Wala paring pamaskong regalo sa asawa mo? Iparamdam ang iyong pagmamahal sa kaniya sa pamamagitan ng mga gift tips at ideas na ito na siguradong ikakatuwa ng misis o mister mo kapag natanggap niya.
Image from pexels
Mga maaring ibigay na regalo sa asawa
1. Sunglasses
View this post on Instagram
A post shared by Sunnies Studios (@sunniesstudios) on
Hindi lamang nito naproproteksyonan ang mga mata mula sa masakit na sinag ng araw, isa rin ito sa kumukompleto ng porma o style ng isang tao mapa-babae man o lalaki. Marami ring design ng sunglasses na maaring pagpilian mula sa abot kaya hanggang sa mga designer brands na sulit naman dahil ito ay magagamit ng matagal at nagagawa nitong classy ang kahit na simpleng porma.
Sa pagpili ng tamang sunglasses para sa iyong asawa, kailangan mong isaalang-alang ang hugis ng kaniyang mukha. Isipin ang kamukha o kahugis ng mukha niya na isang artista para kahit hindi mo siya kasama mapipili mo ang sunglasses na swak sa kaniyang mukha na tutugma din sa kung paano siya pumorma.
2. Comfy loafers, slides o sandals
View this post on Instagram
Ayon sa mga professionals, ang mga loafers at sandals ang pinakakumportableng sapatos na puwedeng suotin buong araw. Kaya naman ang pagreregalo nito sa iyong asawa ay hindi lamang magpapakita ng pagmamahal sa kaniya ngunit magpaparamdam ng iyong pagaaruga kahit malayo kayo sa isa’t-isa basta ito ay suoy niya.
3. Smart watch
View this post on Instagram
A post shared by Fitbit Philippines (@fitbitph) on
Isa ring magandang regalo sa asawa ngayong pasko ay ang smartwatch. Hindi lang dahil compatible ito sa karamihang cellphones ngayon, nakakatulong rin ito para ma-remind at mapanatiling healthy ang iyong asawa. Dahil ito sa health tracking features na mayroon ang mga smartwatch tulad ng “heart rate tracker”, “calories burn” at “steps taken.” Ang mga smart features na ito ang magbabantay sa kaniyang kalusugan habang nasusunod o namamanage ng maayos ang kaniyang oras para sa mga dapat niyang gampanan.
4. Portable charger o power bank
Dahil lahat tayo ay nakadepende sa technology at madalas sa ating cellphone, ang pagreregalo sa asawa ng portable charger o power bank ay napakagandang ideya. Sa pamamagitan nito ay masisigurado nating hindi malolowbat si misis man o mister kahit siya ay on-the-go sa pagaasikaso sa mga kailangan sa bahay o kahit man sa trabaho.
5. Headphones
View this post on Instagram
A post shared by JBL Philippines Official (@jblph) on
Isang paraan ng pag-aaliw o pagpapalipas ng oras ang panonood ng movies o pakikinig ng music na pwede na ngayong gawin gamit ang cellphone. Kaya naman ang pagreregalo sa iyong asawa ng headphones ay magagamit niya kapag siya ay nagrerelax o nagpapalipas ng oras ng mag-isa.
6. Sneakers o Rubber Shoes
View this post on Instagram
A post shared by adidas Philippines (@adidasph) on
Maliban sa loafers, isang magandang sapatos din na puwedeng regalo sa asawa ay sneakers o rubber shoes. Magagamit nila ito sa paglalakad o pag-eexercise o sa kahit anong activity para mas maging healthy.
7. Pajama o pangtulog
Dahil sa malamig na panahon ngayon, ang pagreregalo ng pangtulog o pajama sa iyong asawa ay siguradong maapreciate niya. Lalo pa at maraming available designs nito na tutugma sa personality niya. May iba’t-ibang klase rin ng tela kung saan gawa ang pajama na pwedeng isuot kahit magbago na ang panahon.
8. Bag
Sa simpleng lakad man o trabaho, ang bag ay napakaimportante bilang ito ang lagayan ng mga gamit o essentials na dapat ay laging dala ng asawa mo. Marami ring klase ng bag na maaring mapagpilian na swak sa pangangailangan ng asawa mo. May mga handbag o tote bag para sa mga babae at may cross bag, belt bag o backpack naman para sa mga lalaki.
9. Perfume o pabango
View this post on Instagram
Isa ito sa pinaka-timeless na regalo sa asawa. Nagagamit ito sa mga importanteng events o kahit sa simpleng lakad o sa trabaho para mapanatiling mabango at fresh ang iyong asawa sa lahat ng oras.
10. Gadgets o gamit sa bahay
View this post on Instagram
Dahil nga sa epekto ng technology ngayon, napaka-importante na ng papel na ginagampan ng cellphone at iba pang gadgets sa buhay ng bawat isa sa atin. Kaya naman ang pagreregalo ng gadget sa iyong asawa lalo na kay Mister ay siguradong ikakatuwa niya na magsisilbing paraan niya ng pagrerelax kapag walang trabaho o nagpapalipas ng oras. Samantalang, kahit anong gamit sa bahay naman na magagamit ni Misis ay siguradong ipagpapasalamat niya sayo. Tulad na lamang ng bagong oven na magagamit niya sa pagluluto at paghahanda ng bagong putahe para sa inyo.
Ilan lamang iyan sa mga maaring ibigay na regalo sa asawa. Marami pang puwedeng ibigay sa kaniya na nakadepende sa pangangailangan niya o di kaya naman ay sa magpapasaya sa kaniya.
Pero ang pagreregalo sa asawa ay hindi lamang dapat sa materyal na bagay. Ang pinakamagandang regalong maibibigay ng isang asawa sa kaniyang kabiyak ay ang oras ng magpaparamdam sa kaniya ng iyong pagmamahal na hindi lamang dapat tuwing araw ng kapaskuhan kung hindi sa araw-araw na ikaw ay kaniyang minamahal at pinagsisibilhan.
Sources: Today, Bryden Opticians
Basahin: 20 na mga regalo na puwedeng ibigay sa iyong minamahal—na hindi materyal na bagay
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!