Mahalagang isaalang-alang ng mga ina ang kanilang kalusugan habang nagbubuntis. At alam niyo ba, ang pagsusuot ng puting panty kapag buntis ay posible palang makatulong dito?
Bakit kaya? At ano ang nagagawa ng puting panty kapag buntis para sa kalusugan ng mga ina?
Puting panty kapag buntis, bakit kailangan?
Normal na sa mga inang nagdadalang-tao ang magkaroon ng vaginal discharge, o likido na lumalabas sa vagina. Isa itong palatandaan ng pagiging buntis, at sa kabuuan ng pagbubunti ay magkakaroon ng vaginal discharge ang isang ina.
Wala ring dapat ipag-alala ang mga inang nasa ika-3 trimester kapag nakapansin sila ng dugo sa discharge. Normal lang ito, at ibig sabihin na papalapit na ang araw ng kanilang panganganak.
Nadadagdagan din ang discharge habang tumatagal ang pagbubuntis, dahil naiipit ng ulo ng sanggol ang cervix, kaya’t dumadami ang discharge.
Para saan ang puting panty?
Ngayon, ang kahalagahan ng puting panty ay nakakatulong ito sa mga ina na makita kung ano ang kulay ng kanilang discharge. Ito ay dahil maganda itong senyales ng kalusugan ng isang ina.
Kapag abnormal ang discharge ng isang ina, ganito ang magiging hitsura nito:
- Kulay berde, dilaw, o grey ang discharge.
- May malakas o mabahong amoy.
- Nagkakaroon ng pamumula o pangangati ang ari ng ina.
Bukod dito, posible rin nitong maipakita ang sintomas ng yeast infection. Ang pagkakaroon ng yest infection ay madalas ding nangyayari kapag nagbubuntis, kaya’t mabuting maagapan agad ito.
Nakakatulong rin ang pagsusuot ng puting panty upang maagapan ang mga komplikasyon sa pagbubuntis. Isa na rito ang placenta previa kung saan natatakpan ng placenta ang butas ng cervix. Kapag nanganak, puwedeng mabutas ang mga blood vessel na nakakabit sa uterus at placenta at ito ay mapanganib sa ina at sa sanggol.
Ang placenta abruption din ay posibleng madetect gamit ang pagsuot ng puting panty. Ito ay isang kondisyon kung saan humihiwalay ng maaga ang placenta sa uterus bago manganak. Posible itong maging sanhi ng pagdudrugo, at mapanganib ito sa ina dahil nagdudulot ito ng low blood pressure.
Ang pangunahing sintomas ng placenta previa at placental abruption ay ang pagdurugo o pagkakaroon ng pulang discharge pero malayo pa sa due date, o sa panahon ng labor.
Kaya’t mahalaga rin sa mga ina na obserbahan ang kanilang discharge, at kung anu-ano pang pagbabago sa kanilang katawang kapag buntis. Malaki ang maitutulong nito upang masiguradong maging ligtas ang ina, pati na rin ang sanggol.
Source: Healthline
Basahin: 16 na bagay na dapat malaman ng mga bagong panganak na nanay