Napaka-wholesome at nakakakilig ang Instagram post ni Rambo Nunez tungkol sa kaniyang wife na si Maja Salvador at daughter na si baby Maria.
Mababasa sa artikulong ito:
- Husband ni Maja Salvador nagdiwang ng kaarawan sa Canada
- Maja “grateful” sa asawang si Rambo Nuñez
Asawa ni Maja Salvador nagdiwang ng birthday sa Canada
Heartwarming ang ibinahaging mga larawan ni Rambo Nuñez sa Instagram. Sa nasabing social media post, makikita ang pictures ng birthday trip ni Rambo Nuñez kasama ang kaniyang wife na si Maja at daughter na si Maria.
Ipinagdiwang ng mga ito ang kaarawan ni Rambo sa Fairmont Chateau Lake Louise sa Canada.
Larawan mula sa Instagram ni Maja Salvador
Kalakip ng nasabing IG post ang maikli pero puno ng emosyon na caption ni Rambo Nunez.
Aniya, si Maja at ang kanilang baby na si Maria ang best gifts na mayroon siya.
“Celebrating my birthday with the best gifts I am blessed with every day. Maja and Maria,” aniya.
Larawan mula sa Instagram ni Maja Salvador
Maja “grateful” na si Rambo Nunez ang tatay ni Maria
Samantala, hindi naman pinalampas ni Maja ang celebration at binati rin sa Instagram ang kaniyang hubby.
Simpleng, “Happy Birthday Dada” ang caption ng kaniyang post kalakip ng masaya nilang mga larawan.
Ipinahayag din ni Maja ang kaniyang gratefulness na si Rambo Nunez ang kaniyang asawa at tatay ng anak na si Maria.
Aniya, masaya siya sa buhay na binubuo nilang mag-asawa kasama ang kanilang baby. Ipinahayag din nito na labis ang pagmamahal niya sa kaniyang hubby.
Larawan mula sa Instagram ni Maja Salvador
“Words cannot express how grateful I am to have you as my husband and as the dada to Maria. I love the life we’re building together My love! We love you so much.”
Matatandaang dalawang beses na ikinasal sina Maja at Rambo noong 2023. Una ay ginanap sa isang private ceremony sa Pilipinas habang ang ikalawa naman ay ginanap sa Bali, Indonesia. Mayo 2024 naman nang isilang ang anak nilang si Maria.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!