Promissory note na ipinasulat ng principal sa isang grade 1 student na hindi nakabayad ng tuition fee naging usap-usapan sa social media.
Dagdag pa dito ang pagkakatanggal umano ng bata sa list of awardees na una ng inanunsyo ng guro.
Trending na promissory note
Hindi napigilan ni Clen Limpin na malungkot sa sinapit ng anak ng kaibigan niya na Grade 1 student.
Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Clen ang pinagdaanan ng bata sa kaniyang eskwelahan dahil hindi ito nakabayad ng kaniyang tuition fee sa tamang oras.
Maliban nga sa promissory note na mismong ang grade 1 student ang sumulat na kung saan sinabi niya na “I promise to pay my tuition fee tomorrow” ay tinanggal din diumano ang bata sa list of awardees sa kanilang recognition day.
Ang dahilan nito ay ang unsettled P3,000 balance sa tuition fee ng kaawa-awang estudyante.
Sa post nga ni Clen ay sinabi nito ang kaniyang pagkadismaya sa policy ng eskwelahan at sa impact na maaring maidulot ng nangyari insidente sa Grade 1 student.
“Ang tanong ko lang po tama po ba ito? Ang ipamukha ng mismong PRINCIPAL ng eskwelahan sa bata na nagkukulang ang kanyang ina sa kanya dahil lang sa late na pagbayad ng tuition fee? I feel not just for my friend but mostly for her daughter. I can’t even imagine the shame na pinamukha niyo sa bata.
Yes, we parents know our dues and we can talk privately without shaming the child! You can put us in shame all you want pero ‘wag yung bata! You never know what’s going on with our lives para gawin niyo ‘to. Ano sa tingin mo ang naiisip ng bata sa mga panahon na pinasusulat mo ‘to? Para saan? Ganito na ba talaga ang dapat ituro sa mga estudyante ngayon?”
Sa parehong Facebook post parin ni Clen ay makikita ang usapan ng kaniyang kaibigan at ang guro ng anak nito.
Sa simula ng kanilang usapan ay agad na humingi ng pasensya ang guro sa pagkakatanggal ng award ng Grade 1 student. Ito daw ay dahil sa “no permit, no exam policy” ng kanilang eskwelahan.
Dahil daw sa patakaran at unsettled P3,000 tuition fee balance ay hindi diumano nakasama sa computation ng grades ang result ng last quarter exam ng bata.
Ito rin ang dahilan kung bakit hindi narin daw kabilang ito sa list of awardees na ipinaalam na ng guro sa magulang ng estudyante isang linggo lang ang nakaraan.
Magalang naman na sinagot ng ina ng bata na Jasper Ishiwata na naiintindihan nila kung bakit hindi na kasama ang anak sa list of awardees.
Ang hindi lang nila nagustuhan ay ang ginawa ng principal sa anak ng pinasulat ito ng promissory note samantalang wala naman daw kamalay-malay ang bata dito.
Ang mga ganitong issue daw ay dapat sa kanilang mga magulang idini-discuss.
Kaugnay parin sa nasabing Facebook post ay isang guro na mula sa naturang school sa Novaliches ang naglabas rin ng kaniyang hinaing sa maling pamamalakad ng eskwelahan.
Ayon sa kaniya ay hindi lamang daw ang mga estudyante ng eskwelahan ang ginigipit ng inirereklamong principal kung hindi pati narin silang mga guro na lagi nitong minumura at sinisigawan.
Kung hindi nga lang daw nila mahal ang mga batang tinuturuan ay matagal na nilang iniwan ang eskwelahan.
Dahil nga sa nalaman at pinagdaanan ng anak ay napagsya si Jasper Ishiwata na maghain ng legal complaint sa principal ng eskwelahan sa DepEd.
Sa isang text message sa The Asian Parent Philippines ay sinabi ni Jasper na humingi naman na ng apology sa kanila ang principal ng eskwelahan ngunit desidido parin siyang ipagpatuloy ang kanilang reklamo.
Dahilan daw nito ay hindi siya ang nagtanggal sa kaniyang anak sa list of awardees at ang guro ng anak ang gumawa nito.
Paala nga ni Jasper sa mga magulang na dumadaan sa parehong sitwasyon sa kaniya ay ipaglaban kung ano ang tama para sa kanilang anak.
Dahil bilang magulang alam nila kung ano ang nararapat para sa kanilang anak.
Sa ngayon ang post ni Clen Limpin tungkol sa promissory note na isinulat ng grade 1 student ay umani na ng higit sa 18k reactions at ishinare na ng 14k times sa Facebook.
No permit, no exam policy sa mga eskwelahan
Samantala sa ilalim ng Senate Bill No. 722 o kilala sa tawag na “Anti-No Permit, No Exam Act of 2016” ay mahigpit na pinagbabawalan ang mga eskwelahan na hindi pakuhanin ng exam ang mga estudyanteng may unpaid fees.
Sa ilalim naman ng Senate Bill 1235 o Banning a No Permit, No Exam Policy Act ay idineklarang unlawful para sa mga schools, university o college na hindi payagan ang isang estudyante na hindi makakuha ng exam dahil sa non-payment of tuition o iba pang school fees.
Bilang kapalit ay dapat gumawa ng promissory note ang parents o legal guardian ng estudyante na nakaaddress sa school.
Sa promissory note ay dapat nakasaad ang halaga na dapat nitong bayaran at petsa na kung kailan ito mababayaran.
Sakop ng batas na ito ang mga private grade schools at high schools, public and private post-secondary technical-vocation institutes pati narin ang public at private universities at colleges.
Ang kung sino mang lalabas sa batas na ito ay maaring magbayad ng multa mula P20,000 to P50,000.
Para naman sa lalabag sa Senate Bill No 722 ay may multa na kailangan nilang bayaran na mula sa P100,000 to P200,000.
Sources: ABS-CBN News, Senate.gov.ph
Basahin: Truth behind the mom shaming picture that went viral