X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Lola pinalitan ang pangalan ng apo niya, dahil sa hindi niya gusto ang ina nito na manugang niya

6 min read
Lola pinalitan ang pangalan ng apo niya, dahil sa hindi niya gusto ang ina nito na manugang niya

Ikaw kumusta ang relasyon mo sa biyenan mo? Kung hindi kayo magkasundo lagi mong tatandaan na dapat mo parin siyang i-respeto.

Problema sa biyenan, isa na ata yan sa madalas na inirereklamo ng marami pagdating sa pag-aasawa. Pero magkaganoon man may mga paraan kung paano ito maiiwasan, ayaw mo man sa biyenan mo o hindi.

Lola pinalitan ang pangalan ng apo niya

problema sa biyenan

Image from Freepik

Iba-iba ang kuwento natin pagdating sa ating mga biyenan. Masuwerte ka kung magkasundo kayo ng biyenan mo at tinuring kang para niya ng anak. Pero para sa iba, mahirap i-achieve ang maayos na relasyon na tulad nito sa mga biyenan nila. Lalo na kung ang biyenan mo ay very vocal na hindi ka niya gusto tulad na lang ng lolang ito.

Sa Reddit ay ibinahagi ng isang new mommy netizen ang kaniyang frustrations sa kaniyang mother-in-law. Ayon sa kaniya, alam niya noong una pa lang na ayaw sa kaniya ng biyenan niya. Ngunit sa kabila nito’y binigyan niya ito ng bawat update ng kaniyang pagbubuntis. Kahit bawat picture ng ultrasound scan ay pinapadala niya rito.

Hindi pa nga umano naisisilang ang kaniyang anak ay mahal na mahal na ito ng biyenan niya. Sa katunayan ay tinatawag niya nga itong baby niya o kaniyang “grand baby”.

“My mother in law doesn’t like me. Never has, never will. I’m not trying to be her friend anymore. All throughout my pregnancy she referred to my baby as “her baby” and “her grand baby” She very vocally disliked every single name I thought about.”

Ito ang panimulang pahayag ng mommy netizen sa kaniyang post.

At ito ay hayagan pang inanunsyo sa social media

Wala naman sanang problema ang mommy netizen sa ipinapakita na ito ng kaniyang biyenan. Hanggang sa manganak na siya at nagsimula itong umarte na parang siya ang ina ng anak niya at hindi lang basta lola nito. Dahil pagkasilang umano ng anak niya ay nauna pa itong gawin ang announcement sa social media at ang malala iba ang ipinakilala niyang pangalang ng sanggol. Imbis na “Emile” ay ipinakilala ito ng biyenan niya bilang si “Miles” na inalmahan ng ina.

“Well he was born on the 28th, she made a post before I could…. and announced his name as something completely different from his actual name.”

“My cousin saw it and asked what that was about so I explained that she hates his name. Well my cousin decided to comment “congrats op & so on the beautiful baby Emile (his real name)” and Mil deleted her comment.”

Ito ang dagdag pang pahayag ng mommy netizen. Ayon pa sa kaniya ay kinausap niya na ang partner niya tungkol sa ginawa ng nanay nito. Ngunit ayon sa partner niya ay nagiging overdramatic lang siya. Dahil ang binigay umano ng nanay niyang pangalan sa anak niya ay isa lang nickname at hindi umano ito dapat pagmulan ng problema.

problema sa biyenan

Image from Freepik

Ang punto ng mommy netizen ayaw niyang maging tampulan ng tukso ang pangalan ng anak niya.

Pero hirit ng mommy netizen ayaw niyang maging tampulan ng tukso at katatawanan ang pangalan ng kaniyang anak. Kaya naman nais niyang agad na itama ang mga pangalang ibinabansag dito ngayon palang.

“I explained “how would you like it if I just started calling you Micheal instead of (sos name)” he just kind of looked at me like duh, I guess he didn’t realize how ridiculous the names were?? He’s a bit dense sometimes but I hope I got through to him.”

Ito ang pagbabahagi ng mommy netizen sa Reddit.

Paano maiiwasan ang problema sa biyenan?

Ayon sa psychotherapist at psychoanalyst na si F. Diane Barth, ang problema sa biyenan ay normal na kinahaharap ng maraming mag-asawa. Pero may mga paraan kung paano maiiwasan ito pati na ang tensyon na dulot nito sa isang pamilya. Ilan nga sa mga paraang ito ay ang sumusunod:

1. Tanggapin na ang iyong biyenan ay parte na ng iyong buhay.

Ayon kay Barth, kung sigurado ka na ang iyong mister o partner ang nais mo ng makasama sa habambuhay, kailangan mo nang tanggapin ang mga magulang at pamilya niya na hindi iba sa ‘yo. Kaya naman minsan bagama’t mahirap kailangan mo na lang tanggapin ang pakikialam nito sa buhay mo at ng iyong asawa. Hayaan mong maging lessons ang mga ginagawa niya sa relasyon ninyo para ito ay ma-experience mo at matuto ka mula rito.

2. Mag-adjust at respetuhin ang mga biyenan mo.

Kung pinili mong makasama ang anak nila ay kailangan mo ring matutong mag-adjust sa buhay na mayroon sila. Kailangan mong matuto ring makasanayan ang mga tradisyon at paniniwala nila. Higit sa lahat, kailangan mong respetuhin sa kung sino sila tulad ng respetong ibinibigay mo sa iyong magulang.

3. I-compliment ang anak niya pati na ang iyong biyenan.

Isa sa mga paraan upang mapalapit sa ‘yo ang isang tao ay ang makarinig siya mula sa ‘yo ng mga positibong remark o komento.  Bagama’t minsan ay may makikita kang mali sa ugali o ginagawa ng biyenan mo ay dapat iwasan mong punahin ito. At sa halip ay pansinin lang at purihin ang nakikita mong maganda niyang ginagawa sa ‘yo pati na ng kaniyang anak.

problema sa biyenan

Image from Freepik

4. Hingin ang kaniyang payo.

Para maiparamdam na nirerespeto mo ang iyong biyenan ay makakatulong rin na hingin ang kaniyang payo sa mga bagay-bagay na kinahaharap ng iyong pamilya. Bagamat hindi naman dapat at kailangan mong sundin ang mga payo na ito, magiging positibo ang pakiramdam na ibibigay nito sa iyong biyenan.

5. Bigyan siya ng regalo o pasalubong sa tuwing bumibisita kayo sa kaniya.

Hindi naman sa nais mong bilhin ang maayos na pakikitungo ng iyong biyenan, ngunit ang pagbibigay sa kaniya ng regalo o material na bagay ay magbibigay sa kaniya ng impression na siya ay lagi mong inaalala at tine-treasure mo na siya ay parte ng iyong pamilya.

6. I-offer ang iyong tulong sa iyong biyenan sa lahat ng oras.

Ang magkakapamilya ay dapat nagtutulungan. Kaya naman bilang pangalawa mo ng magulang ay dapat lagi mong i-offer ang iyong tulong sa iyong mga biyenan. Ito man ay sa kahit anong paraan na alam mong makakatulong o magpapagaan ng kanilang buhay.

7. Magbigay at panatilihing laging malawak ang iyong pang-unawa.

Paalala pa ni Barth, bagamat mahirap ay kailangan mong magbigay at umintindi para sa ikabubuti ng iyong pamilya. Hindi rin dapat naiipit sa kahit anumang isyu mo ang iyong anak at asawa. Imbis na pagsimulan ng gulo ay dapat maging instrumento ka sa maayos na pagsasama sa loob ng inyong pamilya.

 

Partner Stories
CDO foodsphere launches online home delivery for customers
CDO foodsphere launches online home delivery for customers
Abbott Launches Growth Watch to Help Children Reach Their Full Growth Potential
Abbott Launches Growth Watch to Help Children Reach Their Full Growth Potential
NCR and Central Visayas schools hailed as Wellness champions for SY 2021-2022
NCR and Central Visayas schools hailed as Wellness champions for SY 2021-2022
“There is no way to be a perfect mother, but a million ways to be a good one."
“There is no way to be a perfect mother, but a million ways to be a good one."

Source:

Psychology Today

BASAHIN:

Biyenan, kinuhanan ng video ang panganganak ng manugang—mula pag ire hanggang pagtahi sa pwerta

17 Senyales na ayaw sa iyo ng iyong biyenan

7 signs na masyadong nega ang biyenan mo

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Lola pinalitan ang pangalan ng apo niya, dahil sa hindi niya gusto ang ina nito na manugang niya
Share:
  • "Tinawag na 'pagkakamali' ng biyenan ko ang anak ko"

    "Tinawag na 'pagkakamali' ng biyenan ko ang anak ko"

  • 17 Senyales na ayaw sa iyo ng iyong biyenan

    17 Senyales na ayaw sa iyo ng iyong biyenan

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • "Tinawag na 'pagkakamali' ng biyenan ko ang anak ko"

    "Tinawag na 'pagkakamali' ng biyenan ko ang anak ko"

  • 17 Senyales na ayaw sa iyo ng iyong biyenan

    17 Senyales na ayaw sa iyo ng iyong biyenan

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.