay maaaring makasira sa inyong pagsasama.

Magtiwala sa iyong nalalaman at paghahandang ginawa. Walang sino man ang pinakamagaling na magulang, ngunit ikaw ang pinakamagaling para sa iyong anak.

7. Pagpapabaya sa sarili

Pagdating ng iyong anak, maaaring naibigay ang buong pagtutuon sa kanya bilang pangunahing prayoridad.

Karaniwan itong pagkakamali na nagagawa ng mga bagong magulang. Magbago man ang buhay, hindi ibig sabihin ay kalimutan na lahat ng nagpapasaya sa iyo.

Magbigay ng oras sa iyong mga hilig o sa mga kaibigan. Mahalaga ito upang hindi masiraan ng bait.

Bigyan ng oras ang sarili. Maaaring magpunta sa iyong yoga class, o bigyan lamang ang sarili ng kalahating oras para magbasa, makinig sa music, o mapag-isa.

8. Kakulangan sa pag-tulog

Image source: iStock

Maaaring nabasa o narinig na dapat sabayan sa pagtulog ang baby.

Ito ay dahil biglang napakahalaga ng bawat patak ng oras! Napakaraming kailangang tutukan. Lahat ng gawaing bahay, responsibilidad sa trabaho, pati na pag-aalaga sa iyong anak!

Ang pag-una ng pagtulog ay maaaring maging mahirap sa dami ng iniisip. Ngunit, dahil iregular ang tulog ng mga bagong panganak at gising sa gabi, dapat kalimutan na ang dating sleep schedule mo.

Maaaring sanayin ang baby na matulog sa gabi kapag lumaki-laki na siya. Ngunit bago iyon, kailangan mo munang sumabay sa kanya!

Sulitin ang pagkakataon matulog kapag tulog ang iyong anak. Babalik ang iyong lakas at masmakakapag-perform nang mas-maayos. Nakatutulong rin itong makabawas sa problema sa asawa, dahil parehas kayong relaxed, at hindi palaging puyat at iritable.

9. Pinapabayaan ang inyong pagsasama

Image source: iStock

Parang antagal na ng kayo ay nagbigay ng inyong “I do” sa harap ng mga mahal sa buhay.

Sa pagdating ng bata sa inyong buhay, naisasantabi muna ang inyong pagsasama. Siyempre, mahalaga ang inyong anak, ngunit mahalaga rin ang inyong pagsasama.

Magtakda kayo ng date nights. Maaaring gawin ito kada lingo o kada dalawang lingo. Para sa ilang oras lamang, mae-enjoy ninyo ang isa’t isa nang walang sagabal.

Ipagpatuloy ang pagbuhay sa inyong relasyon. Hindi dahil mga magulang na kayo ay hindi na kayo kailangang maging baliw na baliw para sa isa’t isa.

10. Kinukumpara ang anak sa iba

Normal lamang na gumamit ng developmental milestones bilang guideline sa progress ng inyong anak.

Subalit, tandaan na ang guidelines na ito ay base lamang sa average. Bawat bata ay unique at may kanya-kanyang bilis pagdating sa development.

Iwasan pag-usapan ang pagkukumpara sa iyong asawa. Magpasalamat lamang sa kung ano o sino ang iyong anak!

Kung nagaalala sa development ng iyong anak, makipag-usap sa inyong duktor.

11. Sobrang pag-aalala

Image source: iStock

Normal lamang mag-alala sa iyong anak lalo na dahil sobrang selan pa niya at talagang dependent sa iyo.

Maaaring umubos na ng ilang oras sa pagre-research sa mga makakabuting gawin para sa lahat.

Ngunit, ang sobrang pag-aalala ay makakuha ng iyong pagtuon mula sa iyong baby. Sa katunayan, maaaring sobrang matuon na hindi mo na masulit ang major milestones at mga precious moments ng iyong anak!

Simulang i-journal o isulat sa isang blog ang progress ng iyong anak. Kung hindi gumagamit ng social media, gumawa ng Instagram account para magpost ng pictures kahit pa ng mga walang kwentang bagay.

Walang sinoman ang talagang handa na maging magulang. Ngunit, ang isang bagay na napapabayaan ay ang pagsasama ng mag-asawa! Iwasan ang mga pagkakamali ng mga bagong magulang at gawing buo at masaya ang buong pamilya!

May nakalimutan ba kaming bagay na nakaka-apekto sa mga mag-asawa matapos magka anak? Ibahagi samin sa pamamagitan ng pagbigay ng inyong mga komento!

Basahin: Ito ang isang ginagawa ng mga masasayang mag-asawa