Nathan was only 10 years old.
Excited na siya pumasok ng Grade 4. Kumpleto na school supplies, ready na sana ang lahat. “Yung tuli na lang,” sabi ng nanay niyang si Marjorie San Agustin. One last summer rite bago mag-back-to-school.
Pero hindi na siya umuwi ng buhay.
“Handa na gamit niya, papasok na lang. ‘Yung tuli lang. Tapos hindi ko na siya nauwi nang buhay.”
Marjorie couldn’t believe it either. It was supposed to be quick. Normal. Routine.
Pero sa loob ng ilang oras matapos ang tuli sa isang clinic sa Tondo, lumala ang lagay ni Nathan hanggang sa isugod siya sa ospital—kung saan siya ay dineklarang dead on arrival.
Ang clinic? Hindi lisensyado.
At ang “doktor”? Hindi rin totoong doktor.
Ayon sa GMA News, ang gumawa ng procedure ay isang midwife na wala nang lisensya at dati na palang nahuli noong 2023 sa parehong kaso—paggamit ng lisensya ng ibang medical professional.
Nang tinurukan daw si Nathan ng halos 20cc ng anesthesia, nagsimulang manginig ang bata. Pero sinabihan lang si Marjorie na “normal lang ’yan.”
Unfortunately, it wasn’t.
“Hindi porke mura, safe.”
Ito ang mensahe ni Dr. Alvin Francisco (@docalvinfrancisco), isang lisensyadong doktor na nagbigay ng paalala sa kanyang TikTok video:
“Walang sinuman—kahit lisensyadong doktor—ang basta-bastang magbibigay ng gano’ng karaming anesthesia sa isang bata nang walang tamang monitoring.”
Pinunto rin niya na maraming parents ang pumipili ng convenience or mura, pero hindi lahat ng clinics ay ligtas—lalo na kung walang lisensyado o professional sa paligid.
📹 Watch Dr. Alvin’s full video
Para sa mga magulang: paano natin ito maiiwasan?
Hindi ito simpleng “tuli gone wrong.” Ito ay isang paalala para sa ating lahat na walang shortcut sa kaligtasan ng anak.
Narito ang ilang bagay na dapat nating bantayan bago magpatuli ang anak:
✔️ Check kung lisensyado ang gumagawa.
May PRC ID ba? Nasa clinic ba ang mga certificate? ‘Wag mahiya magtanong. Buhay ng anak mo ang nakataya.
✔️ Pumili ng tamang pasilidad.
Barangay health centers, public hospitals, or accredited medical missions are much safer than random walk-in “clinics.”
✔️ Bantayan ang anak after the procedure.
Magtanong tungkol sa dosage ng anesthesia, kung may allergy history, at kung ano ang mga early signs ng complications.
✔️ Huwag matakot umatras.
Kapag may kutob ka, may napansing red flag, or something just feels off—go with your gut. Better na ma-resched kesa magsisi.
A final word from a mother in mourning:
“Kung alam ko lang… sana hindi ko na siya dinala doon. Sana ako na lang.”
Ang kwento ni Nathan ay hindi lang tungkol sa isang batang naulila ng biglaan.
Ito ay paalala sa ating lahat na magulang, na sa bawat desisyon—lalo na pagdating sa kalusugan ng anak—dapat doble ang pag-iingat.
Let’s protect our children.
Let’s ask the hard questions.
And let’s make sure no other family has to go through what Nathan’s did.
📲 Basahin pa ang tips at paalala sa parenting hub ng theAsianparent Philippines.
🔗 Link in bio.