Ina, pinayuhan ng mga doktor na ipalaglag ang kaniyang kambal

Ayon sa ina, sinuway raw niya ang bilin ng mga doktor na ipalaglag ang kaniyang mga anak dahil nagkaroon siya ng pumutok na panubigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa maraming ina, nakakaramdam sila ng tinatawag na “motherly instinct” o isang pakiramdam o hinala tungkol sa mga bagay-bagay. Bagama’t hindi ito maipaliwanag ng siyensiya, sadyang may mga pagkakataon kung saan ay nagiging totoo ang hinala ng mga ina. Tulad na lamang ng isang ina sa UK na nagkaroon ng pumutok na panubigan at sinabihang ipalaglag na lang ang kaniyang mga anak.

Ayon sa ina, sinabihan pa siyang “inhumane” o hindi makatao ng mga doktor, dahil sigurado raw na mamamatay ang kaniyang mga kambal. Ngunit nagtiwala siya sa kaniyang motherly instinct, at ngayon ay malusog at malaki na ang kaniyang mga anak. 

Pinayo ng mga doktor na ipalaglag niya ang kaniyang mga kambal

Ayon sa inang si Hannah Morris, nagsimulang normal at walang problema ang kaniyang pagbubuntis. Ngunit noong ika-16 na linggo ng kaniyang pagbubuntis ay nabutas ang panubigan ng isa sa mga dinadala niyang kambal. Tatlong linggo makalipas ang insidente, ay nabutas naman ang panubigan ng isa pa niyang kambal.

Dahil sa panganib at mataas na posibilidad na mamatay ang kaniyang mga anak, inirekomenda ng mga doktor na ipalaglag ni Hanna ang kaniyang mga bata. Dagdag pa nila na mataas ang posibilidad na magkaroon ng impeksyon ang mga bata, at hindi mabubuo ng maayos ang kanilang mga organs. Bagama’t mapanganib, pinili ni Hannah na ipagpatuloy ang kaniyang pagbubuntis.

Naramdaman niyang pinabayaan siya ng ospital

Aniya, ang sanhi raw ng pagkakaroon niya ng pumutok na panubigan ay dahil sa isang e.coli infection. Hindi raw ito naagapan ng kaniyang midwife, at hindi siya naresetahan ng mga antibiotic para dito. Kaya’t nagkaroon ng reaksyon ang kaniyang katawan at pumutok ang kaniyang panubigan.

Nainis rin daw siya sa naging pagtrato sa kaniya ng mga doktor. Ito ay dahil hindi maganda ang protocol nila pagdating sa mga inang nakaranas ng PPROM o nabutas na panubigan. Sabi ni Hannah na agad sinabi ng mga doktor na kailangang i-terminate ang kaniyang pagbubuntis. Hindi man lang raw sila nagbigay ng ibang option o kaya paraan para masagip ang mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag ni Hannah na noong sinabi niyang ayaw niyang magpalaglag, ay pinabayaan lang raw sila ng mga doktor sa ospital. Binigyan si Hannah ng 2 araw upang maghintay kung malalaglag ang mga bata, pero nagulat sila nang makitang malusog ang kaniyang mga kambal. Dahil dito, pinauwi si Hannah mula sa ospital at nagpatuloy na siya sa kaniyang pagbubuntis.

Linggo-linggo raw ay nagpupunta silang mag-asawa sa doktor, upang matingnan ang progress ng mga kambal. Ito ay dahil sinabi rin ng mga doktor na posible raw magdikit ang organs ng kaniyang mga kambal.

Sa kabutihang palad ay naging maayos naman ang panganganak ni Hannah, ngunit mayroon pa ring mga naranasang komplikasyon ang kaniyang mga anak. Ang isang kambal na si George ay mayroong mahinang immune system at ang kapatid niyang si Alfie ay mayroong butas sa puso. Ngunit napagtagumpayan rin nila ang mga problemang ito at ngayon ay malusog at malakas na ang mga kambal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gustong ibahagi ni Hannah ang kaniyang kuwento upang hindi mawalan ng pag-asa ang mga inang nakaranas ng PPROM o pumutok na panubigan. 

Paano nagkakaroon ng PPROM o pumutok na panubigan?

Ang PPROM o premature rupture of membranes ay isang kondisyon kung saan maagang pumuputok o nabubutas ang panubigan ng isang ina. Mapanganib ito para sa sanggol, dahil kapag masyadong kaunti ang natirang amniotic fluid ay hindi sila magdedevelop ng maayos. Bukod dito, nawawalan rin ng proteksyon ang sanggol, kaya’t mataas ang posibilidad na magkaroon sila ng impeksyon o kaya sakit.

Nangyayari ito kapag nakaranas ng impeksyon ang isang ina, kapag masyadong nabatak ang bahay bata, tulad ng sa mga kambal, at kapag nakararanas sila ng aksidente. Sa kaso ni Hannah, ito ay dahil sa isang napabayaang e.coli infection.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mataas ang posibilidad ng mga inang nakaranas ng PPROM na malaglag ang kanilang dinadalang mga bata. Ngunit tulad sa kaso ni Hannah, hindi nito ibig sabihin na wala nang pag-asa. Mahalagang magpakonsulta sa isang doktor o kaya eksperto upang malaman ng mga inang nakaranas ng PPROM kung ano ang kanilang mga options. Ngunit kailangan rin na maging handa ang mga ina sa posibilidad na mamatay ang kanilang dinadalang sanggol.

Hindi biro ang PPROM dahil isa ito sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga sanggol na hindi pa ipinapanganak. Kaya’t mahalagang mag-ingat ang mga ina habang nagbubuntis upang makaiwas sila sa impeksyon at sa mga aksidente.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: The Sun

Basahin: Ina, namatayan ng sanggol dahil pumutok ang kaniyang panubigan

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara