Mga batang 5-taon gulang pataas pwedeng ng lumabas, ayon sa IATF

lead image

Marami siguro sa atin na nag-iisip kung kailan ba pwede lumabas ang mga bata? Ayon sa IATF pwede ng lumabas ang mga batang 5-taon gulang pataas. Alamin ang protocols dito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halos dalawang taon na, matapos magsimula ang pandemya na sumubok sa ating katatagan bilang tao, pamilya at mamamayanan.

Maraming ipinatupad na kailangan gawin upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Kagaya ng bawal ang paglabas kung walang importanteng gagawin, pagsuot ng masks at pagdistansya sa tao.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga lugar at pasyalan na pwedeng lumabas ang bata 5 taong gulang pataas
  • Mga kinakailangan gawin para maging ligtas ang anak

Sa pagsunod sa batas na ito, lumalim ang kagustuhan natin bumalik sa normal. Lalo na para sa mga bata edad 5 taong gulang pataas, dahil sila ang bawal lumabas. Kaya tanong ng maraming parents, “pwede na ba lumabas ang mga bata?”

Kaya naman ngayong Hulyo 7, 2021, inanunsyo ng Inter-agency Task Force para sa COVID-19, na maaari ng lumabas ang mga batang nasa 5-taon gulang pataas na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ). Maliban sa mga GCQ na lugar na may paghihigpit.

Kaya naman, Mommies! Alamin ang mga patnubay na kailangang sundin pag gustong ilabas si ate at si kuya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

GCQ “na may unting paghihipit” hanggang Hulyo 15, 2021

  • Metro Manila
  • Rizal
  • Bulacan

GCQ “na may paghihigpit”  hanggang Hulyo 15, 2021

  • Laguna
  • Cavite

Mga lugar na GCQ hanggang Hulyo 31, 2021:

  • Baguio City
  • Ifugao
  • Santiago City
  • Isabela
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Batangas
  • Quezon
  • Guimaras
  • Aklan
  • Bacolod City
  • Negros Occidental
  • Antique
  • Capiz
  • Zamboanga Sibugay
  • Zamboanga City
  • Iligan City
  • General Santos City
  • Sultan Kudarat
  • Sarangani
  • Cotabato
  • South Cotabato
  • Agusan del Norte
  • Surigao del Norte
  • Agusan del Sur
  • Cotabato City

Mga lugar na MGCQ hanggang Hulyo 31, 2021

  • Buong Pilipinas

BASAHIN:

Are your kids using headphones more during the pandemic? Here’s how to protect their ears

REAL STORIES: “Because of the pandemic, my daughter is now scared of people”

9-year-old writes to self amid the pandemic: “Feeling sad is normal—so is missing your friends”

 Saan ang mga pasyalan na pwedeng puntahan ng bata?

Pwede na ba lumabas ang mga bata? | Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang buong listahan ng mga lugar kung saan maaaring pumunta ang mga bata:

  • Mga parke
  • Palaruan
  • Mga beach
  • Mga daanan ng pagbibisikleta at hiking
  • Sa labas ng palaruan , hindi sa loob ng court at veneu 
  • Mga establisyemento ng kainan 

Gayunpaman, ang mga lugar na nakakulob lang katulad ng mga mall, kung saan ay itinuturing na halo-halong panloob at  panlabas na mga establisyemento, ay hindi pa rin limitado sa mga bata, pahayag ng tagapagsalita ng Malacañang na si  Roque.

Mga dapat mong gawin para maging ligtas ang anak:

  • Paghugas palagi ng kamay o pagdala ng alcohol 

Kapag ilalabas ang anak mula sa bahay. Huwag kalimutan na m ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon at ang pagdala ng alcohol sa iyong bag. Ito ay upang maiwasan, para hindi masakit at kumalat  sa katawan mo at sa katawan ng iyong anak ang virus sa kapaligiran.

  • Ang pagsusuot ng mask ay lubhang kinakailangan

Mainit? Oo. Pero tandaan mga mommies, ang pagsusuot ng mask at hindi pagtanggal nito kahit na mainit ang panahon ay makakatulong upang hindi mahawaan ng sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya kahit mainit at hindi komportabeng suotin, ipapaala sa iyong anak na huwag ito hubarin. Dahil hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa loob ng segundo o minuto na walang suot na mask ang iyong anak.

Larawan mula sa iStock

  • Panatilihin ang distansya

Ang sakit na COVID-19 ay nakakahawa sa paraan ng pag-ubo at pagsinga. Kaya naman, kapag may nakita kang umubo o suminga na kalaro ng iyong anak ay panatilihin mo ang distansya ng dalawa. Subalit mas mainam pa rin na huwag basta hayaan ang anak namakipaglaro sa iba.

  • Huwag hawakan ang mata, ilong at bibig

Kapag nakita ang anak na humawak sa isang bagay, sabihan siya na maghugas muna bago niya hawakan ang kanyang kamay. Dahil maaaring pumunta sa kaniyang katawan o pumasok sa kaniyang katawan ang mga mikrobiyo at mga sakit katulad ng COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kapag masama ang pakiramdam ng bata ay manatili na lang sa bahay

Gusto ba ng anak mo maglaro? Ngunit hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Huwag na ito palabasin, kapag may sakit ang tao, mas mababa ang resistensya nito na nagreresulta na madali siyang mahahawa ng mga sakit. Kaya sabihin kay ate at kuya na sa susunod na lang, at bigyan na lang sila ng paboritong pagkain.

Dagdag impormasyon:

Mahalagang sundin ang mga health protocol upang makaiwas sa pagkakaroon ng COVID-19. Mahalagang ipabatid sa ating mga anak ang kahalagan ng pagsusuot ng face mask at laging pag-a-alcohol lalo na kapag nasa labas.

Isa pa sa kailangan na ituro sa anak ay paghuhugas ng kamay lalo na kung kakagaling niyo lamang sa labas. Para naman sa social distancing, nirerekomenda ng IATF na mayroong 1 metro layo mula sa ibang tao ang sinuman. Kaya ituro rin ang kahalagan nito sa iyong anak.

Mas ipinapayo at nirerekomenda ng IATF na dalhin ang mga bata sa mga may malalawak na lugar. At bago umalis ng bahay at magpasiyang ilabas ang bata ay mas makakabuti rin na mag-research muna patungkol sa COVID-19 cases sa lugar. Tignan kung mataas ba ito o mababa.

Sa ganitong paraan ay makakaiwas din kayo sa pagkakaroon ng COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sources :

ABS-CBN , Hopkins Medicine, APIC, Rappler

Sinulat ni

reginedy