Ikinuwento ng isang mommy sa theAsianparent Community App ang kaniyang problema dahil sa kaniyang mga in-laws o biyenan.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Problema sa mga biyenan ng first-time mommy
- Payo ng ibang mommies tungkol sa problema sa biyenan
- 5 pamahiin na hindi dapat sundin tungkol sa pagbubuntis
Problema sa biyenan ng first-time mommy
Naglabas ng saloobin ang isang mommy dahil sa kaniyang mga biyenan. Nangingialam raw kasi ang mga ito sa kaniyang pagbubuntis.
Ayon sa mommy na parte ng theAsianparent community, nagpapatingin siya sa OBGYN doctor ngunit may ilang paniniwala ang kaniyang mga biyenan na ayaw ipagawa sa kaniya.
“Kahit sinabi na ng OB ko na pwede, ayaw pa rin nila na gawin o kainin ko yun dahil sa mga paniniwala nila nung sinaunang panahon.”
Dahil dito, inilarawan niya bilang ‘number 1 cause ng stress’ sa kanya ang mga biyenan ngayong buntis siya. Kaya naman nagdesisyon siya na umuwi muna sa bahay ng kaniyang parents para mabawasan ang stress na nararamdaman.
Pagbabahagi pa ng anonymous sender, noong inabisuhan siya ng kaniyang doktor na mag-bed rest ay napipilitan pa rin umano siyang kumilos. May mga nasasabi daw kasi ang mother ng kaniyang mister kaya kailangang maging busy sa gawaing bahay kahit buntis.
Noon namang naglilihi siya ay nais niya sanang manatili muna sa loob ng bahay. Ngunit hindi niya rin daw ito magawa dahil kailangan niyang pumunta sa tindahan nila.
“Nasa paglilihi stage ako, prefer kong dun lang sa loob ng bahay pero required akong tumambay sa tindahan nila pra makipag usap sa kanila kahit napapagod akong makipagusap sa kanila noon.”
Isa pa sa sinita siya ng kaniyang mga biyenan ay ang pagligo niya sa gabi. Bawal daw kasi ito, ngunit pinapayagan naman daw siya ng kaniyang doktor.
Kahit gusto niyang kausapin ang kaniyang mister para ma-open up ang tungkol sa parents nito ay hindi niya magawa. Natatakot kasi siyang sumama ang loob ng asawa niya.
“Di nila hayaan paano gusto ko gawin kasi sinasabi naman ng OB sakin ung mga pwede kong gawin. Ngayon medyo alangan ako umuwi dun pagkapanganak ko unless solo na namin bahay.”
Sa ngayon ay nangangamba na rin siya na umuwi sa bahay nila ng kaniyang mister sa oras na siya ay manganak, Ito ay dahil baka pati raw pagpapalaki sa kanilang baby ay makialam din ang kaniyang biyenan.
Hindi din daw ito ang kauna-unahang beses na naging pregnant siya. Sa kaniyang unang pagbubuntis, nakunan siya dahil din sa payo ng kaniyang mga biyenan. Imbes kasi na magpadala na siya sa emergency room (ER) ay sinunod niya ang mga ito na magpahilot.
“Kaya sana naiintindihan niyo po kung bakit ayoko na sila sundin sa mga gusto nila.”
Payo ng ibang mommies tungkol sa problema sa mga biyenan
Ramdam naman ng iba pang mommy ang pinagdadaanan ng anonymous sender. Lahad nila, mahirap na makisama sa mga biyenan lalo kapag magkakaroon na sila ng apo.
Ilan ang naka-relate at nagbigay ng payo para maging maayos ang relationship niya sa kaniyang mga biyenan.
“Mommy, para sa’kin, i-open mo kay hubby mo para si hubby ‘yong sumubok makipagusap sa parents niya. Para hindi ka rin ma-stress ng sobra at baka maapektuhan si baby mo. Lung after ng talk ng hubby at parents niya ay ganun pa rin, mas okay na bumalik ka na lang pag solo nyo na yung bahay.”
“Ganyan din ako sa noong una, Sis! Wala pa yung baby nangingielam na pano aalagaan. Pero, try to talk to your partner na din para siya ‘yong magsalita sa mga parents niya. Tho hindi maiiwasan talaga minsan kaya mas okay mag-usap kayo mag asawa para mabawasan stress mo.”
“Kung saan ka magiging panatag at magkakaroon ng kapayapaan, yun ang gawin mo.”
BASAHIN:
REAL STORIES: “We were happy until one day, I got pregnant.”
FACT OR MYTH? The truth about these Pinoy superstitions about pregnancy and giving birth
4 pamahiin na hindi dapat sundin tungkol sa pagbubuntis
Maraming mga pamahiin o superstition na pinaniniwalaan ang mga nakatatanda tungkol sa pagbubuntis. Bagamat ilan dito ay harmless kung susundin, marami rin naman ang dapat munang ikonsulta sa inyong mga doktor. Mahalagang malaman ang tingin ng mga nasa medical field lalo kapag buhay ng isang tao ang pinag-uusapan.
Heto ang ilang pamahiin na walang scientific basis at maaaring hindi sundin:
1. Kumain nang kumain para kay baby
Isa sa pinaniniwalaan ng mga buntis ay kumain ng madami dahil ‘for two’ na raw ang portions na dapat kainin. Hindi nangangahulugan na porket may baby sa sinapupunan ay doble na ang portion na kailangang kainin.
Posible kasing magkaroon ng problema sa pagbubuntis kapag naging overweight si mommy. Kaya mahalaga na kontrolin pa rin ang kinakain.
2. Bawal maligo kapag gabi
Isa ito sa common na pamahiin sa mga buntis. Kung titingnan ang siyensya, walang kinalaman ang pagligo sa gabi tungkol sa pregnancy. Mahalaga lang tandaan na gumamit ng mild water sa paliligo dahil prone ang mga buntis sa hyperthermia.
3. Hindi pwedeng magpagupit ng buhok kapag buntis
May pamahiin na magiging mahirap raw ang labor kapag nagpagupit o lumunok ng hilaw na itlog ang isang mommy. Walang pruweba basa sa science na totoo ang naturang superstition.
Ang pagiging fit at active ng isang mommy habang pregnant ay makatutulong para mapadali ang delivery ng kaniyang baby.
4. Pagkain ng kambal na saging kung gusto ng kambal na anak
Ilang nakatatanda ang naniniwala na ang pagkain ng magkadikit na saging ay may kinalaman sa pagkakaroon ng twins. Ngunit base sa modern science, ang pagbuo ng twins ay pwedeng mangyari kahit walang ini-intake na fertility drugs.