13 regalong magugustuhan ni misis ngayong Pasko

Narito ang ilan sa mga pwedeng ibigay na regalo sa asawa na siguradong magpaparamdam sa kaniya ng iyong pagmamahal at pagpapahalaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wala paring pamaskong regalo sa asawa mo? Iparamdam ang iyong pagmamahal sa kaniya sa pamamagitan ng mga gift tips at ideas na ito na siguradong ikakatuwa ng misis o mister mo kapag natanggap niya.

Image from pexels

Mga maaring ibigay na regalo sa asawa

1. Sunglasses

Hindi lamang nito naproproteksyonan ang mga mata mula sa masakit na sinag ng araw, isa rin ito sa kumukompleto ng porma o style ng isang tao mapa-babae man o lalaki. Marami ring design ng sunglasses na maaring pagpilian mula sa abot kaya hanggang sa mga designer brands na sulit naman dahil ito ay magagamit ng matagal at nagagawa nitong classy ang kahit na simpleng porma.

Sa pagpili ng tamang sunglasses para sa iyong asawa, kailangan mong isaalang-alang ang hugis ng kaniyang mukha. Isipin ang kamukha o kahugis ng mukha niya na isang artista para kahit hindi mo siya kasama mapipili mo ang sunglasses na swak sa kaniyang mukha na tutugma din sa kung paano siya pumorma.

2. Regalo sa asawa: Comfy loafers, slides o sandals

Ayon sa mga professionals, ang mga loafers at sandals ang pinakakumportableng sapatos na puwedeng suotin buong araw. Kaya naman ang pagreregalo nito sa iyong asawa ay hindi lamang magpapakita ng pagmamahal sa kaniya ngunit magpaparamdam ng iyong pagaaruga kahit malayo kayo sa isa’t-isa basta ito ay suot niya.

3. Regalo sa asawa: Smart watch

Isa ring magandang regalo sa asawa ngayong pasko ay ang smartwatch. Hindi lang dahil compatible ito sa karamihang cellphones ngayon, nakakatulong din ito para ma-remind at mapanatiling healthy ang iyong asawa. Dahil ito sa health tracking features na mayroon ang mga smartwatch tulad ng “heart rate tracker”, “calories burn” at “steps taken.” Ang mga smart features na ito ang magbabantay sa kaniyang kalusugan habang nasusunod o namamanage ng maayos ang kaniyang oras para sa mga dapat niyang gampanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

4. Portable charger o power bank

Dahil lahat tayo ay nakadepende sa technology at madalas sa ating cellphone, ang pagreregalo sa asawa ng portable charger o power bank ay napakagandang ideya. Sa pamamagitan nito ay masisigurado nating hindi malolowbat si misis man o mister kahit siya ay on-the-go sa pagaasikaso sa mga kailangan sa bahay o kahit man sa trabaho.

5. Headphones

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang paraan ng pag-aaliw o pagpapalipas ng oras ang panonood ng movies o pakikinig ng music na pwede na ngayong gawin gamit ang cellphone. Kaya naman ang pagreregalo sa iyong asawa ng headphones ay magagamit niya kapag siya ay nagrerelax o nagpapalipas ng oras ng mag-isa.

6. Regalo sa asawa: Sneakers o Rubber Shoes

Maliban sa loafers, isang magandang sapatos din na puwedeng regalo sa asawa ay sneakers o rubber shoes. Magagamit nila ito sa paglalakad o pag-eexercise o sa kahit anong activity para mas maging healthy.

7. Pajama o pangtulog

Dahil sa malamig na panahon ngayon, ang pagreregalo ng pangtulog o pajama sa iyong asawa ay siguradong maapreciate niya. Lalo pa at maraming available designs nito na tutugma sa personality niya. May iba’t-ibang klase rin ng tela kung saan gawa ang pajama na pwedeng isuot kahit magbago na ang panahon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Regalo sa asawa: Bag

Sa simpleng lakad man o trabaho, ang bag ay napakaimportante bilang ito ang lagayan ng mga gamit o essentials na dapat ay laging dala ng asawa mo. Marami ring klase ng bag na maaring mapagpilian na swak sa pangangailangan ng asawa mo. May mga handbag o tote bag para sa mga babae at may cross bag, belt bag o backpack naman para sa mga lalaki.

9. Perfume o pabango

Isa ito sa pinaka-timeless na regalo sa asawa. Nagagamit ito sa mga importanteng events o kahit sa simpleng lakad o sa trabaho para mapanatiling mabango at fresh ang iyong asawa sa lahat ng oras.

10. Regalo sa asawa: Gadgets o gamit sa bahay

Dahil nga sa epekto ng technology ngayon, napaka-importante na ng papel na ginagampan ng cellphone at iba pang gadgets sa buhay ng bawat isa sa atin. Kaya naman ang pagreregalo ng gadget sa iyong asawa lalo na kay Mister ay siguradong ikakatuwa niya na magsisilbing paraan niya ng pagrerelax kapag walang trabaho o nagpapalipas ng oras. Samantalang, kahit anong gamit sa bahay naman na magagamit ni Misis ay siguradong ipagpapasalamat niya sayo. Tulad na lamang ng bagong oven na magagamit niya sa pagluluto at paghahanda ng bagong putahe para sa inyo.

Ilan lamang iyan sa mga maaring ibigay na regalo sa asawa. Marami pang puwedeng ibigay sa kaniya na nakadepende sa pangangailangan niya o di kaya naman ay sa magpapasaya sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero ang pagreregalo sa asawa ay hindi lamang dapat sa materyal na bagay. Ang pinakamagandang regalong maibibigay ng isang asawa sa kaniyang kabiyak ay ang oras ng magpaparamdam sa kaniya ng iyong pagmamahal na hindi lamang dapat tuwing araw ng kapaskuhan kung hindi sa araw-araw na ikaw ay kaniyang minamahal at pinagsisibilhan.

Larawan mula sa Shutterstock

11. Skin care products

Mahalaga rin sa mga misis na paminsan-minsan ay makapag-ayos ng sarili. Kaya naman kung mahilig sa skin care regimen ang iyong asawa, magandang magregalo ng skin care products para sa kaniya. Siguradong ikatutuwa niya ito. Sa pamamagitan din nito maipaparamdam mo na pinahahalagahan mo ang pag-aalaga niya sa kaniyang sarili.

12. Staycation

Break muna sa mga gawaing pang araw-araw. Hindi lang materyal na bagay ang pwede mong iregalo kay mister o misis. Puwedeng-pwedeng mag-book ng staycation kung saan ay makapagrerelax kayong pareho at mae-enjoy ang presensya ng isa’t isa. Syempre, kung hindi niyo isasama ang mga bata at may mapag-iiwanan naman kayo sa kanila, perfect timing din ito para sa special na sexy time niyong mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

13. Spa treatment

Mister man o misis e tiyak na maraming ikinapapagod. Maaaring trabaho o mga gawaing bahay at pag-aalaga sa mga anak. Kaya naman, magandang regalo sa asawa rin ang spa treatment. Para ma-relax at makapahinga kahit sandali mula sa mga araw-araw na gawain.

Tandaan mommy at daddy, ang pinakamahalagang regalo sa asawa pa rin na iyong maibibigay ay ang tunay na pagmamahal, pang-unawa, at pagbibigay ng quality time sa pamilya.

Updates by Jobelle Macayan

Basahin: 20 na mga regalo na puwedeng ibigay sa iyong minamahal—na hindi materyal na bagay