Quarantine extension after may 15
Metro Manila, Philippines (May 12, Update) – Inanunsyo na ang mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Quarantine at General Community Quarantine. Ito ay mula May 16 hanggang May 31, 2020.
As of May 12, narito ang mga lugar na nasa ilalim na ng General Community Quarantine.
CAR
- Abra
- Apayao
- Benguet
- Ifugao
- Kalinga
- Mt. Province
- Baguio City
Region II
- Batanes
- Cagayan
- Isabela
- Nueva Viscaya
- Quirino
- Santiago City
Region III
- Aurora
- Bataan
- Bulacan
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Tarlac
- Zambales
- Angeles City
- Olongapo City
Region IV-A
- Cavite
- Quezon
- Rizal
- Batangas
- Lucena City
Region VII
- Bohol
- Negros Oriental
- Siquijor
- Mandaue City
- Lapu-lapu City
Region IX
- Zamboanga del Norte
- Zamboanga del Sur
- Isabela City
- Zamboanga Sibugay
- Zamboanga City
Region XI
- Davao City
- Davao de Oro
- del Norte Davao
- Davao del Sur
- Davao Occidental and Oriental
CARAGA
- Agusan del Norte
- Agusan del Sur
- Dinagat Island
- Surigao del Norte
- Surigao del Sur
- Butuan City
Under Modified Enhanced Community Quarantine naman ang NCR, Cebu City at Laguna simula May 16 hanggang May 31, 2020.
Dahil inilabas na ang order ng mga lugar na mananatili sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine at General Community Quarantine, ating alamin kung ano ang pinagkaiba ng dalawa at gaano kaimportanteng malaman ang mga ito.
Ayon kay Sec. Harry Roque, ang Modified Enhanced Community Quarantine ay ECQ pa rin kung tutuusin. Pero ang pinagkaiba lang ay may mga industry na papayagang magbukas ngunit 50% capacity lamang.
Limitado rin ang takbo ng mga transportasyon at kanselado ang pasok sa mga mga eskwelahan.
Ano ang Enhanced Community Quarantine?
Ang Enhanced Community Quarantine ay nararanasan ng buong Luzon simula noon pang March. Under ECQ, bawal umabas ang mga sumusunod:
- Below 21 years old
- 60 years old and above
- Mga buntis
- Mga taong may malubang sakit o iba pang health issue katulad ng liver disease, asthma, heart disease, high blood
Maaari lang lumabas ang iba kapag bibili ng grocery o gamot kasama na ang paggawa ng iba pang essential sevices.
Nananatili namang nakabukas ang mga grocery, pharmacy, bangko, at ospital. Available rin para sa delivery ang mga pagkain, gamot, essential goods, veterinary supplies, school supplies, clothes, accessories, housewares at hardware.
Ano ang General Community Quarantine?
Para naman sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine, narito ang mga dapat at mahalagang tandaan:
Under GCQ, bawal umabas ang mga sumusunod:
- Below 21 years old
- 60 years old and above
- Mga buntis
- Mga taong may malubang sakit o iba pang health issue katulad ng liver disease, asthma, heart disease, high blood
Maaari lang lumabas ang iba kapag bibili ng grocery o gamot kasama na ang paggawa ng iba pang essential sevices. Magpapatuloy na rin ang full operation ng mga government offices sa ilalim ng General Community Quarantine.
Balik operasyon na rin ang mga sumusunod:
- Agriculture
- Fishery and forestry
- Financial services
- Food Manufacturing
- Food supply chain
- Grocery stores
- Food retail establishments
- Food delivery services
- health-related establishments
- information technology
- BPOs
- Telecommunication company
- Logistics sector
- Legal and accounting
- Auditing services
Magbubukas na rin ang mga mall at shopping center ngunit mananatiling nakasarado ang mga leisure establishments. Ang mga papasok na tao sa mall ay limited capacity lamang. Hindi rin mawawala ang pagtingin ng temperature sa kanila at proper sanitizing.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpunta sa mass gathering. Ngunit papayagan ang iba katulad ng essential work gathering o religious activities pero dapat ay hindi pa rin kakalimutan ang social distancing at ang pagsusuot ng face mask. Kailangan rin ang limited capacity sa loob ng isang establishment.
Balik operasyon na rin ang mga construction projects under GCQ ngunit kailangang sumunod sa ibibigay na guidelines ng DPWH.
Mananatiling sarado ang mga leisure establishments katulad ng amusement park, fitness establishment at iba pang lugar.
Ang physical classes ay hindi pa rin papayagan sa ilalim ng GCQ. Pero papayagan ang flexible learning arrangement para matapos ang school year 2019-2020.
Dahil balik operasyon na rin ang ibang public transpo, mahigpit na inuutos ang responsableng pagsakay sa mga pampublikong sasakyan. Katulad na lamang ng pagsusuot ng face mask, 1 meter distance sa mga pasahero at limited capacity.