Handa na bang kumain si baby? Alamin ang 6 prutas para kay baby

Ready na ba si baby kumain ng solid foods? Narito ang mga prutas na pwedeng maunang ibigay o ipakain sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Prutas para kay baby na safe para sa kanyang edad ba ang hanap mo? Narito ang listahan ng mga prutas at recipe na siguradong magugustuhan niya.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Prutas para kay baby
  • Age-by-age guide para sa mga prutas na pwedeng ipakain kay baby

Prutas para kay baby

Image from Freepik

Pagdating sa pag-i-introduce ng solid foods kay baby, ang prutas ang the best na unang ipakain sa kanya. Dahil maliban sa sweet na lasa ng mga ito ay puno ito ng nutrients na mahalaga para sa kanyang growth and development.

Pero ayon AAP o American Academy of Pediatrics ay dapat bigyan ng solid foods ang mga baby sa tamang panahon. Rekomendasyon nila dapat ay hintayin na mag-anim na buwan si baby bago ito bigyan ng solid foods o pagkain.

Dahil ito ang mga buwan na kung saan kaya niya nang maupo at buhatin ang kanyang ulo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paliwanag naman ng isang pag-aaral, may benepisyo ring maidudulot kay baby kung bibigyan siya ng solid foods as early as 6 months.

Sapagkat maliban sa dagdag na nutrients na makukuha sa mga ito ay nababawasan din ang tiyansa niya na magkaroon ng allergy o asthma kanyang paglaki. Ito ay dahil maaga siyang nakapag-adjust sa pagbabagong dulot ng pagkain sa kanyang katawan.

Sa unang pagpapakain kay baby, ay may mga dapat ding isaisip o tandaan. Una, dapat ay panatilihing kaunti o small portions lang ng pagkain ang ibibigay sa kanya. Dahil bilang new eater ay 1-2 tablespoon lang ng pagkain ang kayang i-store ng maliit niya pang tiyan.

Dapat din ay bantayan siya mula sa mga food allergies. Siguraduhin ding angkop para sa kanyang edad o buwan ang ibibigay na pagkain sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa prutas para kay baby, narito ang mga pupuwede para sa kanya at mga luto o fruit recipes na maaaring ihanda na siguradong magugustuhan niya.

4 to 6 months old

1. Banana

Ang mga saging ay mayaman sa potassium at fiber. Ang fiber ay mahalaga para kay baby dahil sa nakakatulong ito sa digestion at naiiwas siya sa constipation.

Habang ang potassium naman ay nakakatulong para ma-regulate ang body fluids ng kanyang katawan. Pero ang dapat na ibibigay na saging sa kanya ay sapat lang. Sapagkat kung sumobra imbis na maging lunas ay maaaring maging dahilan rin ito para maging constipated siya.

Ang the best nga na recipe na pwedeng gawin sa saging na siguradong magugustuhan ni baby ay ang banana purée at narito kung paano ito gawin o ihanda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Banana Puree

Image from Freepik

Ingredients:

Isang maliit na hinog na saging

Paraan kung paano lutuin o ihanda:

  • Balatan ang hinog na saging.
  • Saka ito durugin gamit ang tinidor.
  • Para mas maging kaaya-aya sa panlasa ni baby ay maaring lagyan ito ng breastmilk o kaunting formula milk.
  • Mainam itong ihanda at ipakain sa kaniya sa umaga.

2. Avocado

Ang prutas na avocado ay nagtataglay ng good fats na makakatulong para sa healthy brain at physical development ni baby. Dagdag pa ang smooth at soft texture nito na siguradong magugustuhan niya. Tulad ng saging, ang best recipe rin sa avocado ay puree. Ito ay maaring gawin o ihanda sa sumusunod na paraan.

Image from Freepik

Avocado Puree

Ingredients:

Isang hinog na avocado

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paraan kung paano lutuin o ihanda:

  • Hatiin sa gitna ang avocado. Tanggalin ang buto at kunin ang laman nito.
  • Saka ito durugin gamit ang tinidor.
  • Para mas maging kaaya-aya sa panlasa ni baby ay maaaring lagyan ito ng breastmilk o kaunting formula milk.
  • Mainam itong ihanda at ipakain sa kaniya sa umaga.

Maaari rin itong itabi sa freezer upang muling ipakain kay baby. Kung ipi-freeze maaari itong ilagay sa cube trays, balutin at ilagay sa freezer.

Kung ipapakain kay baby kinabukasan, mabuting sa gabi palang ay ibaba na ito sa freezer para ma-defrost. Sa oras na ma-defrost na, bago ipakain kay baby ay saka ito lagyan ng breastmilk o formula milk at kaunting tubig.

3. Mango

Ang hinog na mangga ay pwede na ring ipakain kay baby. Maaaring ihanda tulad ng avocado at banana puree. Pero pwede rin itong ihain kay baby na nakahalo sa rice cereal.

Full of nutrients din ito tulad ng vitamin A, C, E, K, folate, potassium, calcium, magnesium at marami pang iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Baby Bullet

Para sa paghahanda ng mango with rice cereal, narito ang mga hakbang na dapat gawin.

Rice Cereal with mango

Maliban sa hinog na mangga, pwede rin ihalo ang banana o avocado sa rice cereal at ipakain kay baby.

Ingredients:

1/4 kilo rice powder na dinurog sa blender o food processor

1 cup water

Prutas maaaring saging, avocado o hinog na mangga.

Paraan kung paano lutuin o ihanda:

  • Magpakulo ng tubig sa kaldero saka ilagay ang rice powder at haluin.
  • Pakuluin ito sa loob ng sampung minuto, habang patuloy na hinahalo.
  • Kapag malambot na ay lagyan ito ng breastmilk o formula milk. Pati na ang dinurog na prutas o puree.
  • Ipakain ito kay baby ng mainit-init pa.

7 to 9 months old

Para sa mga baby na edad 7-9 months old, ay maaari pa rin silang bigyan ng mangga, saging at avocado. Mas magiging masarap nga sa kanilang panlasa kung paghahaluin ito. Pero maliban rito pwede na rin sila handaan ng sumusunod na mga prutas.

4. Papaya

Dahil sa ang papaya ay may higher acidity level, inirerekomenda na hintayin muna na mag-7 o 8 buwan si baby bago ito ipakain sa kanya.

Tulad ng saging, ang mga enzymes sa papaya ay makakatulong rin sa healthy digestion at maibsan ang constipation ni baby.

Image from Freepik

Maaari ngang ihain ito kay baby ng fresh sa pamamagitan ng papaya puree.

Papaya Puree

Ingredients:

Hiwa ng hinog na papaya

Paraan kung paano lutuin o ihanda:

  • Alisin ang balat at buto ng hinog na papaya.
  • Saka ito durugin gamit ang tinidor.
  • Para mas maging kaaya-aya sa panlasa ni baby ay maaaring lagyan ito ng breastmilk o kaunting formula milk.
  • Pwede rin itong i-steam kung ‘yung nanaisin sa loob ng 10 minuto. Lagyan lang ito ng kaunting tubig at breastmilk para mas lumambot at maging creamy.

5. Mansanas

Ang mga mansanas ay inirerekomendang ibigay sa mga baby kapag sila ay nasa 8 buwan na. Ito’y upang maiwasan na masira o sumakit ang kanilang tiyan.

Pwede rin naman itong ibigay sa mga baby na 6 buwan pa lang. Ngunit dapat siguraduhin na madudurog ito nang maigi o halos apple sauce na kapag ipinakain sa kanya.

Ang mansanas ay puno ng vitamins at minerals, kaya nga may kasabihan na “an apple a day keeps the doctor away”. Kaya naman perfect na prutas rin ito na ipakain kay baby.

Pwede itong ihanda bilang apple puree pero pwede rin itong ihalo sa oats at cereal na siguradong mai-enjoy rin ni baby.

Oats & Apple Cereal

Ingredients:

1 maliit na apple o mansanas

1/4 cup ng ground oats

3/4 cup water

Paraan kung paano lutuin o ihanda:

  • Balatan at hiwain sa maliliit na piraso ang mansanas.
  • Ilagay naman sa kaserola o pan ang ¼ na ground oats at ¾ cup ng tubig. Idagdag din ang nahiwang maliliit na piraso ng mansanas. Hayaang kumulo ito at takpan.
  • Habang naluluto ang mansanas ay durugin ito.
  • Kapag luto at durog na ay haluan ito ng breastmilk o apple juice para mas maging malasa.

6. Peras

Tulad ng mansanas, pwede na ring bigyan si baby ng peras kapag siya ay 8 buwan na. Marami rin itong taglay na vitamins at minerals at maaring ihanda ng tulad sa mansanas.

Maaaring ibigay ito kay baby sa pamamagitan ng pear puree o kaya naman ay sa pamamagitan ng Oats and Pear Cereal.

Image from Freepik

10 to 12 months old

Kapag nasa 10-12 buwan na si baby ay maaari na siyang bigyan ng pinaghalong prutas tulad ng saging, mansanas, avocado at papaya.

Sa ganitong edad ay pwede mo na rin siyang bigyan ng mga citrus fruits tulad ng oranges.

Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga prutas para kay baby na maaari mong ihanda at ipakain sa kanya. Sa edad na sampung buwan o higit pa, pwede na rin naman sa kanya ang iba pang prutas.

Basta ito’y  malambot at nahiwa sa maliliit na piraso. Ito’y upang agad niya itong matunaw o madurog at maiwasan siyang mabulunan o mabilaukan dahil dito.