Rainbow baby na may pinakamatingkad na kulay kung maituturing si baby Bobi William Bickel. Isinilang siya ng kaniyang ina na dumaan sa sampung miscarriages.
Hindi pa nga huli ang lahat para sa isang babaeng hindi nawalan ng pag-asang magkaanak.
Bagamat nakunan ng sampung beses ay hindi sumuko si Jen Bickel, 40, ng bansang Wales sa posibilidad na magkakaanak rin sila ng kaniyang asawang si Andrew Bickel.
At sa wakas, matapos ang sampung miscarriages ay nakabuo rin si Jen ng isang supling na matagal niya ng hinihintay.
Rainbow baby story
Unang nagdalang-tao si Jen Bickel noong 2007.
Sa edad na 29 ay nakunan agad siya sa kaniyang pang-anim na linggong pagbubuntis.
Nasundan ito matapos ng isa’t kalahating taon na nalaglag rin sa loob ng 11 weeks na pagbubuntis.
Naging malungkot para kay Jen at asawang si Andrew ang magkasunod na miscarriage lalo pa’t ang mga kaibigan nila ay mayroong mga anak na.
Ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Jen at asawa niyang si Andrew na makakabuo muli sila.
Sa hindi na namang inaasahang pagkakataon ay nabuntis ulit si Jen noong 2009. Ngunit agad na nakitaang walang heartbeat ang kaniyang dinadala.
Dahil sa kagustuhang magkaanak ay sinubukan rin ng mag-asawa ang IVF o in vitro fertilization noong 2010.
Ang first round ng kanilang attempt ay hindi naging successful.
Sinubukan muli nila pagkatapos ng ilang buwan.
Bagamat nakakuha ng positive pregnancy result ay nakitaan na naman na walang heartbeat ang fetus na kaniyang dinadala.
Noong 2014 ay sinubukan ulit ng mag-asawa na magpaimplant ng dalawang embryos sa sinapupunan ni Jen para makasigurado.
Ilang buwan matapos ang implant, nakaramdam ng sobrang pananakit si Jen sa gilid na bahagi ng kaniyang tiyan.
Ito ay sintomas na pala ng ectopic pregnancy.
Dahil sa magkakasunod na hindi matagumpay na attempt at gastos, nagdesisyon ang mag-asawa na itigil na ang pagsubok na magkaanak sa pamamagitan ng in vitro fertilization.
Pero isang magandang pagkakataon ang kumatok sa pinto ng mag-asawa.
Naiboto sila na pinakadeserving couple na mabigyan ng free round ng IVF treatment ng clinic na una ng nagsagawa sa kanila ng procedure.
Sinubukan muli niyang magpaimplant ng dalawang embryo sa kaniyang sinapupunan. Nagpafreeze rin sila ng tatlo pa. Pero ang procedure ay nagfail na naman.
Nakaranas muli ng ectopic pregnancy si Jen na naging dahilan naman upang tuluyan ng tanggalin ang fallopian tubes niya.
Sa puntong iyon ay tuluyan ng nawala ang pag-asa ni Jen na magkakaanak pa siya sa natural na paraan.
Sa loob ng sampung taon ay nabuntis at nakunan si Jen ng sampung beses. Anim rito ay sa natural na paraan at apat sa pamamagitan ng IVF.
Pero hindi sila nawalan ng pag-asawa ng kaniyang asawa.
Ang tanging pag-asa nga nilang natitira ay ang embryos na pinafreeze nila.
Matapos ang ilang buwang paghihintay na maging healthy at ready ulit ang lining ng sinapupunan ni Jen ay sinubukan muli nila ang procedure.
Nagpaimplant siya ng isang embryo sa kaniyang sinapupunan na paglipas ng dalawang linggo ay nagbigay sa kanila ng positive pregnancy result.
Ngunit dahil sa ilang beses na miscarriage na pinagdaanan hindi na masyadong umasa pa si Jen at asawang si Andrew.
Ang kinaibahan lang sa pagkakataong iyon ay may tiny heartbeat silang narinig mula sa kaniyang dinadala.
Mula roon ay nagpagtuloy ang kaniyang pagbubuntis.
Nakaranas siya ng morning sickness at kinalaunan ay nalaman nilang isang baby boy ang kaniyang dinadala.
Kwento ni Jen, napakasaya ng kaniyang asawang si Andrew sa naging development ng kaniyang pagbubuntis. Pero tumanggi daw itong bilhan ng mga gamit ang kanilang baby hangga’t hindi pa nalalapit ang kaniyang due date.
At nito nga lang February 9 ay isinilang ni Jen ang kanilang rainbow baby na si Bobi William Bickel sa pamamagitan ng caesarian section delivery.
Siya ay may timbang na 6lb 8oz.
Hindi nga maipaliwanag ni Jen at Andrew ang saya sa pagdating ng kanilang rainbow baby.
Para sa kanila ang kanilang rainbow baby ay hindi lang isang milagro. Isa rin itong katuparan sa pangarap na matagal na nilang hinihintay na makamit.
Source:
DailyMail UK
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!