Recommended English books 3-5 year old: Narito ang mga English books na siguradong magugustuhan at kapupulutan ng aral at kaalaman ng iyong anak.
Recommended English books 3-5 year old
Ang mga batang edad 3-5 years old o mga preschoolers ay mahilig makinig o magbasa ng mga kwento. Lalo na kung ito ay nagpapakita ng mga pamilyar na bagay o karanasan sa kanilang edad.
Ito ang edad ng mga bata na kung saan kahit ilang ulit na nilang narinig ang isang kuwento o libro ay gusto parin nilang ulit-ulitin ito. Dahil ito sa excitement na kanilang nararamdaman sa tuwing nahuhulaan nila ang magiging ending ng kwento sa libro. Pati na ang mga makukulay at artistic na illustrations nito.
Para nga sa enjoyment, knowledge at added English vocabulary ng iyong anak ay narito ang mga English books na perfect sa kanilang edad. Maliban sa magugustuhan nila ito ay siguradong may mapupulot rin sila ditong aral at dagdag kaalaman.
1. The Very Hungry Caterpillar by Eric Carle
Available in Shopee
Ang librong ito ay tungkol sa buhay ng isang caterpillar mula ng siya ay isang itlog palang hanggang sa maging ganap ng paru-paro. Magugustuhan ito ng mga bata dahil sa makukulay na illustration nito.
Sa librong ito ay matutunan rin nila ang mga araw sa loob ng isang linggo. Pati na kung paano magbilang at kung paano nag-dedevelop ang isang paru-paro.
2. Welcome to our World by Moira Butterfiled and Harriet Lynas
Ang libro ito ay tungkol naman sa buhay ng mga bata sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ipinapakita rito ang kanilang mga kinakain, kasuotan, nilalaro pati na ang linggwahe na kanilang ginagamit sa pagsasalita. Maliban sa wikang Ingles ay matututo rin ang isang bata na sabihin ang “My name is” sa iba’t-ibang wika o salita sa librong ito.
3. Harold and the Purple Crayon by Crockett Johnson
Available in Shopee
Ang librong ito ay tungkol sa mga adventures ng 4-year-old boy na si Harold. Gamit ang kaniyang purple crayon ay ginagawang totoo ni Harold ang kaniyang naiisip o imagination. Sa pagbabasa ng librong ito ay mas mahahasa ang imagination at creativity ng isang bata.
4. Llama Llama Red Pajama by Anna Dewdney
Available in Shopee
Ang librong ito ay tungkol sa isang llama na hindi makatulog sa gabi ng hindi katabi ang kaniyang ina. Sa kwento ay makikita ng isang bata ang dahilan kung bakit saglit na nawala sa tabi niya ang kaniyang ina. Dahil minsan ay may kailangan rin siyang gawin o kaya naman ay magpahinga.
Maliban sa aral na makukuha sa kuwento ay matututo rin ng iba pang salitang Ingles ang isang bata mula sa libro. Dahil may mga salita rito ang sadyang hinighlight upang maging dagdag sa kanilang bokabularyo.
5. All by Myself (Little Critter) by Mercer Mayer
Available in Galleon.ph
Ang librong ito ay tungkol sa mga adventures ng isang little critter. Sa kwento ay siguradong makakarelate ang mga preschoolers. Dahil ipinapakita ng bida sa kwento ang ilan sa mga activity na gustong gawin ng mga bata na hindi na kinakailangan ang tulong ng kanilang mga magulang. Tulad ng pagbibihis ng kanilang damit at pasisintas ng kanilang sapatos.
6. Ada Twist, Scientist by Andrea Beaty with David Roberts
Available in Shopee
Ang kuwentong ito ay tungkol sa smart young girl na si Ada. Sa libro ay ipinakita niya kung paano niya hinahanap ang sagot at katotohanan sa mga tanong niya. Ito ay sa pamamagitan ng kaniyang mga hair-brained experiments na nagpapakita rin na walang hindi kayang gawin ang mga babae.
7. What is Poo? By Katie Daynes with Marta Alvarez Miguens
Sa librong ito ay masasagot ang tanong ng mga bata tungkol sa kaniyang poo. Dito ay matututo rin siya at mai-encourage na isagawa ng maayos ang kaniyang potty training.
8. The Story of Ferdinand by Munro Leaf, illustrated by Robert Lawson
Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang bull na si Ferdinand. Hindi tulad ng ibang bull, si Ferdinand ay mahilig umamoy ng mga bulaklak. Dahilan upang umiwas siya sa karahasan at pakikipaglaban. Sa librong ito ay matutunan ng isang bata ang kahalagahan ng pangangalaga sa kaniyang kapaligiran. Pati na ang halaga ng pakikipagkaibigan at pagtutulungan.
9. The Little Engine That Could: 90th Anniversary Edition by Watty Piper, illustrated by Dan Santat
Ang librong ito ay tungkol sa kabaitan at determinasyon ng isang little blue engine. Kahit na siya ay maliit ipinakita ng bida sa kuwento na hindi impossibleng gumawa siya ng mga bagay na maaring magpasaya o magbago ng buhay ng isang tao.
10. Rhyme Crime by Jon Burgerman
Ang librong ito ay tungkol sa isang magnanakaw na kung saan ang bawat ninananakaw niya ay napapalitan ng rhyme. Sa pagbabasa ng librong ito ay mas marami pang salitang Ingles na matutunan ang isang bata. Habang nag-ienjoy sa mga rhyme at wordplay na maririnig niya.
11. Richard Scarry’s Best Word Book Ever by Richard Scarry
Available in Galleon.ph
Ang librong ito ay siguradong magbibigay ng dagdag na kaalaman sa mga bata. Dahil ang bawat character, bagay o lugar sa libro ay may pangalan o label upang malaman ng mga bata ang tawag sa mga ito. Maliban sa mga bagong salita na kanilang matutunan ay mai-enjoy rin ng mga bata ang makukulay na illustrations sa libro.
12. The Wonderful Things You Will Be by Emily Winfield Martin
Available in Shopee
Sa makulay at simpleng paraan ay ipinapakita sa librong ito kung gaano kamahal ng isang magulang ang kaniyang anak. Pati na kung ano ang future na maaring harapin ng isang bata sa kaniyang paglaki sa pamamagitan ng tulong at gabay ng kaniyang mga magulang.
Ilan lamang ito sa mga recommended English books para sa 3-5 year old na bata. Marami pang libro ang maaring kapulutan pa nila ng kaalaman na makakatulong sa kanilang overall development.
Source:
The Independent UK, Read Brightly, Good Reads
Basahin:
Teach your kids to love books at a young age