Magandang regalo para sa 3-anyos, ayon sa mga eksperto

Maliban sa pagbibigay saya, may mga regalo sa Pasko para sa mga tatlong-taong bata na makakatulong din sa brain at overall body development nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naisip mo na ba ang ibibigay mong regalo sa pasko para sa iyong 3-taong gulang na anak?

Ang unang tatlong taon ng isang bata ay napaka-importante para sa cognitive at brain development nila. Sa mga taong ito nagsisimulang makisalamuha at magkaroon ang isang bata ng sarili niyang ideya, ayon ito kay Tovah Klein, Director ng Barnard College Center for Toddler Development at author ng “How Toddlers Thrive.”

Ito rin ang mga taon na kung kailan natututong kumilos o gumawa ng mga mga gawain ang isang bata ng mag-isa na hindi kinakailangan ang tulong ng iba tulad ng pagbibihis ng kanilang sarili. Ayon naman ito kay Marie Conti, head ng The Westherill School sa Gladwyne, Pennsylvania at board member ng American Montessori Society.

Kaya naman bilang magandang regalo sa pasko sa kanila, makabubuti ang mga laruan o iba pang gamit na mas magpapabilis at makakatulong sa overall development nila. Kaya naman narito ang ilan sa mga laruang magandang i-regalo sa pasko sa mga tatlong-taong gulang na bata.

Regalo sa pasko para sa tatlong-taong bata

1. Sandbox

Ang paglalaro ay isang magandang paraan sa mga bata para ma-develop ang kanilang social skills tulad ng pagso-solve ng problema, pagbabahagi at pakikipagusap. Sa pamamagitan ng paglalaro ng buhangin o sand natututo ang mga bata na maglaro gamit ang kakaonting gamit na meron sila habang ibinabahagi ito sa iba upang matapos o magawa ang kanilang goal na makabuo ng isang sand castle na magkakasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inflatable sand tray table, P208 sa Lazada

2. Re-Stickable Playset

Ang paglalaro ng re-stickable playset ay nakakatulong upang ma-develop ang cognitive at special development ng isang bata. Dahil ito sa kanilang imagination na gumagana kapag nilalaro ang mga stickers upang makabuo ng isang bagay o istorya na likha ng isip nila.

3. Super Hero Cape

Ang super hero cape rin ay makakatulong upang mas madevelop ang imagination ng isang bata. Dahil sa kanilang paniniwala sa magagandang gawi ng mga superheroes na iniisip nilang tulad nila habang suot ang cape, natuto silang makisalimuha at tumulong sa iba na nagiging magandang paraan upang ma-develop pa ang social skills nila.

4. Toy Blocks

Ang mga toy blocks o building blocks tulad ng mga lego ay isa ring powerful learning tool para sa mga bata. Ilan sa mga skills na pwede nilang madevelop habang nilalaro ito ay ang kanilang motor skils, hand-eye coordination, creativity at engineering skills. Ayon din sa mga eksperto ang paglalaro ng building blocks din ay konektado sa mas mataas na mathematical achievement.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Music Instrument

Tulad ng toy blocks,ang paglalaro ng musical instruments ay makakatulong rin sa mga bata para mas madevelop ang kanilang hand-eye coordination. Ito rin ay nagpapatalas ng kanilang memory at nagbibigay sa kanila ng responsibilidad para mas matuto at maabot ang mas mataas na level ng achievement.

6. Tile Set

Ang mga tile set ay magandang educational toy sa mga bata dahil sa pamamagitan nito ay nade-develop ang kanilang motor planning skills, hand-eye coordination pati narin ang kanilang creativity at problem solving skills.

7. Plush Toys

Samantala ang mga plush toys o stuff toys naman ay makakatulong sa mga bata upang magbigay sa kanila ng comfort bilang ito ay tinuturing nilang companion. Dito naprapractice nila ang kanilang social at language skills habang unti-unti ring binubuo ang kanilang confidence o kumpyansa sa sarili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Cookware Set

Ang paglalaro naman ng mga fruit and vegetable set ay nakakatulong rin upang madevelopa ng motor skills ng isang bata. Sa pamamagitan rin nito ay mas naiintindihan ng mga bata ang halaga ng mga pagkain at paano ito inihahanda na ligtas para sa kanila. Pinapraktis rin nito ang kanilang imagination and creativity para sa matalas na development ng kanilang utak.

9. Scooter Bike

Maliban sa pagtulong sa development ng kanilang motor skills. Ang paglalaro rin ng scooter bike para sa mga bata ay makakatulong upang sila ay magbalanse at matuto ng mga direksyon. Habang natututong paandarin ng isang bata mag-isa ang scooter bike nabubuo rin ang kumpyansa niya sa sarili na kailangan niya para sa dagdag lakas ng loob para matuto pa ng ibang bagay.

10. Sketch Board

Isang magandang paraan rin para mahasa ang creativity at imagination ng isang bata ay sa pamamagitan ng pagdradrawing sa sketch board. Para sa mga tatlong taong gulang na bata, isang magandang simula ito sa paghawak ng lapis o pen bilang paghahanda sa kaniyang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilan lamang ito sa mga laruan na magandang regalo sa pasko para sa mga tatlong taong gulang na bata. Maari ring i-regalo ang mga story books na makabubuti rin sa development ng kanilang utak dahil sa mga larawan rito na nakakatulong rin sa kanilang imagination at creativity. Pero higit nga sa ano mang materyal na bagay, wala paring katumbas ang pagmamahal at pag-aaruga na iyong maibibigay na regalo sa pasko para sa isang bata.

 

Sources: Nurture Store, Pathways, Today
Photo: Unsplash

Basahin: 20 na mga regalo na puwedeng ibigay sa iyong minamahal—na hindi materyal na bagay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement