10 magandang regalo para sa 4-taong gulang, ayon sa mga eksperto

May mga laruan na magandang regalo para sa bata na apat na taong gulang na maari nilang laruin habang natututo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagbibigay ng magandang regalo para sa bata ngayong pasko ay dapat isang bagay na nakatutulong sa kanilang paglaki at overall development.

Ayon sa mga eksperto ang mga susunod na taon matapos ang ikatlong kaarawan ng isang bata ay itinututing na “the magic years.” Dahil ito ang mga taon kung saan natututo ng makinig at magsalita nang maayos ang isang bata. Dito rin mas nagiging malawak ang kanilang imahinasyon na kung saan natututo narin silang mag-kuwento, maglaro ng mag-isa at mas maging independent.

Ayon kay Tovah Klein, Director ng Bernard College Center for Toddler Development at author ng “How Toddlers Thrive”, ang ika-apat na taon ng bata ay ang mga panahon kung saan nagkakaroon na sila ng malinaw na kaisipan kung ano-ano ang mga gusto nilang gawin.

Ayon naman kay Marie Conti, head ng The Wetherill School sa Gladwyne, Pennsylvania at board member ng American Montessori Society, ito rin daw ang panahon kung kailan mas nakakaintindi na ng mga salaysay ang isang bata. Ito rin ang mga edad kung saan nalalaman na nila ang pagkakaiba ng katotohanan sa isang kuwento lamang na bunga ng mas aktibo at mas maraming oras sa paglalaro.

Kaya ngayong papalapit na pasko, narito ang mga regalo para sa bata na apat na taong gulang na maari nilang magamit upang matuto habang naglalaro.

Regalo para sa bata na apat na taong gulang

1. Bricks

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para mas ma-practice ang kaniyang imagination at mas lumawak ito, makakatulong ang paglalaro ng mga creative bricks, katulad ng Lego. Ang paglalaro at pagbuo ng mga bagay mula sa creative brix box ay makakatulong rin sa development ng kaniyang language skills, engineering skills pati ng kaniyang motor skills at hand-eye coordination.

2. Funny books o story books

Ang mga story books ay makakatulong sa pagpapalawak ng imahinasyon ng isang bata. Sa pamamagitan rin ng mga salaysay o mga kwento mula rito natuto ang isang bata na alamin ang pagkakaiba ng totoo sa kathang-isip lamang. Ang pakikinig naman sa isang nagkwekwento ay malaki rin ang maiaambag sa development ng kaniyang social at communication skills.

3. Bingo game set

Taliwas sa inaakala ng iba, ang paglalaro ng bingo ay makatutulong sa development ng isang bata at hindi para turuan silang magsugal. Isa itong masaya at magandang paraan para matuto ang isang bata na sumunod sa mga patakaran habang unti-unting nakikilala ang mga titik at letra. Isa rin itong mahusay na paraan para mahasa ang concentration ng isang bata at talas ng kaniyang pag-iisip.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Building Construction Set

Ang paglalaro ng mga construction set ay malaki naman ang maitutulong sa physical skills ng isang bata. Maliban dito nahahasa rin nito ang kanilang problem solving skills at natututo kung paano mag-plano para sa mas magandang resulta ng kanilang binubuo. Makakabuti rin na laruin ang mga construction set kasama ang ibang bata na isang magandang paraan naman para matuto sila sa konsepto ng teamwork.

5. Barbie Dolls

Ang paglalaro at pagbibihis naman sa isang Barbie doll ay nagpapakita ng self-expression ng isang bata. Sa pamamagitan ng mga dolls na ito ay nailalabas ng isang bata ang kaniyang nasa isip na makakatulong rin sa kaniyang story-telling o narrating skills. Habang nilalaro naman ang Barbie doll, nahahasa rin ang creativity ng isang bata para bumuo ng mga reaslistic scenarios na nakakatulong naman sa kaniyang communication at problem solving skills.

6. Jumping rope

Maliban sa ito ay isang magandang paraan ng pag-e-exercise ng katawan, ang paglalaro ng jumping rope rin ay maraming benepisyong maibibigay sa development ng isang bata. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagtalon ay tumutulong sa development ng left at right hemisphere ng ating utak na tumutulong sa improvement ng awareness, reading skills at nagpapatalas rin ng memory.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

7. Bug Jars o Insect Boxes

Para naman makilala ang mga insekto sa paligid nila, ang mga bug jars o insect boxes ay magandang regalo para sa bata na apat na taong gulang. Maliban sa nakakatulong ito para mas mahasa pa ang kanilang visual discrimination at sorting skills, magandang paraan rin ito para matukoy ng isang bata ang mga bagay sa paligid niya araw-araw habang naglalaro.

8. Fire truck

Ang paglalaro naman ng fire truck toy ay makakatulong para mapanatiling active at gumagalaw ang isang bata na magandang form rin ng exercise. Nadedevelop din ang kanilang self-confidence at independence habang nilalaro ito. Ang pag-iimagine naman na sila rin ay tumutulong sa ibang tao habang nilalaro ang fire truck ay magandang paraan rin para mahasa ang kanilang social at problem solving skills pati na ang ideya ng empathy.

9. Balance Bike

Maliban sa pag-aaral kung paano mag-balanse, ang mga balance bikes rin ay tumutulong para mahasa ang isip ng isang bata tungkol sa mga direksyon. Ang paglalaro rin nito ay nagtuturo sa kanila kung paano maging independent sa pamamagitan ng pagtitiwala sa kanilang sarili.

10. Role Play Costumes

Ang pagsusuot naman ng role play costumes ay isang paraan para i-express ng isang bata ang pagkakakilala niya sa isang character na magandang palatandaan ng kaniyang thinking at imitation skills. Sa pamamagitan rin nito ay mas lumilinaw sa kaniya ang ideya ng empathy o pagmamalasakit sa iba na maganda para sa kaniyang emotional development. Isa din itong mahusay at masayang paraan para mas dumami ang kaniyang vocabulary na makakatulong sa kaniyang communication skills.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami pang regalo para sa bata ang makakatulong rin sa kanilang development habang lumalaki. Ngunit tandaan na kailangan parin nila ang gabay ng mas nakatatanda para lubusang maintindihan ang mga bagay-bagay sa paligid at sa mundong kanilang ginagalawan.

 

Sources: Today, Bingo Streak, Childhood 101, Frog Bikes, Bella Luna Toys

Photo: Pexels

Basahin: Magandang regalo para sa 3-anyos, ayon sa mga eksperto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement