Pagdating sa pagbigay ng regalo para sa 2-taong gulang na bata, maraming bagay ang dapat isaalang-alang.
Una, kailangan itong maging exciting na laruan para sa bata. Dapat mapukaw nito ang kaniyang imahinasyon, upang palagi niya itong gamitin o paglaruan.
Pangalawa, kailangang nakakatulong ito sa development at paglaki ng iyong anak. Kumbaga, dapat natututo sila habang naglalaro.
Pangatlo, mahalagang safe sa kanila ang laruan, at hindi sila masasaktan, o kaya ay safe ang materials na ginamit. Ang 3 bagay na ito ay mga katangiang dapat taglay ng regalo na ibibigay mo sa iyong 2-taong gulang na anak.
Ano ang magandang regalo para sa 2-taong gulang na bata?
Inirerekomenda ng mga eksperto ang mga regalong ito:
1. Storybooks
Ang mga storybooks ay nakakatulong hindi lang para matuto ng mga salita ang iyong anak, ngunit pati na rin mapukaw ang kanilang imahinasyon.
2. Mga laruan na puwedeng hilahin
Sa edad na ito, siguradong gusto ng anak mo na maging active. Kaya’t magandang bigyan siya ng mga laruan na puwede niyang hilahin, itulak, at itakb.
3. Building blocks
Ang mga building blocks ay safe sa mga bata, at nakakatulong para mapukaw ang kanilang imahinasyon.
4. Stuffed animals
Puwede mong gamitin ang mga stuffed animals upang ituro sa iyong anak ang tungkol sa iba’t-ibang mga hayop.
5. Mga laruan na may gulong
Ang mga bata talaga ay mahilig na maglaro ng mga kotse-kotsehan, at kung anu-ano pang mga laruan na may gulong.
6. Dollhouse
Alam niyo ba na hindi lang pambabae ang dollhouse? Ang mga dollhouse ay puwedeng-puwede ring paglaruan ng mga batang lalaki, lalo na kung naglalaro sila ng bahay-bahayan.
7. Mga pang-drawing
Magandang bilhan ang iyong anak ng crayon, o kaya mga magnetic drawing board upang maengganyo silang gumuhit na makakatulong sa brain development nila.
8. Clay
Nakakatulong ang paglalaro ng clay upang maging mas imaginative ang iyong anak. Bukod dito, nakakatulong din ito upang madevelop ang kanilang dexterity, o ang kanilang mga kamay.
Source: Today
Basahin: Magandang regalo para sa 3-anyos, ayon sa mga eksperto