School enrollment umpisa na sa June 1, klase sa August 24 tuloy pa rin

Para sa mga naguguluhan na nanay, tuloy na tuloy pa rin ang enrollment sa June 1 ng mga public school sa kabila ng COVID-19 outbreak.

Para sa mga naguguluhan kung tuloy pa rin ang balik eskwela ng mga estudyante ngayong August 24 sa gitna ng COVID-19 outbreak, ang sagot ay oo. Lahat ng public at private schools ay mag-uumpisa ang enrollment sa darating na June 1.

Ito ay sa kabila ng pagtutol ni Pangulong Duterte na papasukin ang mga bata sa paaralan ngayong school year 2020-2021.

DepEd public and private school enrollment 2020-2021

Image from Unsplash

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante ngayong School Year 2020-2021 ay tuloy na tuloy pa rin. Ang enrollment ay magaganap ngayong Lunes, June 1. At ang pagbubukas ng klase ay mag-uumpisa sa August 24, 2020.

“Ang sigurado po, tuloy ang pag-aaral ng mga kabataan. Ang isyu na lang, ano ang sitwasyon pagdating ng Agosto 24. Ito ba ay sapat na para tayo ay mag-face-to-face o blended.”

Paglilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang face-to-face classes o yung pisikal na pagtuturo ay para lamang sa mga lugar na hindi nakataas ang community quarantine.

“We are preparing for the possibility of both: Face-to-face and blended learning,”

Samantalang ang ibang lugar kung saan nakataas pa rin ang community quarantine ay magsasagawa ng tinatawag na blended learning.

Naging issue ang pagpapatigil ng enrollment nang matatandaang tumutol si Pangulong Duterte sa pagbabalik eskwela ng mga studyante ngayong school year 2020-2021. Diin ng pangulo, walang mangyayaring balik eskwela hangga’t wala pang vaccine kontra COVID-19.

DepEd public and private school enrollment 2020-2021 | Image from ABS-CBN

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III, maaari pa ring magbalik eskwela ang mga bata ngayong tao kung papairalin pa rin health at safety measures sa paaralan at mga estudyante.

Ang umpisa ng enrollment ay ngayong June 1 hanggang June 30, kasama na dito ang early registration. Habang magbubukas naman ang klase ngayon August 24, 2020 at magtatapos sa April 30, 2021.

Ano ang Blended learning?

Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng internet, TV o radio para kahit nasa bahay pa rin ang mga bata, sila ay natututo pa rin.

Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.

Dagdag pa ni Secretary Briones, ang main priority nila ay pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga studyante.

DepEd public and private school enrollment 2020-2021 | Image from Freepik

“Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and safety and well-being of learners. ‘Yun ang pinakaunang priority natin,”

Kanselado na rin ang mga national at school related activities katulad ng Palarong Pambansa, Brigada Eskwela, science fairs, festival of talents at iba pang aktibidad sa school na dinadaluhan ng maraming tao maliban kung gaganapin ito online. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing na mahigpit na inuutos.

 

Samantala, panatilihin pa rin ang proper health quarantine guidelines. Iwasan muna ang paglabas ng bahay at makihalo sa madaming tao. Ugaliin ang social distancing kung hindi maiiwasang lumabas para mamili ng grocery. I-disinfect muna ang mga pinamili at maghugas ng kamay kapag galing sa labas.

Ikaw mommy, ieenroll mo na ba ang iyong anak ngayong taon?

 

Source:

ABS-CBN News

BASAHIN:

LOOK: Official DepEd academic school calendar ngayong S.Y 2020-2021


Sinulat ni

Mach Marciano