Bilang ina ng dalawang batang babae, palagi akong nag-aalala para sa kapakanan ng mga anak ko. Pilit ko man silang protektahan sa mga nangyayari sa paligid, wala akong kontrol sa mga nangyayari sa labas ng aming tahanan. Lalong-lalo na sa impluwensiya sa kanila ng kanilang mga kaibigan.
Tulad na lamang ng kwento ng isang ina sa Malaysia kung saan niyaya daw ang kaniyang anak na lalake na maglaro ng rogol-rogol, o ‘rape game’ ng kaniyang mga kaklase.
Ayon sa bata, inimbitahan daw siya ng kaniyang kaklase na samahan siya sa banyo at maglaro ng rogol-rogol. Kahit sinong magulang siguro ay kikilabutan kapag narinig ito manggaling sa kaniyang anak!
Buti na lang, walang masamang nangyari sa bata, pero nakakatakot pa rin ang nangyari dahil mapilit daw ang kaniyang kaklase.
Ano ang naging usapan ng mag-ina?
Anak: Dinala po niya ako sa likod, kung nasaan ang CR ng mga babae. Sinabi niya na laruin daw namin ang rape game.
Ina: Rape game? ano ang ibig sabihin mo?
Anak: Hinila niya po ako at sinabing samahan ko daw siya. Sabi niya iihi lang daw siya. Sabi ko po gusto ko lang maghilamos, pero pinipilit niya akong sundan siya.
Ina: Ano ang nangyari pagkatapos?
Anak: Sabi ko po sa kaniya na tumigil siya. Sabi ko sa kaniya na isusumbong ko siya sa iyo.
Ina: May iba pa bang gumawa nito? Ginawa ba niya ito sa ibang bata?
Anak: Ako lang po ang kinausap niya. Pero may kaibigan ako na ang pangalan ay A. Inimbitahan niya po ang iba naming kaklase na maglaro ng rape. Sinabi niya sa isang batang lalake na humiga, tapos may isa pang bata. Ni-“rape” niya silang dalawa. Parehas ko po silang kaklase.
Ina: Bukas kakausapin ko ang teacher mo.
Son: Hindi na po yun kailangan! Kinausap ko na si techer, pero wala siyang ginawa. Sinabi ko din po kay Teacher E. Sinabi ko kay Teacher M, Teacher N at kay Teacher F. Pinagsabihan po siya ni Teacher F nung isang araw. Please, mommy, pumunta ka sa school at pagsabihan ang kaklase ko.
Ina: Sige, pupuntahan ko siya bukas.
Huwag pumayag na magkaroon ng sexual harassment sa paaralan!
Ano na ang nangyari sa ating mga kabataan? Kailan pa naging laro ng mga bata ang rape?
Ang mga laro ng bata ay dapat habulan, taguan, atbp. Hindi laro ng mga bata ang rape game, at kahit kailan, hindi laro ang rape. Mahalaga na maging safe space ang mga paaralan.
Mabuti na lang at alam ng kaniyang anak ang mga boundaries pati na ang safe and unsafe touching. Siguro kung nangyari ito noong nakaraan, baka hindi ito napag-usapan at itinago lang.
Mabuti na mas nagiging aware ang mga guro at magulang pagdating sa mga ganitong bagay . Nakikita nila ang kahalagahan ng pagturo sa mga mag-aaral ng tungkol sa boundaries at sa sexual harassment. At hindi lang ito nangyayari sa mga batang babae, ngunit pati na rin sa mga lalake.
Kung hindi alam ng mga bata kung paano protektahan ang sarili nila, mas madali silang mabibiktima ng mga masasamang loob.
Hindi rin ito dapat ipagwalang-bahala ng mga guro dahil lamang mahirap ito pag-usapan. Kailangang maintindihan ng mg magulang pati ng mga guro ang epekto ng peer pressure sa isang bata.
Importanteng agad-agad na maagapan ang mga ganitong kaso. Dahil kapag agad itong naagapan, mas maagang maibibigay ang treatment at counseling na kailangan ng mga biktima nito.
Mabuti rin na hindi nahiya o natakt magkwento ang bata sa kaniyang ina. Ibig sabihin nito, maayos at bukas ang komunikasyon ng magulang sa kaniyang anak.
Source: World of Buzz
Lead and feature image credit: Wiki Commons, Facebook
Ang article na ito ay isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
https://sg.theasianparent.com/rogol-in-school
Basahin: 7-year-old girl “gang-raped” on Roblox highlights need for increased parental scrutiny
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!