Ano ang rainbow baby?

Siguro ay narinig niyo na ang katagang "rainbow baby," pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito, at bakit sila espesyal na mga bata?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ating alamin kung ano ang rainbow baby.

Napakasakit para sa kahit sinong magulang ang mamatayan ng anak. Lalong-lalo na kung ito ay dahil sa miscarriage o pagkalaglag, stillbirth, o kaya namatay ang bata matapos ipanganak.

Hindi madali para sa kanila ang kalimutan ang sakit na naranasan sa pagkamatay ng anak. Ngunit nakakatulong dito ang pagkakaroon ng tinatawag na rainbow baby.

Ano ba ang mga rainbow baby?

Mahalaga ang mga rainbow baby dahil sila ay simbolo ng pag-asa para sa mga magulang na nawalan ng anak.

Ang rainbow baby ay isang sanggol na ipinanganak matapos mawalan ng anak ang isang magulang. Kaya sila tinawag na rainbow ay dahil isa itong napakagandang pangyayari matapos ang isang malungkot at madilim na bahagi ng kanilang mga buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinasalamin ng rainbow o bahaghari ang tuwa at ligaya na nararanasan ng mga magulang na namatayan ng anak, na muling nabiyayaan ng sanggol.

Ang rainbow ay ginagamit upang maging simbolo ng pag-asa sa mga magulang. Nagsisimbolo rin ito ng paghilom para sa mga namatayan ng kanilang anak.

Para sa magulang ng mga rainbow babies, napakasayang malaman na kahit nawalan sila ng anak, mayroong biyayang ipinagkaloob sa kanila. Kaya’t madalas nakakakita tayo ng mga post sa social media tungkol sa mga ganitong sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang dapat malaman ng mga magulang?

Hindi palaging madali ang pagtanggap ng mga magulang sa mga rainbow babies. Minsan ay may kahalo itong takot o pangamba, dahil nag-aalala silang baka may mangyari sa sunod nilang anak.

Minsan naman, nagiging sanhi ito ng guilt. Ito ay dahil nararamdaman ng ibang magulang na hindi sila karapat-dapat, o kaya ay hindi sila dapat matuwa, lalo na kung kakamatay lang ng isa nilang anak.

Ang mahalaga ay matutunang harapin ang pagkamatay ng kanilang anak. Hindi ito madali, at minsan habangbuhay itong dinadala ng mga magulang. Pero hindi naman ito dahilan upang ipagkait ang kaligayahan para sa kanilang mga sarili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalaga ring makakuha ng suporta mula sa mga kaibigan, kamag-anak, at sa iyong asawa sa ganitong panahon. Nakakatulong ang suporta nila upang mas mapadali ang proseso ng pagluluksa, at ang pagtanggap ng pagkamatay ng iyong anak.

Laging tandaan na habang may buhay, mayroong pag-asa. At ang mga rainbow babies ang simbolo ng pag-asang ito.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: Healthline

Basahin: Patrick and Nikka Garcia welcome their rainbow baby, Francisca Pia

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara