TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Pinakamagandang mga regalo para sa 1-year-old, ayon sa mga eksperto

4 min read
Pinakamagandang mga regalo para sa 1-year-old, ayon sa mga eksperto

Bukod sa nakakatuwang laruin, mahalaga rin na nakakatulong sa development ang regalo sa bata, lalo na kung para ito sa mga 1-year-old.

Moms and dads, magpapasko nanaman! May nakahanda na ba kayong regalo para sa inyong anak? Mahalagang maging mapili at mabusisi pagdating sa regalo sa bata, lalo na sa mga 1-year-old dahil ito ang kanilang tinatawag na formative years.

Sa panahong ito, nagsisimula na silang magsalita, maglakad, at i-explore ang kanilang kapaligiran. Kaya mahalagang mabigyan sila ng mga regalo na makakatulong upang ma-stimulate ang kanilang mga senses. Nakakatulong rin ito upang sila ay tumalino, at maging advanced ang kanilang development.

Pinakamagandang regalo para sa 1-taong gulang na bata

Heto ang pinakamagandang regalo sa mga 1-year-old, ayon sa mga eksperto:

1. Educational books

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Adarna House (@adarnahouse) on Nov 16, 2018 at 1:12am PST

 

Habang bata pa lang ay importanteng turuan ang mga bata na mahalin ang mga libro at ang pagbabasa. Nakakatulong ito para mapatibay ang kanilang speech, at upang mas maging matatas ang kanilang pagsasalita.

Mahalaga ring pumili  ng age-appropriate na libro para sa iyong anak upang mas maintindihan niya ang kwento, at hindi siya mawalan ng gana sa librong binabasa mo sa kaniya.

2. Musical toys

Maganda ang mga musical toys dahil bukod sa natutuwa ang mga bata habang “tinutugtog” nila ito, itinuturo din nito ang pagiging independent sa paglalaro. Magandang bigyan ang iyong anak ng mga laruan na tulad ng xylophone, o drums, dahil madali lang itong tugtugin at paglaruan.

3. Puzzles

regalo sa bata

Ang mga puzzle toys ay nakakatulong sa problem-solving ng mga bata. | Source: Pixabay

 

Ang mga puzzles ay nakakatulong upang ma-develop ang problem-solving skills ng iyong anak. Huwag muna siyang bigyan ng mga komplikadong jigsaw puzzle, dahil hindi pa niya ito maiintindihan.

Magandang magbigay sa iyong anak ng mga block puzzles, or mga puzzle na sadyang ginawa para sa mga 1-year-old.

4. Mga bath toy

Kung hindi madaling paliguan ang iyong anak, siguradong magbabago ang isip niya kapag binilhan mo siya ng bath toy. Nakakatulong ang mga ito para makuha ang atensyon ng iyong anak, at upang maging exciting sa kanila ang paliligo.

5. Stuffed toys

regalo sa bata

Siguradong matutuwa ang iyong anak sa paglalaro ng mga stuffed toys. | Source: Facebook, Plush and Play

Lahat siguro ng bata ay natutuwa kapag naglalaro ng mga stuffed toys. Ito ay dahil madali itong pisilin, at puwedeng-puwede nilang yakapin, at maging katabi habang natutulog.

6. Building blocks

regalo sa bata

Ang Edublocks ay siguradong magugustuhan ng iyong 1-year-old. | Source: Facebook, The Parenting Emporium

Ang mga building blocks ay nakakatulong upang patibayin ang creativity at analytical thinking skills ng mga bata. 

7. Mga laruan na may gulong

Ang mga laruan na may gulong tulad ng mga maliliit na kotse ay nakakatulong upang maging active palagi ang paglalaro ng iyong anak.

8. Interactive toys

regalo sa bata

Ang Playsack play mat na ito ay hindi lang magandang play surface, kundi interactive at exciting din para sa mga bata. | Source: The Parenting Emporium

Ang mga interactive toys ay siguradong gagawing mas masaya ang paglalaro ng iyong anak. Ito ay dahil makukuha talaga ng ganitong mga laruan ang kanilang atensyon, at hindi sila agad mabo-bore dito.

9. Animal toys

Kung hindi pa kayo ready na magkaroon ng pet sa bahay, o kaya naman ay allergic o masyado pang bata si baby, magandang bilhan muna siya ng mga animal toys. Magandang magbigay ng mga iba’t-ibang animal toys dahil bukod sa matutuwa sila sa “pag-aalaga” rito, matututunan din nila ang pangalan ng iba’t-ibang mga hayop.

10. Finger paints

Maganda ang mga finger paints para mailabas ang creativity ng iyong anak. Siguraduhin lamang na safe at walang masamang kemikal ang ginagamit niyang finger paints, at siguraduhin din na hindi niya ito ikakalat sa kung saan-saan!

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

 

Source: Today

Basahin: Payo ng isang nanay: Hindi mahalaga na advanced ang bata

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Pinakamagandang mga regalo para sa 1-year-old, ayon sa mga eksperto
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko