7 signs na masyadong nega ang biyenan mo

Alamin ang ilan sa mga nagagawa ng nakalalason na ugali ng mga biyenan at ang mga maaaring gawin upang hindi ito maging problema sa pamilya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga biyenan, sa kagustuhan man o hindi, ay parte ng pamilya. Sila ay malaking bahagi sa buhay ng mga mag-asawa. Ang problema sa mga biyenan ay problema rin sa pamilya.

May mga pagkakataon na tila masyado nang negatibo ang mga ginagawa ng iyong biyenan at nakakasama na ito sa relasyon ninyong mag-asawa.

Alamin ang mga senyales na toxic ang biyenan mo at kung paano masosolusyunan ang problema sa pamilya ng asawa mo.

Problema sa pamilya, problema sa biyenan

1. Sinusubukan pag-awayin ang mag-asawa

May mga panahon na tila pinag-aaway ng mga biyenan ang mag-asawa.

Madalas ay malalaman ito sa pag-gamit ng mga salita ng asawa laban sa isa pa. Maaaring sadya silang nagdadala ng problema sa pamilya sa kung ano mang kadahilanan.

Para ma-solusyonan ito, kailangang ang mag-asawa ay matibay na magkasama. Hindi mako-kontrol ang kung ano mang sabihin ng mga biyenan ngunit magagawan ng paraan ang magiging reaksyon dito. Bago magalit agad sa kung ano man ang sasabihin nila, kausapin muna ang asawa at pakinggan ang kanilang sasabihin.

2. Sinasali nila ang kanilang mga sarili sa desisyon ng mag-asawa

May mga biyenan, kahit gaano pa ka-mapagmahal, ay pinipilit ang kanilang sarili sa buhay ng mga mag-asawa. Maaaring nakaka-inis ang mga ito ngunit hindi naman nakakasira ng samahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagiging problema sa pamilya lamang ito kung ang tingin ng mga biyenan ay may karapatan sila na kapantay ng sa mag-asawa o higit pa.

Maaaring direktang kausapin ang mga biyenan para iparating na kahit pa binibigyang halaga ninyo ang kanilang opinion, ang huling salita pa ay manggagaling pa rin sa mag-asawa. Isa ring maaaring gawin ay ngumiti nalang at tumango habang ang mga biyenan ay nagsasabi ng gusto nilang gawin ng mag-asawa, tsaka gawin ang mapagdesisyunan.

3. Sadyang nagpapa-sama ng ng loob ng misis

Mayroong posibilidad na sadyang hindi gusto ng mga biyenan ang napang-asawa ng anak nila.

Sa kasamaang palad, kahit matanda na rin sila ay hindi pa rin kayang tanggapin ang mga ganitong bagay. Sa ganitong mga panahon, sadya nilang ginagawa ang mga bagay para magpa-sama ng loob.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung maglalakas loob, maaaring kausapin at iparating ang nararamdaman sa mga biyenan. Ngunit huwag magulat kung makarinig ng komento na masyado kang sensitibo.

Ang pinaka-magandang gawin upang hindi lumala ang problema sa pamilya ay ang paglimita sa pakikipag-ugnayan sa mga biyenan.

4. Hindi nila nire-respeto ang lugar ng mag-asawa

Hindi na bago ang pagkakaroon ng mga biyenan na biglang bumibisita. Ginagamit nilang rason ang pagka-nais na makasama ang anak o bisitahin ang mga apo.

Ngunit, hindi lahat ng oras ay kaya silang tanggapin sa pamamahay lalo na kung isa sa mga binibigyan ng importansya ay ang pagkakaroon ng privacy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahirap pagsabihan ang kahit na sino na huwag masyadong bumisita nang hindi nagtutunog masama. Ngunit, kailangan ito kung talagang nakakasagabal ang mga biyenan sa oras at espasyo.

Ipaliwanag na ikinatutuwa ang pagbisita nila pero importante parin sainyong mag-asawa ang pagbibigay ng oras sa isa’t isa. Upang maging malinaw ang usapan, mag-ayos ng schedule sa isang linggo o buwan kung kailan sila maaaring bumisita.

5. Patuloy nilang tinatrato na mga bata ang mag-asawa

Minsan, masarap parin ang naaalagaan na parang mga bata. Ngunit, kapag ito ay sumobra, nagiging problema sa pamilya na ito. Isang halimbawa ang pagtrato sa mga desisyon ng mag-asawa bilang mungkahi at sila parin ang huling magdedesisyon.

Sa pinaka-magandang paraan, ipaalala na hindi kayo mga bata. Ipaliwanag na inyong binibigyang halaga ang kanilang tulong pero kaya niyo na ang mga bagay mag-isa. Kapag naulit na ito nang ilang beses, maiintindihan din nila at hahayaan ang mag-asawa.

6. Parang wala ka sa mundo

Isa sa mga pinaka-masakit na ginagawa ng mga biyenan ang pagtrato na parang wala ka sa paligid nila. Naguusap na parang wala ka at hindi pinapansin kahit na magkakasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga ganitong pagkakataon, mainam na kausapin ang biyenan nang personal. Mahihirapan silang hindi ka kausapin kung ikaw lang ang kasama.

Kapag walang nagbago, mas magandang umiwas nalang kaysa lumala pa ang problema sa pamilya. Walang patutunguhan ang pagtanggap ng hindi pamamansin at pagma-maltrato.

7. Pinagtsi-tsismisan ka nila kapag wala ka

Mahirap ang napagtsi-tsismisan. Nagiging problema sa pamilya ang makarinig ng tsismis na nagmula sa sariling biyenan. Parte sila ng pamilya at ang pagkakalat ng masasamang bagay sa kung sino man ang handang makinig sa kanila ay nakaka-sakit ng damdamin at nakaka-sira ng imahe.

Para simulan ayusin ang ganitong problema, iparating sa biyenan na alam mo ang kanilang ginagawa. Ipaliwanag na wala kang nagawang masama para makaramdam ng ganitong kaugalian.

Itanong din nang maayos kung may nagawa para masaktan o mabastos sila. Tapusin ang pag-uusap na kung may nais silang sabihin, handa kang makinig at makipag-usap imbes na sa iba maririnig ang hindi magandang balita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Importanteng alalahanin na iba ang mga nakakalason na biyenan sa mga hindi lang talaga nagkaka-intindihan dahil sa pagkaka-iba ng mga paniniwala. Bago masamain kung ano man nagagawa ng mga biyenan, suriin munang mabuti ang sitwasyon at subukan tignan ito mula sa kanilang mga mata.

 

Source: Bustle

Basahin: 10 tips para masolusyunan ang problema sa biyenan