Dad confession: "Na-trauma ako after kong makita ang panganganak ng misis ko"

PTSD mula sa panganganak o post-traumatic stress disorder hindi akalain ng isang ama na mararanasan niya matapos makita ang panganganak ng misis niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

PTSD mula sa panganganak o post-traumatic stress disorder hindi akalain ng isang ama na mararanasan niya matapos makita ang panganganak ng misis niya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kuwento ng isang ama na nakaranas ng post-traumatic stress disorder o PTSD mula sa panganganak ng misis niya.
  • Ano ang post-traumatic stress disorder at paano ito nalulunasan.

Ama, na-trauma sa panganganak ng misis niya at sa pinagdaanan ng kanilang sanggol

“Akala ko ang PTSD ay para lang sa mga sundalong lumalaban sa giyera. Ngayon alam ko na puwede itong mangyari kahit kanino. At hindi ko inakalang, mararanasan ko ito at matratrauma ako sa panganganak ng misis ko.”

Ito ang pagbabahagi ng karanasan ng 38-anyos at first-time dad na si Elliot Rae sa nasaksihan ang naging panganganak ng misis niya sa kanilang unica hija.

Kuwento ni Elliot na ngayon ay naka-recover na mula sa kondisyon, noong una ay hindi niya naisip na nakakaranas na pala siya ng trauma o PTSD mula sa panganganak ng misis niya.

Akala niya noon ay normal parin siya. Pati na ang mga labis na kalungkutan at pag-aalala na nararamdaman niya. Ito ay matapos ang sunod-sunod na nakakatakot na eksenang nasaksihan niya mula ng maipanganak ng misis niya ang kanilang baby girl na ngayon ay limang taong gulang na.

Ilang taon man na ang lumipas, hindi umano mabubura sa memorya ni Elliot ang mga nangyari sa naging panganganak ng misis niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from BBC

Misis at baby niya nalagay sa peligro ang buhay

Para kay Elliot at sa misis nitong si Soneni, isang napakagandang blessing ang malaman nilang sila noon ay magkakaanak na. Masaya silang inaabangan ang pagsilang nito.

Pero ang inakala nilang happy moment at expected birthing plan nila sa kanilang anak ay hindi natupad. Sa halip ay napalitan ito ng mga sunod-sunod na nakakatakot na pangyayari na nagbigay ng labis na pag-aalala kay Elliot na baka biglang mawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina.

Ayon kay Elliot, nagsimula ito noong biglang tumaas ang blood pressure ng misis niyang si Soneni habang ito ay nagle-labor. Bigla ring bumaba ang heart rate ng kanilang baby noon na naging dahilan ng panic sa ospital.

Paliwanag ng mga doktor ay nakakuha ng Group B Streptococcus (GBS) infection ang kaniyang misis. Kaya naman siya ay kailangang bigyan ng intravenous antibiotics. Ito ay upang maiwasan na mahawa dito ang kanilang baby sa oras na maisilang na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ng 24 oras na pag-lelabor isinalang ang anak ni Elliot. Pero ito ay nangingitim na at hindi umiiyak. Sa tagpong ito ay parang tumigil na ang mundo ni Elliot.

Sunod na pangyayari ay ni-reresuscitate na ng mga doktor ang mahina pa noong sanggol. Ito ay dinala sa neo-intensive care unit. Habang ang asawa niya naman ay sinabi rin ng doktor na nawalan ng napakaraming dugo sa panganganak.

Ama, nag-aalala ngunit walang magawa sa kondisyon ng kaniyang sanggol at asawa

Business photo created by jcomp – www.freepik.com 

“Pakiramdam ko noon, nanonood ako ng pelikula at hindi ako iyong nasa eksena. Na-shock ako sa mga nangyari.

Higit sa lahat ay wala akong magawa at kailangan kong iasa ang buhay ng misis at anak ko sa kamay ng mga taong hindi ko kilala.”

Ito ang pag-aalala ng amang si Elliot sa naging panganganak ng misis niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pareho mang nag-aalala sa kalagayan ng kaniyang mag-ina kailangan niyang iwan ng mga sandaling iyon ang misis niya. Dahil mas kailangan siya ng anak niyang 5 minuto palang nabubuhay sa mundo.

“Sobrang nag-aalala ako sa kanila pero kailangan kong saglit na iwan ang asawa ko. Dahil mas kailangan ako ng anak ko. Sa mga oras na iyon para akong bata na hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.”

Sa awa ng Diyos unti-unting bumuti ang kalagayan ng kaniyang misis at sanggol. Nakauwi sila ng kanilang bahay. Pero matapos ang ilang araw nagkaroon na naman ng bagong dahilan ng pag-aalala si Elliot at misis niya.

Ang kanilang baby kasi ay nagkaroon ng bukol sa likod ng ulo niya. Kaya naman muli silang bumalik sa ospital at pinatingnan ito. Napawi lang muli ang kanilang pag-aalala ng sinabi ng nurse sa ospital na ito ay hindi seryoso.

Labis na pag-aalala sa mga susunod pang maaring mangyari

Image from BBC

Mula noon sa loob ng 3 buwan ay hindi lumabas sina Elliot sa kanilang bahay. Kung lalabas man sila ang punta nila ay sa ospital.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bumalik sa trabaho niya si Elliot, bagamat siya ay patuloy na nag-aalala sa kalagayan ng anak niya. Ang asawa niya ay nakaranas rin ng postpartum anxiety matapos ang ilang buwan ng maipanganak. Ngunit ito ay nalagpasan niya.

Hanggang sa nakaranas na ng severe allergic reactions ang anak nila. Dito na nagpakita ng sintomas ng post-traumatic stress disorder si Elliot. Hindi siya makatulog ng maayos, labis na nag-aalala at nagpa-flashback ang mga moments na nandoon sila sa ospital at nanganak ang misis niya.

Noong una ay hindi tanggap sa kaniyang sarili ni Elliot na nakakaranas siya ng PTSD. Hanggang sa matapos ang isang taon, noong 17 ay pumayag rin siyang magpatingin at magpagamot na. Si Elliot ngayon ay naka-recover na at masayang nagpapakatatay sa limang taong gulang na anak niya.

Mensahe sa iba pang mga ama

Dahil sa karanasan ay may mensahe si Elliot sa mga amang tulad niya. Ito ay ang huwag mahiyang ibahagi ang nararamdaman nila. Ito ay normal.

Sa tulong ng pakikipag-usap sa iyong asawa at pamilya ay mas gaganda ang relasyon ninyo sa isa’t-isa. Huwag din dapat mahiyang lumapit at humingi ng tulong sa mga espesyalista. Dahil sa ganitong paraan ay naalagaan mo ang iyong sarili at mas magiging epektibong haligi ng tahanan ka.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Stressed sa buhay? Ito daw ang mga dapat na kinakain mo, ayon sa study

11 signs na maaaring may trauma ka dahil sa panganganak

A mom’s traumatic birth experience: “I got a total of four IEs… I was already bleeding”

Ano ang post-traumatic stress disorder?

Ang post-traumatic stress disorder o PTSD ay isang psychiatric disorder na maaaring maranasan ng mga taong nakasaksi ng mga traumatic event.

Tulad na lamang ng natural disaster, seryosong aksidente, terrorist act, giyera o kaya panggagahasa. O kahit anong karanasan na may kaugnayan sa kamatayan, violence at serious injury.

Base sa pag-aaral, pagdating sa pagiging ama, isa sa kada 10 lalaki ang nakakaranas ng anxiety at depression symptoms sa unang 6 na buwan na pagkakaroon ng sanggol.

Habang may isa sa kada limang lalaki naman ang nakakaranas ng mental health problem sa pagbubuntis at panganganak ng kanilang misis matapos ang isang taon.

Sintomas ng PTSD

Ang mga ipinapakitang sintomas ng post-traumatic stress disorder ay ang sumusunod:

  • Pagkakaroon ng flashbacks sa mga traumatic event na naranasan.
  • Bangungot o panaginip tungkol sa naranasang traumatic event.
  • Labis na emotional distress o physical reactions sa tuwing naalala ang traumatic event.
  • Iniiwasang mapag-usapan o puntahan ang mga lugar na nagpapaalala ng nakakatakot na karanasan.
  • Pagkakaroon ng negative thoughts sa sarili at sa iyong paligid.
  • Kawalan ng pag-asa sa kinabukasan.
  • Memory problems o pagiging makakalimutin lalo na ang mga importanteng bahagi ng narasang traumatic event.
  • Pagiging detached o malayo sa mga kaibigan at pamilya.
  • Kawalan ng interes sa mga bagay o activity na dating ini-enjoy.
  • Hirap na magkaroon ng positive emotions.
  • Madaling magulat o matakot.
  • Nagpapakita ng self-destructive behavior tulad ng labis na pag-inom ng alak at pagda-drive ng mabilis.
  • Hirap na makatulog.
  • Hirap na maka-concentrate.
  • Pagiging irritable at pagkakaroon ng angry outburst o aggressive behavior.

Paano malulunasan ang post-traumatic stress disorder?

Para malunasan ang post-traumatic stress disorder ay kinakailangang makipag-usap sa isang espesyalista at sumailalim sa therapy ang pasyente.

Ito ay upang mag-improve ang sintomas na nararanasan niya. Para maturuan siya kung paano haharapin ang kondisyon niya at kung paano maibabalik ang self-esteem niya. Maaari rin siyang resetahan ng mga gamot na makakatulong rin sa kondisyon niya.

Source:

BBC, Mayo Clinic, WebMD, Psychiatry.Org