Quezon City COVID-19 update: Umakyat na sa 6,080 ang kaso ng coronavirus sa lungsod. Ano na nga ba ang ginagawa ng QC government kaugnay nito?
Quezon City COVID-19 update
Tumaas din naman sa 3,203 ang recoveries, ngunit ang death toll ay kasalukuyan nang nasa 292. Ang 2,486 ang natitirang active cases. Ang mga ito naman umano ay nakasailalim sa treatment at quarantine.
Sa kabuuan ay umabot na ng 80 thousand mark ang kaso ng COVID nationwide. Nasa 26,110 naman ang naka-recover na.
Ano nga ba ang plano ng QC government sa patuloy na umaangat na kaso ng COVID sa lungsod?
Ayon sa QC Gov website, nagsasagawa na ngayon ng community-based testing. Ang kabuuang populasyon ng lungsod ay umaabot sa 3 million.
Sa ngayon ay mayroong mga hotels na ginagamit bilang quarantine facility at ito ay mino-monitor.
“Napaka-ingat namin sa pagpili ng mga isolation facilities para di mangamba ang mga residente namin, tapos heto’t nalaman na lang namin sa routine inspections na may mga naka-isolate na mga pasyente sa mga QC hotels na di kami nasabihan. Hindi man lang sila nagpaabiso o nakipag-ugnayan sa amin bago nila ginawa ito. Maayos ba ang security nila upang masiguradong di lumalabas ang mga pasyente? May sapat na healthworkers ba silang nag-aasikaso sa mga pangangailangan ng mga maysakit? May proper waste disposal protocols and infectious waste haulers ba sila para siguraduhing di makahawa sa iba? These concerns have to be coordinated with us because our job is to further prevent the spead of this virus in our city given that the hotels are used as quarantine facilites.”
Gaano kabilis mahawa sa COVID
Ngayong bukas na muli ang ilang malls at restaurants, narito ang isang pag-aaral kung gaano kabilis mahawa ng COVID sa mga lugar na ito.
Narito ang DOH diagram:
Ang mga pink na bilog ay ang mga pasyenteng nag-positibo sa COVID-19 at ginagamot sa Philippine Heart Center. Isa sa mga pasyenteng ito ay minsang bumisita sa nasabing shopping center. Siya ay si patient 200.
Samantala, ang mga pulang bilog naman ay ang mga nahawa sa sakit ng magpunta sa isang senate hearing. Isa sa kanila ay bumisita rin sa nasabing shopping center. Siya ay si patient 190.
Ang mga green na bilog naman ay ang iba pang pasyenteng nag-positibo sa sakit at bumisita rin sa naturang shopping center. Habang ang mga gray na bilog ay ang mga kasama nila sa bahay o kapamilya na na-infect rin ng sakit.
Ayon kay DOH Undersecretary Dr. Maria Rosario S. Vergeire, ang diagram ay kanilang ipinapakita sa publiko upang mas maunawaan ng lahat kung bakit mahalagang manatili pa rin sa loob ng ating mga bahay ngayon. At kung bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin na ipinapatupad.
Mga kilalang ospital hindi na kayang tumanggap ng COVID-19 patients
As of July 13, 2020 mayroon nang naitalang 57,006 na nag positibo sa COVID-19 sa buong bansa. Habang 20,371 ang nakarecover at 1,599 naman ang namatay sa nasabing virus.
Dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, unti-unti na ring napupuno ang mga hospital kung saan naka confine ang mga pasyente.
Ayon sa report na ibinigay ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng Department of Health, nasa 11 na ospital ang hindi na kayang tumanggap pa ng COVID-19 patients dahil full capacity na ito.
Narito ang ilan sa kanila:
- Philippine Children Medical Center
- UST Hospital
- University of Perpetual Help Medical Center
- Veterans Memorial Medical Center
- Tondo Medical Center
- Seamen’s Hospital
- Las Piñas Doctors Hospital
- De Los Santos Medical Center
- Metro North Medical Center and Hospital
- Capitol Medical Center
- Chinese General Hospital and Medical Center
Narito naman ang mga ospital na mayroong high utilization rate.
- Lung Center of the Philippines – 97%
- East Avenue Medical Center – 89%
- UERM Memorial Medical Center – 83%
Bukod sa 11 na ospital na ito, marami na rin ang mga ospital na malapit nang mapuno.
Paglilinaw ng Department of Health, ang ‘full capacity’ na ito ay hindi para sa kabuuan ng buong ospital. Dahil ito ay para lamang sa mga COVID-19 na pasyente.
“When we talk about the percentage of beds that had been occupied already, it is not equivalent to the entire capacity of the hospital. Here, we are just referring to the dedicated beds for COVID (patients).”
Source:
Basahin:
COVID-19 antibodies nakita sa breastmilk ng mga survivors, ayon sa research