Ang pag-bibigay ng regalo sa partner ay isa sa mga mahalagang factor ng relasyon.
Nahihiyang sabihin sa iyong partner na gusto mo ng regalo?Ito ang tips.
Nahihiya magsabi sa partner na gusto ng regalo? Alamin dito ang ilang tips. | Larawan mula sa Pexel
Isa sa mga misunderstanding ng mga couples ay tungkol sa pagbibigay ng regalo sa isa’t isa. May mga tao na nagsasabi na, hindi nila kailangan ng regalo ngunit aminin man o hindi gusto natin ang makatanggap nito.
Karamihan sa mga ito ay nahihiyang magsabi sa kanilang partner ng tungkol dito. Ito ang mga paraan upang masabi sa iyong partner na gusto mo ng regalo:
1. Mag-drop ng Hints.
Isa sa mga pwedeng gawin nang hindi dumidiretso tanong ay ito. Maaari mong ipakita ang mga bagay na gusto mong matanggap sa iyong partner.
2. Makipag-usap sa isang tahimik na lugar.
Ito’y importante dahil maaari kayong hindi magkaintindihan ang iyong partner kung sa isang maingay na lugar. Mas mababawasan rin ang pagkahiya kung nasa tahimik kayong lugar dahil kayo lamang ang nakakaalam doon.
3. Diretso ang Sabihin.
Kung hindi nadadaan sa pag dropping hints ang iyong pagpaparinig. Maaari mo itong diretso sabihin sa iyong partner na gusto mo makatanggap ng regalo mula sa kaniya.
4. Habaan ang pasensya.
Kung maari ay habaan ang pasensya para sa iyong partner. Ito ay mahalagang factor ng isang relasyon. | Larawan mula sa Pexel
Hindi lahat ng tao ay marunong pumili o magbigay ng regalo sa kanilang partner. Kaya kung maari ay habaan ang pasensya sa iyong partner pagdating dito dahil ito ay parte ng isang relasyon.
5. Magbigay rin ng regalo.
Ang isang relasyon ay give and take, kung gusto mong makatanggap ng regalo dapat magbigay ka rin. Isa ito sa mga epektibong paraan upang mag-sabi na gusto mo rin makatanggap ng regalo.
Ang mga ways para magsabi sa iyong partner ay isa lamang payo.
Dahil kung ang iyong partner ay gusto kang mapasaya, siya ay gagawa ng paraan upang maibigay ang mga regalo na alam nyang magugustuhan mo. Tandaan hindi lang naman ito ang basehan sa pagsasama pero nakakatulong ito para sa inyong relasyong mag-asawa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!