LOOK: Rachel Peters and Migz Villafuerte, ipinakilala ang kanilang baby

Ibinahagi ng beauty queen na si Rachel Peters at kaniyang partner na si Migz Villafuerte ang larawan ng kanilang baby. Tignan ang cute picture niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at asawa nitong si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte masayang ibinahagi ang pagdating ng kanilang first baby.

Mababasa artikulong ito:

  • 1st baby nina Rachel Peters at Migz Villafuerte

1st baby nina Rachel Peters at Migz Villafuerte

Nitong nakaraang October 13, Miyerkules, ay nagsilang si Rachel Peters ng isang napakacute na baby girl. Agad niyang ibinahagi ang picture ng kaniyang baby sa kaniyang IG story na my caption na, “We’re home”.

Nang mismong araw ding iyon ay nag-post si Migz Villafuerte sa Instagram account nito ng picture ng kanilang baby.

Damang-dama ang galak at pasasalamat ni Governor Migz sa caption nitong, “I’m so in love with you. To God be all the glory,” sa nasabing post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baby nina Rachel Peters at Migz Villafuerte

Matatandaang nitong taon din ay inanunsiyo ng dalawang magkasintahan sa vlog ni Rachel na sila ay magkakababy na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Video mula sa Youtube chanel ni Rachel Peters

“There is nothing that I wanted more in this world than to become a mother.” pahayag ni Rachel.

Nang malaman nilang sila ay magkakaanak na, agad nila itong ibinahagi sa kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Kitang-kita sa video na excited at masaya ang lahat nang malaman ang balita.

Ayon kay Rachel Peters at Migz Villafuerte hindi umano naging madali ang kanilang journey sa pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kinakailangang dumaan ni Rachel sa iba’t ibang blood test, check-ups at treatment upang mabalanse ang kanyang hormones na kinakailangan upang mabuntis. Pagbabahagi niya,

“It was all worth it though, because about a year later, we got the best news ever.”

Isa pa sa mga pagsubok na pinagdaanan ni Rachel Peters at Migz Villafuerte ay nang kinailangang umalis ni Migz upang asikasuhin ang trabaho nito.

Dagdag pa ni Rachel, naging bestfriend pa umano ni Migz ang Google dahil kaliwa’t kanan ang pagse-search nito ng “Is it safe to?”

“Now I’m not gonna lie and say it’s been all flowers and sunshines,” aminado si Rachelle na hindi naging madali ang kaniyang pagbubuntis.

Ayon kay Rachel ang pagbabago sa kaniyang hormones, sa kaniyang katawan at lifestyle ay ilan sa mga nakaapekto sa kaniya.

“Lots of tears were shed through out my first trimester,” wika pa niya.

Habang binabalikan niya ang kaniyang journey ay hindi nila umano maiwasang magpasalamat at maging grateful sa kanilang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We are incredibly grateful for this blessing that’s come at such a crazy time in the world and we’re so excited to see what the future has in store for us,” dagdag pa ni Rachel.

Rachel peters at Migz Villafuerte. | Larawan mula sa Instagram account ni Rachel Peters

Na-engaged ang dalawa nitong nakaraang taon, November 2019.

Si Rachel Peters at Migz Villafuerte ay nasa ikapitong taon na ng kanilang relasyon. Ipinagdiwang nila ang kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng isang kasal. July 16, 2021, Biyernes, nang sila ay ikasal sa Supreme Court of the Philippines.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Caption ni Migz sa kaniyang Instagram post, araw matapos ang kanilang civil wedding, 

“Mr & Mrs V. Thank you to Chief Justice Gesmundo and Justice Gaerlan for the honor of Marrying us. I love you so much @rachelpetersx! You are my dream woman. I cant wait to marry you again next year with all our family, friends and most especially our little one coming soon.”

Mga bagay na dapat gawin ni mommy ilang araw bago siya manganak.

1. Ihanda lahat ng gamit ni baby

Bago dumating si baby, siguraduhing nakahanda na lahat ng bagay na kaniyang gagamitin. Dapat, lahat ng baby gear ay nai-test na rin. Ipinapayo na maghanda ng isang bag kung saan nakalagay ang lahat ng pangunahing pangangailan ni baby matapos siyang ipanganak. Ang bag na ito ay ilagay sa sasakyan, o di kaya naman sa lugar na madaling damputin, once na manganganak na si mommy.

2. Makabubuti kung maghahanda na ng mga lutong pagkain at ilagay sa freezer

Sa ganitong paraan mababawasan ang hassle. Maiiwasan din ang pagdepende sa mga pagkain na nabibili sa labas at hindi ganoon kahealthy. Kung kayo mismo ang magpeprepare ng inyong meal ay masisigurong malinis din ito.

3. Siguraduhing nakapagresearch at ready ka na sa pagdating ni baby

Ang pagiging maaalam sa mga bagay tungkol sa pag-aalaga ng baby ay importante. Makakatulong kung ikaw mismo ay magsearch ng mga mahahalagang impormasyon tungkol dito. Paalala, siguraduhin na ang source ninyo ay reliable at hindi fake news, para na rin sa kailigtasan ng inyong baby.

4. Magkaroon ng “Me Time”

Once na dumating na si baby ay matutuon na ang inyong buong atensiyon sa kaniya. Kaya naman ipinapayo na magkaroon ng time para magrelax bago dumating ang inyong little angel. Kapag dumating na si baby ay maaari mong mamiss ang iyong alone time, pero dahil nga ikaw ay may baby na, mahirap ng gawin ito. Kaya bago pa man manganak sulitin na ang “Me Time” sa maayos at responsableng paraan.

5. Maging handa sa Pagpunta sa Ospital o Bahay Panganakan

Makabubuti kung maaaga pa lang ay alamin na ang mabilis na ruta papuntang ospital o lugar kung saan ka manganganak. Siguraduhin din na may consistent na komunikasyon sa iyong Doctor upang malaman ang mga bagay na dapat mong gawin.

Tandaan, lamang ang may alam. Importante ang pagiging handa at maagap. Dahil hindi lang ito tungkol sa buhay niyo mga mister at misis, tungkol na rin ito sa buhay ng inyong munting supling.

Source:

Kernodle Clinic, Instagram 

Sinulat ni

Joyce Ann Vitug