TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Nanay na-trauma ng 3 taon dahil sa kaniyang panganganak

4 min read
Nanay na-trauma ng 3 taon dahil sa kaniyang panganganak

Hindi biro ang PTSD sa buntis, at para sa mga may ganitong kondisyon, araw-araw nilang dapat harapin ang epekto sa kanila ng naranasang trauma.

Para sa napakaraming ina, napakasayang karanasan ang panganganak. Kahit mahirap, at minsan masakit ito, wala nang hihigit pa sa sayang nadarama ng isang ina kapag nahawakan na niya ang kaniyang sanggol. Ngunit para ilang ina, ang kanilang panganganak ay sanhi ng takot at kalungkutan. Ito ay dahil para sa mga may PTSD sa buntis,

PTSD sa buntis, naranasan ng isang ina

Ayon sa 35-anyos na si Kirsty Tuthill, nagkaroon daw siya ng PTSD matapos manganak dahil sa kapabayaan ng mga midwife o kumadrona sa ospital.

Sabi ni Kirsty na sa simula pa lang ng kaniyang labor, ay nahihirapan na siya. Nang pumunta siya sa ospital ay hindi rin siya natulungan, dahil pinauwi din siya agad. Sa tindi raw ng sakit ay nahihilo na siya at nagsusuka.

Dahil hindi na niya matiis ang sakit, nagpumilit siyang bumalik sa ospital, at inilagay siya sa isang kwarto kasama ang ibang inang nasa labor din. Hindi siya man lang nabigyan ng gamot para sa iniinda niyang sakit. Bukod dito, naririnig daw niyang pinag-uusapan siya ng ibang mga ina, at pinagtatawanan siya dahil sa sakit na nararamdaman.

Dagdag pa ni Kirsty na pinilit niyang pumunta sa banyo ng mag-isa dahil wala raw kumadrona na tumutulong sa kaniya. Nagulat na lamang siya nang magsimula na ang kaniyang labor habang nasa banyo siya. Habang nangyayari ito ay tinulungan na siya sa wakas ng mga midwife, at binalik sa kama.

Nanganak din ng maayos si Kirsty, ngunit sobrang na-trauma siya dahil sa kapabayaang nangyari.

Ano ang naging epekto nito kay Kirsty?

Matapos ang insidente, nahirapan raw maging malapit si Kirsty sa anak niya. Nahirapan daw siyang makipag-bonding sa bagong panganak na sanggol dahil paulit-ulit niyang naaalala ang sakit na kaniyang naranasan.

Kapag naaalala niya ang masalimuot na pangyayari ay nahihirapan daw siyang huminga, at bumabalik ulit ang lahat ng kaniyang naranasan nang siya ay manganak.

Nagkaroon din siya ng matinding anxiety o nerbyos na epekto ng PTSD. Ngunit paglaon ay nakarekober din siya, at naging maayos na ang kaniyang buhay kasama ng kaniyang anak.

Ngunit nang malaman niya na buntis ulit siya, walang tigil daw ang pag-iyak niya. Takot na takot siyang maranasan ang nangyari sa una niyang anak, at kinailangan pa raw niyang maghanap ng counseling at therapy upang makayanan niyang mabuntis at manganak ulit.

Noon lang daw niya naisip na hindi pa pala nawala sa isip niya ang masasamang alaala. Pero sa kabutihang palad ay alam na niya ang kaniyang dapat gawin, at mukhang magiging maayos na ngayon ang kaniyang panganganak.

Hindi dapat binabalewala ang PTSD

Ang mental health concerns tulad ng anxiety, depression, at PTSD ay kadalasang hindi nabibigyan ng tamang pansin. Siguro dahil nasa kultura na nating mga Pilipino ang magtiis o kaya ay mahirap intindihin ang mga ganitong uri ng karamdaman.

Pero mahalagang maging sensitibo tayo sa mga ganitong bagay at alamin natin na nangyayari ang mga ganitong bagay, at may malaking epekto ito sa buhay ng mga taong may ganitong uri ng karamdaman.

Napakaimportante nito lalo na sa mga nagbubuntis, dahil maaapektuhan ng PTSD o kung ano pang kondisyon ang kanilang pagiging ina. Posibleng magdulot ito ng postpartum depression, at mawalan sila ng kakayanang alagaan ang kanilang anak dahil dito.

May mga kaso rin ng pagmamaltrato sa bata na epekto ng hindi na diagnose na postpartum depression.

Ang PTSD rin ay nagiging sanhi ng matinding nerbyos, at posibleng maging sanhi ng breakdown ng isang ina. Minsan ay nakakaramdam na lang sila ng matinding takot o kalungkutan kapag naaalala ang isang malungkot na pangyayari.

Mahalagang magpakonsulta sa doktor o kaya sa therapist kapag sa tingin mo ikaw ay nakakaranas ng mental health problems. Kapag naaapektuhan na nito ang iyong pang araw-araw na buhay, ang iyong relasyon sa iyong pamilya, at kung paano mo alagaan ang iyong anak.

Hindi kahinaan ang pagkakaroon ng mental health problem. Magiging mas malakas ka pa nga kung napagtagumpayan mo ito, at pinilit mong tulungan ang iyong sarili para sa iyong pamilya.

 

 

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home

Source: Daily Mail

Basahin: Mom traumatized after botched C-section leaves her in ‘indescribable pain’

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Nanay na-trauma ng 3 taon dahil sa kaniyang panganganak
Share:
  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko