Sobrang convenient na talaga ng online shopping apps like Lazada, Shopee, and Zalora. Kaya naman sobrang daming tao na ang adik sa online shopping. Aminin man nila o hindi, sila ay dahan-dahan nagiging lulong na sila sa online shopping. Marahil dahil sa sobrang convenient nito para sa mga tao kaya nakakawili na bumili ng mga bagay.
Mula sa diapers hanggang sa mga pagkain na iluluto sa araw-araw, lahat na ata ng maiisip mong bagay ay mabibili mo na online.
Kumpara sa pagbili sa mga mall, sa online shopping ay hindi mo na kailangan lumabas para mahanap ang gusto mong bilhin. Madali rin hanapin ang mga bagay na dati ay kailangan halughugin sa sulok na kung saan para mahanap. Pero, marahil, ito din ang dahilan kaya hindi napapansin ng ibang tao na ang dami-dami na pala nilang nabibiling bagay kahit hindi nila kailangan.
Dahil credit card o cash on delivery (COD) ang ginagamit ng mga online shoppers, hindi agad napapansin ng ilan na malaki na pala ang nagagastos nila.
Ikaw, sa tingin, isa ka bang ADIK SA ONLINE SHOPPING? Sagutan ang quiz na ito para malaman:
Ano’ng naging resulta mo sa quiz? Adik ka na nga ba o hindi pa? Share your results with us or i-share ang page na ito sa kilala mong adik din sa pagbili online. Huwag din kalimutang basahin ang theAsianparent para sa informative parenting articles tulad ng mga nakalista below.
Basahin:
10 Simple hacks to protect yourself when shopping online
Shopping online? Protect yourself with these simple tips!
Source:
https://www.psychologytoday.com/us/blog/urban-survival/201511/10-signs-you-re-addicted-online-shopping
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!