Ang pagpapaayos at pagpapakulay ng buhok ay isa sa mga karaniwang ginagawa ng mga kababaihan para magpaganda. May mga kababaihang ginagawa ito halos kada buwan habang mayroon namang para sa “bagong buhay" o “pagmo-move on".
Pero para sa isang babaeng buntis, isang mahigpit na pag-iingat ang kailangang gawin, lalo na sa mga bagay na may usapang chemicals na ipapahid o gagamitin sa katawan.
Kaya naman, para sa mga buntis, ligtas nga ba ang magpakulay ng buhok?
Talaan ng Nilalaman
Puwede bang magpakulay ng buhok ang buntis?
Maliban sa pregnancy cravings, may mga araw din na makakaramdam ka ng pagkapagod o pagkawala sa mood. Habang hindi cravings ang laging sagot dito, maaaring may mga nais kang gawin para pagaanin ang iyong mood ngunit hindi sigurado kung magiging ligtas ba ito para iyo at sa iyong pinagbubuntis.
Isa na rito ang pagkukulay ng buhok. Ligtas nga ba ito para sa iyo at kay baby?
Good news! Ligtas ang pagpapakulay ng buhok sa buntis lalo na sa ikalawa at ikatlong trimester nito.
Itinuturing ng American College of Obstetricians and Gynecologists na ligtas na kulayan ang iyong buhok sa panahon ng pagbubuntis.
Ayon sa kanila, karamihan sa mga eksperto ay nagsasabing ang paggamit ng pangkulay ng buhok sa panahon ng pagbubuntis ay hindi nakakalason para sa iyong fetus.
Dahil ang karamihan sa mga pangkulay ng buhok ay may kaunting kontak lamang sa iyong anit, ang posibilidad ng anumang mga kemikal na maabot ang iyong daluyan ng dugo, at samakatuwid ang iyong sanggol, ay mababa.
Mga tips para sa pagkukulay ng iyong buhok habang buntis
Ayon din kay Dr. Ramon Reyles, isang OB-Gynecologist at Chairperson ng Department of OB-GYNE ng Makati Medical Center, ligtas naman umano ang pagpapakulay ng buhok sa buntis ngunit may mga bagay na dapat isaisip para hindi masyadong ma-expose sa chemicals ang iyong ipinagbubuntis.
Ayon sa kaniya,
“It is advisable but make sure na maiksi lang ‘yong duration ng pagkukulay saka lesser amount of hair dye. And then mas ina-advise na ‘yong mga organic like Henna hindi ‘yong mga masyadong permanent."
Payo pa niya,
“Kung ikaw magkukulay mas safer. Kung magkukulay, dapat naka-gloves at pinakamaiksing time na mag-a-apply ng dye. Dapat rin sa well-ventilated room magkukulay. Then rinse your scalp once the dye is applied.
Putting the dye only to strands of hair also reduces the risk of exposure to the chemicals. Through that hindi naabsorb ng scalp ang chemicals at hindi ito mapupunta sa iyong bloodstream."
Narito naman ang mga pregnancy-safe hair color brands na maaari mong mabili online:
Naturtint Natural Permanent Hair Color 5G
Features we love:
- Organic.
- Free from ammonia and paraben.
- With oleic acid for hair softness and elasticity.
- Contains meadowfoam seed oil which fights dull hair.
Herbul Henna Hair Dye
Features we love:
- Natural henna dye.
- Budget-friendly.
- Easy-to-make solution.
- Doesn’t sting to scalp.
Herbatint Organic Permanent Hair Color Gel
Features we love:
- Fragrance-free.
- Made with 8 organic herbal extracts.
- Clinically and dermatologically-tested.
Iba pang tips para sa ligtas na pagkukulay buhok ng buntis
Bukod sa mga ibinahagi ni Dr. Reyles, narito ang ilang pang tips na maaaring makatulong sa iyong ligtas na “new look".
1. Maghintay hanggang sa iyong 2nd trimester
Ang buhok ay maaaring tumubo nang mas mabilis habang buntis, kaya maaaring kailanganin mo ng higit pang root touchup sa loob ng siyam na buwang ito.
Upang mabawasan ang potensyal na pinsala sa iyong ipinagbubuntis na sanggol, ipinapayo ng ilang eskperto na wag munang magkulay ng buhok sa unang 12 linggo ng pagbubuntis.
2. Pumili ng mga pangkulay na may mas gentle na chemicals
Hangga’t maaari, gumamit ng mga plant-based na pangkulay o kaya naman iyong may mga natural o organic ingredients. Tanungin ang iyong stylist kung ano ba ang mga gentler options para sa ‘yo habang ika’y buntis.
Pumili ng mga kulay na may ammonia-free base. Kung ikaw naman ay gustong mag-DYI, ikunsidera ang pagpili ng mga semi-permanent color na hindi nagtataglay ng ammonia at hindi nagtataglay ng bleach.
Mas ayos ang ganitong mga kulay lalo na habang ikaw ay buntis. Ang Henna Dyes ay mas less toxic na pangkulay na maaari mong ikunsidera. Tandaan na mahalagang i-check ang mga ingredients sa pangpakulay na puwede sa ‘yo bago ito gamitin.
3. Subukan ang highlights o balayage kaysa sa pagpapakulay ng iyong buong buhok.
Kung ikaw ay mayroon pa ring kaunting pag-aalinlangan, maaaring magkulay ng parte lamang ng iyong buhok para maiwasan ang pagdikit ng tina sa iyong scalp.
4. Huwag munang magpakulay ng buhok kung mayroon kang anumang sugat sa iyong anit.
Ang mga sugat na iyon ay maaaring magtaas ng pagkakataon ng mga kemikal na masipsip sa iyong balat at sa iyong daluyan ng dugo.
5. Kung maaari pwede munang subukan ang kulay sa isang strand ng buhok
Tandaan na ang mga hormonal changes na nangyayari sa ‘yo habang ikaw ay buntis ay maaari ring makaapekto kung ano ang magiging reaksyon ng iyong buhok sa kulay ng buhok.
Kahit may matagal ka nang formula na ginagamit, maaaring maging iba ang reaksyon nito kapag ikaw ay buntis. Kaya naman kung kaya maaaring i-try muna ito sa maliit na strand ng buhok. Sabihin ito sa iyong stylist.
Paano kung nais kong kulayan ang sarili kong buhok?
Kung pipiliin mong kulayan ang sarili mong buhok, tandaan ang mga susunod na general safety precautions ng Food and Drug Administration:
- Sundin ang directions sa packaging ng pangkulay
- Magsuot ng gloves
- Gawin ang pagkukulay sa well-ventilated na kwarto. Pinapababa nito ang risk mo na maamoy ang mga chemicals sa hair dye.
- ‘Wag iiwan ang dye sa iyong buhok ng mas mahaba sa nakasaad na oras sa packaging directions
- Hugasan ng maigi at mabuti ang iyong scalp at buhok pagkatapos ng pagkukulay
Kung ikaw naman ay pupunta sa salon para magpakulay ng iyong buhok, ‘wag kakalimutang sabihin na ikaw ay buntis at pumili ng mga options na pinakaligtas sa iyo at sa iyong ipinagbubuntis.
Huwag ding kakalimutang magsuot ng face mask at magdala ng alcohol lalo na sa panahon ngayon. Siguraduhing ang iyong hairstylist ay nakasuot din ng mask at regular na nagdi-disinfect ng kamay.
Mahalaga rin na makipagugnayan sa iyong OB-GYNE, kahit na ikaw mismo ang magkukulay ng iyong buhok o ipapagawa ito sa salon, para sa mas ligtas na mga produkto at proseso.
Ano-ano pang beauty treatments at products ang ipinagbabawal at pwede sa isang buntis?
- Parte ng pagkukulay ng buhok ang bleaching ngunit inaadvise ni Dr. Reyles na iwasan muna ito, dahil sa mas harmful na chemicals na gagamitin sa proseso.
- Hair rebonding. Sa pagpapa-rebond naman, iminumungkahi rin ni Dr. Reyles na tanungin muna ang iyong doktor kung ikaw ba ay pwedeng magpa-rebond. Maaari kasing mas harsh din ang chemicals na gamit dito.
- Manicure at pedicure. Ligtas ang pagpapamanicure at pedicure dahil hindi naman inaabsorb ng balat ang nail polish. Ligtas rin ang gamit na chemicals dito. Siguraduhin lamang na malinis at disinfected ang mga tools na gagamitin.
- Whitening products. Inaadvise na wag na lang munang gumamit ng whitening products dahil may agents ito na magiging masama para sa iyo at sa iyong ipinagbubuntis. Kung ikaw ay nababahala sa mga nangingitim na parte ng iyong katawan, wag mag-alala dahil parte ito ng pagbubuntis at mawawala rin kinalaunan.
Para sa mas malawan na paliwanag tungkol dito, basahin ang article ng Tap tungkol sa 7 beauty treatments at products na bawal sa buntis.
Higit sa lahat, kung ang pagpapakulay ng iyong buhok ay makakatulong sa pagpapabuti ng iyong pakiramdam, gawin mo ito. Ngunit wag kalimutan na kumonsulta muna sa iyong doktor at piliin ang mga pinaka-ligtas na options na mayroon ka. Hindi lamang para sa iyo, ngunit pinaka-mahalaga, para sa iyong baby.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.